Alas siete na ng gabi pero nasa school pa din ako. May nagpaturo kasing mga sophomores ng College Physics. Wala naman akong pagpipilian, sayang din kasi yung bayad nila sa akin, pangdagdag din sa allowance ko. Saka eto, may bigay silang gift certificate na pwedeng magamit don sa coffee shop sa labas ng school, kaya panalo 'tong lakad na 'to. Hindi naman ako mahilig magkape, pero libre e.
Pumunta ako sa coffee shop pagkatapos ng tutorial lessons ko. Kaunti na lang ang tao, gabi na din kasi saka first few weeks pa lang ng school, wala pa masyadong nagkukunwaring nag-aaral dito. Iilan lang ang mga mesa, wala pang sampu, at parang lima lang ang may nakaupo.
Lumapit agad ako sa cashier para umorder. Hindi ako pamilyar sa mga tinitinda nila, kaya ang sabi ko, kahit ano na lang. Namili na lang ako ng uupuan. Hindi na sana ako tatambay sa coffee shop at dadalin ko na lang sana sa byahe ang kape ko, pero nakita ko si Jam na nakaupo sa isang sulok. May kape sa mesa nya at nagsusulat sya sa isang notebook.
Nakasuot sya ng tshirt na asul at itim na pantalon. Nakapusod ang kanyang buhok, dahilan para makita ang kanyang makinis na pisngi. Wala syang make-up, hindi katulad nung nakita ko sya mga three months ago nung bago magbakasyon.
Umupo ako sa mesang pinaka-malapit sa kanya.
"Hi, Jam.", sabi ko habang ibinababa ko ang bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Oh, hello.", ngumiti sya sa akin ngunit ibinalik nya agad ang tingin nya sa kanyang sinusulat.
"Mahilig kang mag-kape?", tanong ko.
Umiling lang sya.
"Alam mo ba na coffee ang second mostly traded commodity in the world?", tanong ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.
Umiling ulit sya.
"Do you know that Finland tops the world in terms of coffee consumption?", tanong ko ulit para lang tumingin sya.
Umiling ulit sya.
"Alam mo ba na--"
"You know, hindi ko alam kung anong trip mo no? But if you want to ask if you can seat here with me, derechohin mo na lang. Kung ano-anong coffee pa sinasabi mo e wala naman akong pakialam don."
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi naman sya mukhang naiinis o galit, kaya agad akong lumipat sa mesang ginagamit nya, sa tapat ng upuan ni Jam.
"Sorry, thank you?", nagulat ako kaya nagmukhang tanong ang dapat hindi naman tanong.
"Is that a question? Should I say you're welcome?"
Inis ako sa sarili ko dahil hindi ko maisip kung anong dapat sabihin. Ilang beses ko nang inulit-ulit na patakbuhin sa isip ko ang eksenang ito ngunit ngayong eto na sa harap ko si Jam, hindi ko naman magawa nang tama.
"So I let you sit there, anything interesting we need to talk about? Well, aside from your nerd coffee facts of course.", ngumiti sya sa akin matapos nyang isara ang notebook na sinusulatan nya.
"It is nice seeing you.", yung lang ang nasabi ko.
"Sorry, I am terrible with names, but I remember you. Classmate tayo sa PE di ba?"
"Yes, Robin nga pala, in case nakalimutan mo.", iniunat ko ang kamay ko papunta sa kanya, umaasa na kakamayan nya ako.
Biglang tinawag ang pangalan ko sa bar, ready na daw ang kape ko.
"I think you should get your coffee.", sabi ni Jam. Hindi nya pinansin ang kamay kong naghihintay na kamayan nya.
Tumalikod ako at pumunta para kunin ang kape ko. Nung humarap ako kay Jam ay nagliligpit na sya ng mga gamit, at naghahandang umalis.
Patakbo akong lumapit sa kanya.
"Uuwi ka na? May I know your number?", mabilis kong sabi.
Natawa sya.
"Wow, ibang klase ka din no? Kanina lang nauutal-utal ka, ngayon number ko agad hihingin mo?"
"Bumwelo lang kasi ako kanina. Besides, single ka naman, so I guess, walang magagalit kung bibigay mo sa akin number mo.", nakangiti kong sagot.
Bumalik sya sa pagkakaupo.
"Sige, I will give you my number if you can say my full name correctly.", sumandal sya at kinipkip ang kanyang mga kamay sa kanyang mga braso.
Tinitigan ko sya sa mata, para bang sinasabing mali ang hinamon nya.
"Luisa Cassandra Natividad."
Akala yata nya dahil malayo ang nickname nya sa totoo nyang pangalan ay hindi ko ito malalaman. Nakalimutan yata nya na ako ang taga-check ng attendance nung PE class namin.
Kunwari walang dating sa kanya ang sagot ko, pero halata ko naman na nagulat sya.
"I said full name, Robin.", tumaas ang kanyang kilay.
"Luisa Cassandra N. Natividad."
"Again, I said full name, so you lost ha. I have to go na."
Tumayo sya dala ang kanyang mga gamit at lumakad lampas sa akin.
"Luisa Cassandra Noble Natividad, 103-13441-22, May 12, 1986."
Napalingon sya sa akin.
"Ang sabi ko, full name lang, but I am impressed, but still you lost."
Tuloy-tuloy sya sa paglakad palabas ng coffeeshop kaya sinundan ko sya palabas dala ang baso ng kape ng inorder ko.
Parehas ang direksyon na pupuntahan namin. Maghihiwalay lang kami mga mahigit kumulang isang-daang metro mula sa pinto ng coffee shop na yon. Sinabayan ko syang maglakad.
"May boyfriend ako, so I can't give you my number.", pasungit nyang sabi.
"Wala, single ka e.", nakangisi kong sagot.
"Pano mo nalaman?"
"Simple lang, kung may boyfriend ka, dapat nandito sya ngayon at di ka nya pababayaan na kulitin ko.", hula ko lang naman kasi yon, di ako sigurado kung single sya o hindi.
Hindi sya sumagot. Kaya humirit ulit ako.
"You asked me to give you your full name, I did. Sinamahan ko pa ng student number saka birthday mo. So ikaw pa ang may utang sa akin ha."
Huminto sya.
"Ako pa may utang, sige na nga, akin na cellphone mo."
Agad-agad kong iniabot ang cellphone ko sa kanya. Sinave nya ang number nya dito at ibinalik sa akin.
"So may kulang pa ha.", paalala ko.
"Ano? Number lang usapan natin ha?", naiinis nyang sagot.
"Number lang kung pangalan mo lang ang ibinigay ko, kaso binigay ko nga sayo pati student number mo sakay yung birthday mo, kaya dapat pumayag kang ihatid kita sa inyo.", ngumiti ako sa kanya.
"Wow, ang kapal mo ha?", pasigaw nyang sagot.
"Sige, hindi kita ihahatid pero, bigay mo muna buong pangalan ko, student number, saka birthday ha?"
"Hay.. ang kulit mo...sige ikaw magdala nito ha."
Inabot ni Jam ang mga gamit nya sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa sakayan ng jeep pauwi sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Lolo Ben
RomansThis is an ordinary love story, with an extra ordinary twist that will keep you wanting to read the next chapter. :)