Paalam

133 5 0
                                        

Pasado alas otso na ng gabi ng nakalabas ako ng school. Hanggang 7:30pm kasi ang final exam ko, pero nag-aya yung mga tropa ko na kumain muna ng lugaw, konting celebration para sa huling exam ngayong semester. Last na to para sa ikaapat na taon ng karera ko sa pagka inhenyero. Matatapos na, isang taon na lang.

Kasabay ko sa jeep papunta sa bahay ni Jam yung iba kong mga kaklase.

"Oy, Robin, ako na magbabayad ng pamasahe mo.", wika ni Peter habang dumudukot ng pera sa bulsa.

"Wag na pre, meron pa naman ako.", sagot ko.

"Sagot na kita pre.", pilit nya. "Saka eto yung 350 na bayad ng grupo namin dun sa program na ginawa mo. Langya, buti na lang ginawa mo yon. Wala kaya akong naintindihan sa C Language na yan. Oy, Macky, nagbayad na ba grupo nyo?"

"Ah, yan kukunin ko yan. Next year daw mas mahirap ituturo sa atin sa programming.", sagot ko sabay abot ng pera na binigay nya.

"Kaya tiba-tiba ka na naman!", biglang singit ni Macky na nakaupo sa tapat ni Peter.

Ilan lang yan sa raket ko para makakuha ng pangdagdag sa allowance ko. OK naman yung allowance ng scholarship, pero pag yun lang inasahan ko e sobrang sakto lang.

"Hindi naman, ganun pa din naman rate ko. Para sa inyo, may discount. Pero pag yung ibang section sabihin nyo 450 na bigayan ha!", paalala ko sa kanila.

"Oo nga pala, next year graduate na syota mo pre!", biglang tugon ni Peter.

"Talaga? May mahihingan ka na pag nashort ka boy!", pang-aasar ni Macky.

"Oy, di ako ganun! Kahit kelan di ako nanghingi kay Jam. Kusa sya nagbibigay.", patawa ko sa kanila.

Tama yon, hindi ako nanghihingi ng kahit na ano kay Jam. Sa totoo lang, pinipilit ko na ako ang gagastos pag date namin. Pero mabait naman si Jam at naintindihan nya ang hirap na dinadaanan ko.

Bumaba na kami ni Macky ng jeep. Police station ang kanto ng eskinita nila Jam. Dito sa police station nagttrabaho ang nanay ni Macky.

"Pre, yung bayad ng grupo namin, nagastos ko kasi.. Hihingi ako kay mama ngayon, lika sama ka.", inakbayan ako ni Macky pagkababa namin ng jeep.

"Naku, wag na pre nagmamadali na ako kasi baka naghihintay na si Jam. Saka di ba sabi mo galit sayo mama mo kasi nahuli ka nya na tumatambay dun sa bilyaran malapit sa school?", tanong ko.

"Oo pre, pero di naman tatanggi yon pag sinabi kong may utang ako sayo."

"Saka mo na ko bayaran, ililista ko na lang muna yan.", sabi ko matapos ko syang tapikin sa balikat.

"Ang dami ko nang utang pre.", sagot nya sa akin.

"Mag-aral ka kasi, hindi puro lakwatsa!", pang-aasar ko.

Bawi ako next time pre, pasensya na talaga.", sabi ni Macky matapos mag-paalam.

Pumasok na si Macky sa police station, naglakad ako papunta sa apartment nila Jam.

"Iniwan nga pala ni Mam Jam yung susi sir, bigay ko daw pagdating mo.", bati sa akin ni Gary matapos akong magsulat sa log book nya.

"Ha? Wala ba sya dyan?", gulat kong tanong.

"Lumabas kani-kanina lang sir. Mga 10 minutes bago ka dumating."

"Ay talaga? Patay kasi cellphone ko, baka nagtext di ko nareceive.", sagot ko.

Napakamot ng ulo si Gary, na para bang may gustong sabihin.

"O, manghihiram ka na naman ng gamit para sa anak mo? Nadala ko na yung mga sinabi ko nung isang araw di ba?", inunahan ko na kasi baka nahihiya lang.

Ang Kwento ni Lolo BenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon