Sayaw

178 5 0
                                    

Huling linggo na ng Pebrero, kulang dalawang buwan na lang ay patapos na ang ikaapat na taon ko sa kolehiyo. Isang taon na lang, magtatapos na din ako. Alam kong mahaba-haba pa ang lalakbayin, pero konti na lang, makakarating na din sa dulo.

Byernes ngayon at hindi katulad ng nakasanayan, maaga akong nakauwi sa bahay. Dito na nga din ako nag-lunch. Alas diyes lang kasi tapos na ang klase ko, umuwi ako agad para hindi na ako gumastos sa school. Sakto naman pagdating ko ng mga ala-una, kumakain pa lang si nanay, madami daw kasi ang labada nya kanina dun sa bahay ng barangay captain namin.

Mas dumalang ang pagkikita namin ni Jam simula nung Valentine's day, sobrang busy kasi nya magprepare para sa national assembly ng org nila na nangyayari ngayon mismo. Kaya nga hindi kami nagkita ni Jam ngayong Byernes, at maaga akong nakauwi. Nasa Tagaytay sya ngayon hanggang sa Linggo ng umaga. Ayos lang din kasi madami akong ginagawang projects ngayon, inuunti-unti ko na para hindi ako matambakan sa deadline. Mahirap din kasi yung sa dulo ako maghahabol.

Matutulog sana ako pagkatapos kong mananghalian nang biglang tumawag si Jam sa cellphone ko. Bihira syang tumawag pag kasama nya ang mga org-mates nya, madalas, text lang, kaya sinagot ko kaagad, baka kasi emergency.

"Rob, bahay ka?", tanong nya.

"Yes, kamusta ka dyan?"

"Ayos naman. Busy ka ba?", tanong nya ulit.

"Medyo, bakit ano meron?"

"Ah, kasi nakalimutan ko. Bukas nga pala yung last day ni ate dun sa orphanage kung san sya nagvovolunteer.", wika nito na nasa tono na agad na may hihinging pabor.

"Oh, OK. Anong kinalaman ko dun.", sagot ko na medyo may pagtawa.

"E may program daw dun sa ampunan na yon malapit sa school, alam mo ba yon?"

"Oo, yung malapit sa sakayan ng jeep?", syempre alam ko yun.

"Oo, dun nga. May program bukas, irerecognize daw si ate kasi matagal din sya nagvolunteer don. Baka pwede punta ka, nalimutan ko kasi e nakakahiya naman kay ate.", pakiusap ni Jam.

"Teka, bakit wala ba si Jay?", tanong ko para makahanap ng dahilan na hindi pumunta.

"Hay naku, out of the country dahil sa trabaho. Saka hindi pupunta yun don kasi kaya nga aalis si ate kasi pinapahinto na sya ni Jay na magvolunteer don.", paliwanag sa akin ni Jam.

"Malaki ba yung award at kailangan nandun pa ko para bumuhat non?", pang-aasar ko.

"Hay naku, pilosopo ka talaga. May speech kasi dapat ako don e since wala ako--
"., di na natapos ni Jam ang pagsasalita.

"Teka, teka. Ayoko ng ganyan ha, ayoko nga magspeech don.", dali-dali ko syang kinontra. Una, hindi ko alam kung ano sasabihin ko, pangalawa, nakakahiya naman magsalita sa harap ng maraming tao. OK lang sana kung maglelecture ako, pero kung ganyang speech, ayoko nun.

"Itetext ko sayo yung speech, short message lang naman. Dapat kasi ako yon, e nandito naman ako sa Tagaytay. Sige na please?", pakiusap ni Jam.

"May bayad ha?", biro ko.

"Hay naku, sige.", sagot nya.

Tumahimik bigla ang linya.

"Akong bahala sa'yo pogi. Do whatever you want when I come back.", biglang wika ni Jam sa isang mapang-akit na boses.

"Sure.", halata ang excitement sa boses ko.

"Hay, salamat! O, sige, itetext ko sa'yo tonight yung sasabihin ko."

"Anong oras nga yon bukas?", tanong ko.

"Alas-kuwatro simula ng program pero baka sa dulo pa yung pag-award kay ate. O sige, I have to go. Thanks ulit ha. Love you."

Ang Kwento ni Lolo BenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon