Katotohanan

152 5 0
                                        

Tuliro ako nang umalis ako sa bahay nila Jam. Ramdam ko ang galit ni Rose, at lahat ng salitang binitawan nya. Nakakalungkot isipin na dito kami matatapos. Mas nakakalungkot na nasaktan ko sya.

Sa sobrang gulo ko at sa bilis ng pangyayari, lumabas ako ng bahay nila dala ang envelope at mga picture na pinakita nya sa akin. Umaapaw din sa luha ang mga mata ko, swerte lang ako wala si Gary pagbaba ko, kung hindi siguradong aasarin ako non. Nakasakay ako agad ng jeep papunta sa sakayan ng bus dahil halos magaalas-onse na din ng gabi, kaunti na lang ang mga tao.
Mabilis din akong nakasakay ng bus, wala masyadong pasaherong kaagaw sa mga upuan.

Nakatanaw ako sa bintana at nililibang ang sarili ko sa mga kasalubong na sasakyan. Ayokong mag-isip, pagod na ako. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa pinagdadaanan ko. Buti na nga lang, bakasyon na, wala masyadong kailangang isipin sa school.

Hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan ang mga larawan na laman ng envelope. Labindalawa lahat ang mga letrato. Pito ang solo nung lalaki na naghihintay malapit sa gate ng apartment nila Jam. Hindi tanaw ang mismong gate sa picture, pero sigurado akong mga dalawa o tatlong metro lang ang layo nya sa entrada ng apartment. Yung natitirang lima, picture nilang dalawa ni Jam. Parang magkausap sila, mukhang binuhat pa ni Kevin yung mga dala ni Jam. Tapos dumerecho na papasok sa gate. Hindi ko alam bakit hindi kinwento ni Jam na nagkita sila ni Kevin bago yung flight nila sa Bohol. Muka ngang may tinatago.

Minasdan ko isa-isa lahat ng larawan, paulit-ulit dahil wala naman akong gagawin sa byahe. Tiningnan ko ang lahat ng detalye, dahil simula pa lang, may duda na ako kung bakit may kukuha ng picture nila Jam at Kevin. Tiningnan kong muli ang mga letrato, ngunit wala akong nakitang sagot. Pero sigurado ako, may mali sa mga larawang ito.

***

Nakaupo ako sa ilang upuan sa loob na platform ng LRT. Mga apat na araw na ang nakalipas mula nung pinalayas ako ni Rose sa bahay nila. Apat na araw na din akong hindi mapalagay kung ano ba ang dapat kong gawin. Nakabalik na si Jam sa Maynila, tinawagan nya ako minsan pero hindi ko sinagot. Nagtext na lang sya na kung pwede daw, pumunta ako sa kanila sa araw ng graduation nya dahil may simpleng dinner silang pamilya. Hindi ako sumagot, hindi ako sigurado kung gusto ko silang makita.

Si Rose naman, kinukulit ko, tawag, text pero hindi ako pinapansin.

Napansin ko na papalapit na sa aking ang taong hinihintay ko.

"Pre ang tagal mo naman!", bati ko.

"Pasensya na pre, tinanghali ako ng gising. 8:15 pa lang naman ah, kinse minutos lang naman ako na-late.", sagot ni Macky.

"Pakisabi sa mama mo, salamat ha. Saka salamat sinamahan mo ko."


Pulis ang mama ni Macky, siya yung nagttrabaho sa station sa kanto ng kalsada sa lugar nila Jam. Isang bagay lang ang naisip ko kung papano ipapaliwanag ang mga tanong ko sa mga picture na pinakita sa akin ni Rose. Kelangang mahanap ko tong si Kevin. Kaya nagpatulong ako kay Macky dahil alam kong matutulungan ako ng mama nya. Hindi ko alam paano ginawa ng mama ni Macky, pero halos isang araw lang ang nakalipas alam na namin kung san namin pwedeng makita si Kevin.

Sumakay kami ng LRT, hindi naman siksikan, nakaupo pa kami ni Macky.

"Pre, salamat talaga sa pagsama saka sa tulong mo sa akin dito ha."

"Gago pre. Sa laki ng tulong mo sa akin sa school, di pwedeng hindi kita tulungan. Nga pala, hindi sure yung binigay na info ni mama ha, walang sisihan pag wala tayong napala.", paalala ni Macky.

"Oo naman. Basta subukan lang natin malay mo makausap ko tong Kevin na to."

"Loko ka kasi pre, magkapatid pa talaga gusto mo.",

Bumaba na kami ni Macky ng LRT, base sa sinabi sa amin ng mama nya, pedicab driver daw si Kevin sa baba mismo ng isang station ng LRT. Di pa man kami nakakababa ay naglapitan na sa amin ang mga lalaki na nag-aalok ng sakay ng pedicab. Iginala ko ang mga mata ko, hinahanap ang taong ipinunta namin dito. Nalampasan ko na ang lahat ng pedicab driver, pero wala ang mukhang hinahanap ko. Mukhang mapupurnada pa tong lakad ko.

Tumayo kami sa baba ng station para maghintay. Hindi ko alam kung may hinihintay kami o wala. Pumarada ang isang pedicab sa harap namin, bumaba ang isang babaeng halos kasing edad ko, may dalang bata na mga isang taong gulang. Humalik sya sa pedicab driver. Hindi ko agad naalis ang tingin ko sa kanila, dahilan para tanungin ako nung driver kung sasakay daw ba ako at bakit ko sila tinitingnan.

Napilitan na akong sumakay, hindi dahil natakot ako, kung hindi dahil nakita ko na ang hinahanap ko. Si Kevin, nakasuot ng puting tshirt at basketball shorts, nakatsinelas at alam mong batak sa trabaho ang katawan.

"San kayo boss?", tanong nya habang nagsisimulang padyakan ang pedicab.

"May plaza jan kuya di ba? Yung parang mall?", sumagot si Macky.

"Oo, 40 hanggang don dalawa na kayo.", sagot ni Kevin.

Bumaba kami ng pedicab sa tapat ng isang mall, hindi ko na pwedeng palampasin ang pagkakataon. Inilabas ko ang picture at pinakita kay Kevin.

"Ikaw ba to?", tanong ko sa kanya.

Napamura sya.

"Pulis ba kayo? Wala po akong alam dyan sir. Maawa po kayo, matagal na po yan, hindi po ako nanggulo. May pamilya po ako sir.", halata ang takot sa mga mata nya.

Naawa ako sa reaksyon na pinakita ni Kevin, may halong takot at pag-aalala.

"Relax ka lang, hindi ako pulis, may itatanong lang ako. Kain tayo, mukhang hindi ka pa nag-aalmusal e.", tugon ko.

"Pre, ang yaman mo, manlilibre ka pa.", bulong sa akin ni Macky.

"Sagot mo muna pre, bayaran ko na lang."

***

Nakaupo kami sa isang sulok ng fast food. Wala masyadong tao, maaga pa kasi. Tahimik si Kevin, halatang lito sa mga nangyayari.

"Ano po ba yung tungkol sa picture na hawak nyo?", tanong nya

"Yun nga ang ipinunta ko dito. Alam ko lahat ng nangyari sa Bohol, Kevin.", sagot ko.

Bumalik ang takot sa mukha nya, na kanina ay napalitan na ng kalma at kapalagayan.

"Wala po akong kasalanan sir, lasing ako non pero alam kong di ko magagawa yon.", kitang-kita ang takot sa mga mata nya.

"Alin?", tanong ko.

"Yung sinabi nila na may nangyari sa amin nung kapatid ni Rose. Sino nga yon?"

"Si Jam.", si Macky ang sumagot.

"Oo, yon, di ko ginalaw yon, mamatay man ako ngayon."

Lumalabas ang pawis sa mukha ni Kevin, halatang nag-aalala.

"Relax, walang mamamatay. Gusto ko lang malaman bakit di ka nakaabot sa flight nyo dapat na kasama si Rose, Lunes yon tama ba?", tanong ko uli.

Hindi ginagalaw ni Kevin ang pagkain nya, pero uminom sya ng kape bago magsalita.

"Anong hindi umabot? Tinext ako ni Rose, sabi nya Myerkules na daw ako pumunta sa airport kasi pinarebook nila flight ko para may time silang mag-ina na sila lang.", katwiran nya.

Inilapag nya ang baso ng kape.

"Di kasi sila OK ng mama nya non, kasi naman, sa ganda ni Rose, akalain mo bang mainlove sa dishwasher na tulad ko.", patuloy niya.

"Dishwasher ka non? Saan?", tanong ko ulit.

"Sa carinderia na malapit sa boarding house nila Rose. Nagboarding house yon nung sya pa lang sa Maynila, nung dumating kapatid nya, saka sila nag-apartment. Yung apartment nga nila di ba, may police station na malapit. Madalas nagdadala ko ng ulam don, extra income ba."

Yun siguro ang dahilan bakit nahanap sya agad ng mama ni Macky.

"So tinext ka ni Rose?", pag-uulit ko sa sinabi nya.

"Oo, kahit naman dishwasher ako nakapagipon ako ng pambili ng cellphone, pero madalas walang load."

"Hindi yon ang ibig kong sabihin? Kelan ka tinext ni Rose?"

"Nung umagang yon, mga bago mag alas sais ng umaga, nakasakay na nga ako sa jeep non.", sagot ni Kevin.

"Tapos umuwi ka na?"

"Teka nga, ano ba talaga to? Kala ko hindi kayo pulis? E kung magtanong kayo daig nyo pa imbestigador ah."

Tatayo na sana si Kevin, pero pinigil sya ni Macky.

"Eto 500 pare, hindi kami pulis, kaibigan namin yang si Rose saka si Jam, may kelangan lang kaming malaman pero wala ka na kung ano man yon. Yan 500, sagutin mo lang mga tanong ng kaibigan ko. Hindi kami pulis, mga estudyante pa nga lang kami.", napilitang dumukot si Macky, para siguro makauwi na kami at hindi na sya maabala.

Parang di sya pinansin ni Kevin.

"Dodoblehin ko yan basta sagutin mo lahat ng tanong ni Robin."

Naupo si Kevin, natauhan sa malaking halagang pwede nyang makuha.

"Oo, umuwi na ko non."

"E bakit kinabukasan na picturan ka sa tapat ng bahay nila Rose?", tanong ko ulit.

"E nagtext sa akin si Rose, nung Martes ng umaga, sabi nya puntahan ko daw kapatid nya, alukin ko daw ng ulam kasi walang kasama sa bahay."

"Tapos?"

"Napatagal nga ako maghintay don sa tapat ng gate nila, wala pala kasi don si Jam. Tapos dumating sya madami dala galing out-of-town, kaya tinulungan ko hanggang papanik sa kanila."

"Tapos?"

"Anong tapos? Edi umuwi na ako, kasi sabi ni Jam may ulam pa naman sya don."

Lumagok ulit ng kape si Kevin tapos lumingon sa labas, sinilip siguro yung pedicab nya.

"O ano na nangyari sa Bohol nung gabing dumating kayo."

Halatang may takot sa mata ni Kevin. Aligaga at hindi mapakali.

"Uminom kami, tapos nakarami ako. Nagising ako nakaakap na lang ako kay Jam tapos nagwawala na si Rose."

"Sigurado ka?", paniniguro ko.

"Oo, mamatay man ako."

"Sabi ni Rose, di na kayo nagusap mula non? Bakit di ka man lang tumawag sa kanya?"

"Hindi naman ako naloloko! Kinausap ako nung tyahin nya na kasabay namin sa eroplano. Binigyan ako ng pera pauwi, sinabihan ako na wag na magpakita sa pamilya nila dahil sa ginawa ko kay Jam kung hindi idedemanda nila ako ng rape."

Sumabat si Macky sa usapan.

"O pre, di ba yun yung mabait na tyahin ni Jam na kinukwento mo? Yung kamuka ni Miss Amelia sa Princess Sarah? Yung sabi mo mabait na binigyan ka ng 1000 sa osipital?"

"Oo, yun nga pre. Pero Kevin, bakit di mo man lang tinawagan o tinext si Rose kung wala ka talagang kasalanan?"

"Nanakaw yung cellphone ko dun sa sakayan ng RoRo papuntang Pasay. Di naman kasi ako marunong mag eroplano kay magbubus na lang sana ako."

"Pano ka nakarating sa terminal ng bus, e hatinggabi yon di ba? Tapos bago ka lang sa lugar?", tanong ko ulit.

"Nung pagbaba ko sa lobby ng hotel, may nakasabay akong babae, umiiyak gusto na bumalik sa Maynila kasi nag-away daw sila nung boyfriend nyang kano."

"Anong koneksyon non?", mabilis kong putol sa kwento nya.

"Sumabay na daw ako sa kanya kasi itinawag na sya ng taxi nung boyfriend nya papunta sa bus station."

"Ah OK, tapos dun ka nanakawan sa station?"

"Oo, yun ding babaeng yon ang nagnanakaw ng cellphone ko. Kunwari nakitext tapos biglang nawala. E hinayaan ko na kesa maiwan ako ng barko."

Sumabat ulit si Macky.

"E di ba nag-aaral pa si Rose non? Tapos sabi mo dishwasher ka sa carinderia malapit sa school. O, bakit di na kayo nagkita don?", tanong ni Macky.

"Namatay yung tatay ko sa probinsya pagdating na pagdating ko dito. Umuwi ako ng Mindoro. Sobrang tagal ko nawala sa carinderia, mga isang buwan. Pag balik ko di na ko pinapasok nung may-ari. Kaya eto, napadpad ako dito sa lugar nung isang pinsan ko, pedicab driver. Kaya naniwala ako na minalas ako dahil sa pamilyang yan e, nawala lahat ng gana ko sa buhay. Nasira lahat ng pangarap ko. Kaya kahit kelan di na ko lalapit sa pamilyang yan."

"Pre, parang may mali.", bulong ko kay Macky.

"Oy, totoo lahat ng sinabi ko ha. Mahirap lang ako, pero di ako sinungaling.", sagot ni Kevin matapos nyang madinig yon.

"Naniniwala ako sayo Kevin, pero parang duda ko don sa babaeng nakasabay mo, parang may mali. Namumukaan mo pa ba yon?"

"Oo, tandang-tanda ko itsura non.", wika nya.

Nilabas ko yung digicam ni ate na nasa bag ko, hinanap ko yung mga picture na kuha nung araw na umalis kami papuntang Corregidor.

"Eto ba yung babaeng yon?", tanong ko.

"Oo, yan yon sigurado ako."

Ang Kwento ni Lolo BenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon