Memorial

134 4 0
                                    


"Sir, anong hospital nga po ulit?", tanong ng taxi driver na nasakyan ko.

"Saint Philip kuya.", tugon ko habang nakaupo sa likurang upuan ng sasakyan.

Tuliro ang isip ko sa mga nangyayari. Ala una pa lang ng umaga at eto ako bumabyahe na naman. Kakauwi ko lang ng bahay kaninang alas sais ng gabi at eto na naman ako, laman ng kalsada. Inaantok-antok pa ako, pero sa dami ng nagaganap, parang ayaw ko na din matulog.

Swerte lang ako at may pagrahe na taxi na nadaan sa lugar namin, sinabi ko na emergency, sinakay naman agad ako.

"Buti na lang coding ako bukas sir, kung hindi, di na talaga kita isasakay pagrahe na kasi ako. Buti martes bukas.", wika ng driver.

"Martes na ngayon, kuya, ala una na."

"Oo nga pala, girlfriend mo siguro yung nasa ospital sir no? Kaya kahit alanganing oras e pupuntahan mo.", tanong nya.

Di na ako sumagot.

Sariwa pa sa isip ko ang nangyari sa amin ni Rose sa Corregidor matapos naming hayaan ang aming mga sariling pakawalan ang mga damdaming sinubukan naming itago. Isang halik ang naging mitsa ng lahat ng ito. Sa Corregidor namin hinayaan na kainin kami ng totoong nararamdaman namin sa isa't-isa. Hindi ko napigilan ang mahulog sa kanya, ang dali kasi nyang mahalin. Magaan ang tingin nya sa mga bagay-bagay, at alam nya kung pano iparamdam sayo na mahalaga ka, na parte ka ng buhay nya. Bagay na hindi ko naramdaman kay Jam. Oo, naramdaman ko kay Jam yung attraction, affection, at kung ano-ano pa, pero kay Rose ko lang naramdaman na mahalaga ako - that I matter. Mahirap ipaliwanag pero, hindi ko naman kailangang bigyan ng paliwanag ang lahat ng bagay, ang alam ko lang ngayon, mahal ko sya.

"Napano ba girlfriend mo sir?", tanong ulit ng driver na nagpapawala siguro ng antok.

Di pa din ako sumagot. Wala ako sa mood makipagkwentuhan.

Malinaw pa sa isip ko kung gaano katamis ang mga halik namin sa isa't-isa nung pumasok kami sa kwarto. Basa ang aming mga damit at inisip namin na ituloy na namin ng paliligo ang pagkabasa namin sa ulan. Binuhat ko sya, ngunit hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Isinandal ko sya sa pinto at hinubad ang kanyang basang damit. Walang pagmamadali ang bawat galaw ng aming katawan, ngunit dinig ko ang salitan naming pagsagap ng hininga. Solo namin ang kwarto, walang dapat ipagmadalit, sa amin ang magdamag.

Binuhat ko sya papasok ng CR, at iniupo sa countertop ng sink. Duon ko sya siniil ng halik na ginantihan naman nya sa bawat pagkakataon. May mga sandaling nagbibitaw ang aming mga labi para sabihing mahal namin ang isa't-isa. May mga pagkakataon na naglalayo ang aming mga mukha upang pagmasdan ang ganda na nasa aming harapan. Hindi ko lubos maisip na sa ganito aabot ang lahat. Pero wala akong reklamo. Sa unang pagkakataon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa unang pagkakataon, wala akong pakialam sa pwedeng mangyari bukas, o sa makalawa. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong kailangan ako ng isang tao.

Naghubad ako ng lahat ng suot ko matapos ang maiinit na palitan namin ng halik. Kinarga ko sya pababa at hinubad ang natitirang damit sa kanyang katawan. Tumapat kami sa mainit na shower, habang patuloy pa din ang mainit na pagkakadikit ng aming mga labi. Ramdam ko ang pagdampi ng kanyang dila sa aking labi kayat sinabayan ko din ito hanggang sa naramdaman kong nagtatama na ang aming mga dila sa ilalim ng patak ng tubig ng shower.

Nauna akong kumalas at tinuloy ang halik sa kanyang leeg. Pinasandal ko sya sa dingding ng CR habang ang bibig ko ay gumapang pababa sa kanyang dibdib. Hindi sya nagsasalita maliban sa mahihinang ungol na lumalabas sa kanyang bibig. Marahan kong pinagapang ang mga labi ko pababa sa kanyang tiyan papunta sa pagitan ng kanyang hita at siniil ko ito ng halik. Kusang tumaas ang isang binti nya na pumatong sa aking balikat. Unti-unti ding lumalakas ang kanyang pag-ungol.

Pinatayo nya ako, at sya naman ang kumilos pababa. Una nyang hinalikan ang aking dibdib, habang ang kamay nya ay inaabot ang aking mga hita at naglalaro sa pagitan ng mga ito. Kasabay ng pagbagsak ng tubig sa aking katawan ay ang pagsayad ng dila nya sa aking katawan. Daig ko pa ang kinukuryente sa aking nararamdaman. Napapikit ako at naramdaman ko ang mga labi nya na humahaplos sa hita ko. Tumingin sya sa akin, bago nya ako tuluyang dinala sa langit.

Pinatay ko ang shower dahil napansin kong nahihirapan sya sa bumabagsak na tubig. Ito ang naging dahilan ng pag kakaroon ng steam sa CR.

Tumayo sya at hinalikan ako. Kusa syang tumalikod at humawak sa dingding ng CR. Alam ko na ang gusto nyang mangyari. Pumwesto ako sa kanyang likuran, inakap sya nang mahigpit at tuluyang naging isa ang aming mga katawan. Ramdam ko ang init ng pinagdikit na katawan, at kitang-kita ko ang makinis nyang likod na may butil-butil na tubig. Hinigpitan ko pa ang pagyakap at patuloy na dinama ang kakaibang sensasyon na dala ng pag-ibig. Walang salita na namagitan sa aming dalawa, puro ungol lang ang maririnig sa loob ng CR na unti-unting napupuno ng steam.

Binuhat ko sya at iniupo muli sa countertop ng sink. Alam na ni nya ang nais kong mangyari. Kusang bumuka ang kanyang mga hita paharap sa akin. Lumalim lalo ang pagkakatitig namin sa isa't-isa. Pumulupot ang kamay nya sa akin, at ganun din ang mga braso ko sa kanya. Muling nagsanib ang aming mga katawan, Kasabay ng bawat ulos at pagsasalubong ng aming katawan ay ang pagdiin ng aming mga labi sa isa't-isa. Patuloy din ang pagtatama ng aming mga dila. Napapansin kong napapapikit sya sa bawat pagkakataong magsasalubong ang aming mga katawan.

Hinawakan nya ng kanyang dalawang kamay ang aking mukha. Ramdam ko ang init ng kanyang mga palad. Inilapit nya ang kanyang katawan sa akin, naunawaan ko naman ang nais nyang mangyari. Huminto ako sa pag galaw at hinayaan ko lang na damahin naming ang pag-iisa ng aming kaluluwa. Bumitaw sya sa pagkakahalik at ngumiti. Umakap sya sa akin ng mahigpit habang ang mga binti nya ay nakapulupot sa akin. Dinama namin ang init ng magkarugtong naming katawan.

Hinawi ko ang kanyang buhok at muli ko syang hinalikan sa kanyang labi. Nagkusa na ang aming katawan na magsalubong ng bawat ulos. Parehas naming naramdaman na malapit na kami sa langit kahit walang palitan ng salita sa aming dalawa. Bumilis ng bumilis ang paggalaw ko. Damang-dama ko ang init ng katawan nya, at ang kakaibang sensyasyon dala ng kanyang halik. Naramdaman ko din ang panginginig ng kanyang hita at binti. Hinigpitan nya lalo ang yakap, at diniinan lalo ang halik.

Ilang sandali pa ay isang malakas na ungol ang sabay na kumawala sa amin. Hindi pa din naghihiwalay ang aming katawan, habang patuloy pa din ako sa paghalik sa kanyang labi na parang batang mauubusan ng kendi. Pawis na pawis kaming huminto at muling ibinulong sa isa't-isa ang tunay naming nararamdaman.

"Sir!", sigaw ng driver.

Biglang bumalik ang isip ko sa totoong nangyayari, nakasakay ako sa taxi papunta sa ospital.

"Yun ba yung ospital sir?"

Lumingon ako sa tinuro ng driver. Nasa flyover kasi ang taxi at tanaw ang liwanag sa sign ng ospital mula sa malayo.

"Oo kuya yun nga.", sagot ko.

Nasulit namin ni Rose ang huling gabi namin sa Corregidor, matapos sa CR ay dumerecho kami sa kama. Kaunting pahinga lang ay may nangyari ulit sa amin. Nagising akong nakapatong ang ulo nya sa dibdib ko, malalim ang kanyang tulog. Nagkaron ako ng pagkakataon na pagmasdan muli ang kanyang mukha. Maganda talaga sya. May kanipisan ang kanyang kilay at may kahabaan ang kanyang pilikmata. Matangos ang kanyang ilong, at manipis ang kanyang mga labi. Makinis ang kanyang mga pisngi na nahaharangan ng kanyang buhok. Hinawi ko ito at napansin ko ang kanyang defined na jaw line.

Nagising ko yata sya sa ginawa ko, bumukas ang kanyang mga mata, na hindi naman kalakihan. Ngumiti sya sa akin ngunit bumalik sa pagkakapikit ang kanyang mga mata. Mas malaki ng kaunti ang dalawang pang-itaas nyang ngipin, na hindi naman nakabawas sa kanyang kagandahan, sa totoo lang, ang ganda nga lalo pag nakangiti sya. Yung parang smiling face talaga.

"Naku sorry sir, namali ako ng liko, iikot lang tayo sandali. Pasensya na boss."

Tumango lang ako.

Kinuha ko ang dala kong backpack para maghanda ng pamasahe, nasa loob pa nito ang digicam na dala namin sa Corregidor. Inutusan kasi ako ni Rose na ipaprint ang mga pictures namin. Binuksan ko ito at tiningnan ko ulit ang mga pictures namin sa islang hindi lang kasaysayan ang itinuro sa akin. Itinuro din ako ng Corregidor kung nasan ang nawawalang bahagi ng aking kaluluwa.

"Dito na tayo sir.", wika ng driver sabay sa paghinto ng sasakyan.

Nagbayad ako, at bumaba.

"Kamusta na lang sa syota nyo sir. Wag nyo pong isipin at gagaling din po yon."

Ngumiti ako at pumasok sa emergency room.

Madaling araw na ngunit puno pa din ang emergency room ng ospital. May mga nakapila pa sa triage sa bandang kanan pagpasok ko ng pinto. Sa kaliwa ko naman ay waiting area, may ilang mga nakaupo, yung iba tulog na. Derederecho ako sa information desk. Mabilis ang aking hakbang, kasing bilis ng kaba sa dibdib ko. Sa dami ng magandang nangyari nitong weekend, eto naman ang sumalubong sa akin sa Maynila.

"Doon po yan sir, derecho lang po sa kanan tapos sa kaliwa.", sabi ng nurse sa station na napagtanungan ko.

Derederecho ako sa kwarto na itinuro ng nurse. Patuloy pa din ang mga tanong sa isip ko, bakit pagkatapos ng saya ay trahedya naman ang umaambang kasunod. Ganun ba talaga ang buhay? Kelangan bang paglaruan tayo ng tadhana?

Nasalubong ko sa pasilyo ang isang pamilyar na mukha, Mama ni Jam. Kasama ang isang babaeng mas mataba sa kanya. Siya siguro si Tita Alice. Nakita nila akong paparating at humarap ang mama ni Jam sa kin. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"What happened?", tanong nya.

Umiling lang ako. Nagpaalam ako sa kanya kung pwede akong pumasok, pinayagan naman nya ako at tinuro kung aling cubicle ang dapat kong puntahan. Kurtina ang naghahati sa kama ng mga pasyente sa emergency area, agad kong binuksan ang kurtina ng cubicle na itinuro niya sa akin.

Nakita ko si Rose.

Marami pa ding tanong ang tumatakbo sa isip ko. Kung bakit ang saya namin kahapon, tapos biglang ganito ngayon? Sa isang iglap lang pwedeng mabago lahat. Eto ba yung sinasabi ni Lolo Ben na twist and turn ng buhay? Kaya daw dapat sulitin ang bawat sandaling kasama mo ang mahal mo. Ipakita sa kanya sa lahat ng oras na mahal mo sya. Because tomorrow is never promised. Alam ko sa sarili ko na nasulit ko naman ang bawat oras na kasama ko siya.

Kahapon lang magkayakap kaming nagising nang walang kahit anong suot sa katawan. Hinalikan ko sya sa labi na ginantihan naman nya ng mas mainit na halik. Inakap ko ang hubad nyang katawan, at binuhat ko sya para ipatong ko sya sa akin.

"Round 4?", tanong ko.

"Hindi ko alam kung san ka kumukuha ng lakas, pero kaya mo pa ba?"

"Ako pa?", pagyayabang ko.

Hinalikan ko sya ulit ngunit agad syang bumitaw.

"Baka ma-late tayo.", paalala nya.

Tumingin sya sa relo sa ibabaw ng TV.

"O, 7:15 na, hanggang 8AM lang yung breakfast. Kain na tayo, please?", pakiusap nya sa akin.

"Sayang naman.", bulong ko.

"Sshhh.. we have the rest of our lives ahead of us, we will have many more mornings like this."

Hinalikan ko sya sa noo.

"Saka di ba may promise ka sa akin na ikkwento mo tungkol don sa nakita nating kulay puting dome don sa may, anong garden nga ba yon?", tanong nya habang unti-unting bumabangon.

"Hindi yon garden, Pacific War Memorial Chapel yon."

"O, basta don. Inabot kasi tayo ng ulan kahapon kaya di natin napuntahan. Kain na tayo, saka we need to catch the 12noon ferry ha."

Bumangon na nga kami at nag-almusal. Sumakay kami ng ulit ng tram para pumunta dun sa lugar ng chapel, mejo malayo kasi yon sa hotel kaya kelangan naming sumakay. Suot ni Rose ang isang green na dress na hapit sa kurbada ng kanyang katawan. Hanggang tuhod ito, kaya't kita ang kinis ng kanyang binti. Maikli ang manggas, kaya't mapapansin ang magandang kutis sa kanyang braso. Suot ko naman yung binili nya sa aking basketball shorts. saka yung puting tshirt na nakita nya sa department store na nakasulat ang mga salitang 'maginoo pero medyo bastos', bagay daw kasi sa akin.

Bumaba kami sa Pacific War Memorial Chapel. Isang malaking sign na gawa sa puting marmol ang nasa harap nito. Nakasulat dito na para ito sa mga Pilipino at Amerikanong sundalo na nagbigay ng buhay para mabawi ang lupa, dagat at himpapawid na nagbalik ng kalayaan sa karagatang Pacifico.

Mga dalawampung metro mula doon ay ang chapel. Isa itong puting dome, walang dingding, at may bilog na butas sa tuktok. Mula sa puting marmol, ang pathway na lalakaran papunta sa dome ay napapaligiran ng mga halaman na nagbibigay ng magandang ambiance. Sa pinakagitna ng chapel ay ang altar na isang talampakan lang halos ang pagkakaangat sa lupa, at katulad ng mga halaging nakapaligid dito, ay gawa rin sa puting marmol. Sa likurang dako ng chapel ay matatanaw ang dagat, isang tanawing talaga namang nakabibighani at makakalimutan mong nasa lugar ka kung saan halos ilang dekada ang nakalipas, naganap ang isa sa pinakamalagim na digmaan sa kasaysayan.

"Ano nga ulit yung kkwento mo tungkol dito? Yung sabi mong hindi ko mababasa sa libro?", tanong nya.

Pinatayo ko si Rose malapit sa altar.

"Tumingala ka."

"O butas? Ano naman?"

Ngumiti sya sa akin.

"Tingin mo bakit butas yan?", tanong ko.

"Aba, malay ko."

Ngumiti sya ulit sa akin na parang bata.

"Nakuha mo na nga ko, nagpapacute ka pa din?", biro ko.

"Hoy ang kapal mo ha? Sige na, bakit butas? Para may liwanag? O para pag umulan mababasa dito?"

Ang Kwento ni Lolo BenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon