Susi

144 5 0
                                        

Kakagising ko lang, alas otso ng umaga. Naghilamos ako agad dahil base sa usapan namin ni Rose, mga 10 minutes na lang nasa kanto na sya ng eskinita namin. Lumabas ako ng kwarto, may naiwang ilang pandesal sa mesa. Sabado kasi, maagang naglalaba si nanay sa mga customer nya. Si tatay naman, bukas pa ang uwi. Linggo at Lunes ang day-off non sa construction site sa Cavite.

Lumabas na ko ng bahay, medyo umaambon kaya napilitan akong magdala ng payong. Napagusapan naman namin na magkita kami sa isang convenience store malapit sa bahay namin. Ang layo ng binyahe nya para kunin yung susi ni Jam na naiwan sa loob ng bag ko nung umalis kami para maghiwalay.

Nauna akong dumating sa lugar kung san kami magkikita matapos nya akong itext na mga 5 minutes away na lang daw sya sabi nung driver na sinasakyan nya. Pumasok ako sa loob ng convenience store para hindi ako masyadong mabasa.

Mga ilang saglit pa ay may pumaradang taxi sa labas. Bihira ang taxi sa lugar namin, kaya sigurado akong si Rose ang sakay non. Naghintay ako para bumaba sya, ngunit napansin kong nakatingin lang sya sa labas ng bintana, baka hinahanap ako kasi wala syang payong. Agad akong tumakbo palabas ng tindahan at palapit sa taxi. Tama, wala syang payong kaya hindi sya nakalabas agad.

Inalalayan ko sya pababa ng taxi, at isinilong ko sya sa payong bago kami lumakad papasok sa convenience store.

"Ang layo pala talaga nito.", bati nya sa akin

"Oo, swerte mo nga sinakay ka ng taxi. Bihira taxi dito, madami kasing loko sa kabilang kalsada. Saka mabilis bumaha dito lalo ngayong umuulan.", sagot ko sa kanya. "Pano mo nalaman papunta dito?"

"Tinanong ko kay Jam.", sagot nya. "Grabe, hanga ako sa yo. Eto binabyahe mo almost every day para kay Jam."

"Yeah, too bad, we broke up.", malungkot kong sagot.

"Oo nga, nadinig ko nga kayo."

Inabot ko ang susi.

"Nasan ba susi mo?", tanong ko sa kanya.

"Naku, kinuha ng mama ko. Dyan daw kasi muna sila magsstay hanggang Monday."

"Sila? Di ba wala na Papa mo?"

"Kasama nya si Tita Alice, kapatid nya, saka si Girlie, yung tumatayong care giver nilang magkapatid.", paliwanag nya sa akin.

"Ah sila siguro yung nakasalubong ko pababa galing sa inyo kagabi.", tanong ko sa kanya matapos maalala na may dalawang babae akong nasalubong papanik ng hagdan sa apartment nila Jam kagabi.

"Baka nga. Well, I need to leave na ha. Kinuha ko lang talaga to."

"Hatid na kita sa sakayan, umaambon wala kang payong."

"No, maghihintay na lang ako ng taxi dito.", pagtanggi nya.

"Ha? Maputi na buhok mo wala ka pang masasakyan. Walang taxi na dumadaan dito, puro halang kaluluwa ng mga tao sa kabilang kalsada kaya pati dito takot mga taxi."

"Talaga? Nakakahiya naman sayo baka malayo yon."

"May jeep dyan sa kabilang kanto, papunta sa sakayan ng bus.", paliwanag ko.

"Are you sure ok lang sayo?", halata na nahihiya sya.

"Oo naman. Kaso naiwan ko cellphone ko. Kunin ko lang sa bahay. Mga 10 minutes nandito na ako. Di na ako maliligo umuulan naman."

Ngumiti sya sa akin.

Iiwan ko na sana sya sa convenience store nang biglang pumasok ang mga siga na taga ibang barangay.

"Sumama ka na lang kaya sa amin. Di ko gusto tingin sayo ng mga yan e.", bulong ko sa kanya.

"Sige ikaw bahala."

Ang Kwento ni Lolo BenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon