Matapos kong maligo ay nakita kong nakahiga si Rose sa kama, nanonood ng TV na nasa kanyang paanan.
"Nabusog ka ba sa dinner? Parang konti nakain mo?", tanong nya nang mapansin akong lumabas ng CR.
"Busog naman, masarap yung sabaw.", tugon ko. "Tatawag ako sa front desk hihingi ako ng extra blanket, para jan ako sa lapag mahihiga."
"Ano? Ang lapad ng kama . Tabi na lang tayo.", sagot nya."Are you sure OK lang?", paniniguro ko.
"Yes, I trust that you won't do anything against me, right?"
"Of course.", sagot ko.
Nakangiti syang umayos ng higa at inimbitahan akong tumabi na sa kanya.
"Thank you ha.", wika nya habang nakatingin sa TV.
"Saan?""Sa experience na to. Wala pa tayo sa kalahati pero masayang masaya na ako."
Hindi lapat ang pagkakahiga namin dahil nga nanonood pa kami ng TV. Medyo mataas ang unan kaya halos nakasandal na ang ulo ko sa head board ng kama. Si Rose naman, dahil maliit, hanggang balikat ko lang ang ulo.
"Ang sad nung story ni Lolo no?", tanong nya.
Hindi ako sumagot.
"Kung ikaw yon? Would you rather go with the girl or magpapaiwan ka dito for your duty?"
"Mahirap na desisyon yon, but I think I would go with the girl. Ikaw?", tanong ko sa kanya.
Ang tagal sumagot ni Rose, hinayaan ko lang.Maya-maya pa, napansin ko ang pagbigat ng ulo nya sa balikat ko. Sinilip ko ang maamo nyang mukha. Nakatulog na pala. Napagod siguro kaya nagpahinga na din ako.
***Tandang-tanda ko pa, 3rd birthday ko noon, niregaluhan nya ako ng maliit na bisekleta. Tuwang-tuwa ako dahil bihira naman akong magkaroon ng laruan nung bata. Malaki na ako nung nalaman kong nakuha nya yon sa dumaang magbobote. Nilinis nya at pinunturahan na parang bago. Ibinabad sa langis ang kadena at siniguradong maayos ang preno. Si nanay naman ang tumahi sa sirang upuan. Doon ako lalong humanga sa kanila, kapag naiisip ko yung mga mayayamang magulang, bili lang ng bili ng regalo para sa anak nila. Pero iba ang mga magulang ko, kahit walang pera ginagawan ng paraan. Kahit mahirap, kinakaya para sa akin.
Si tatay ang nagturo sa aking magbisikleta. Ilang semplang din ang inabot ko bago ako tuluyang nagkaron ng tapang. Madami dami ding gamot na pula ang naubos ni nanay sa mga sugat ko. Yun nga lang, hindi na ako ulit nagkaroon ng sarili kong bisikleta, kaya pag may pagkakataon na makapag-bike ulit, game talaga ako.
Buti nga pumayag si Rose na wag na kaming mag-guided tour at umarkila na lang kami ng bike. Sabi ko kasi na ako na lang ang tour guide nya. Saka mahirap din kasi yung guided tour kasi hindi masyadong nagtatagal sa mga historical sites. Naniniwala kasi ako na hindi dapat minamadali ang pagbisita sa mga ganitong lugar, para magkaroon ka ng pagkakataong mapag-aralan at maramdaman ang kasaysayan nito. Isa pa, madaming ibang tao ang kasama sa isang tour, parang maingay saka hindi nakakarelax. At least eto, hawak namin ang oras namin. Medyo nakakapagod nga lang kasi may mga pataas na kalsada. Pero sa isang banda, ayos lang din, kulimlim naman ang langit.
Sabi sa balita sa TV kanina habang nag-aalmusal kami, uulan daw sa Metro Manila ngayon, hindi ko lang alam kung damay kami dito sa Corregidor. Pero maaga pa, kulimlim na dito at medyo malamig ang hangin. Minsan nagpapakita ang araw, pero mas madalas na nakatago ito sa makapal na ulap.
Nasa harap ko si Rose. Pumapadyak sa sinasakyang bisikleta. Panay nga ang reklamo na mahirap daw pumadyak dahil sa suot nyang maong na pantalon. Hindi naman kasi namin alam na may arkilahan ng bike dito. Pero ok lang daw sa kanya kahit mahirap, sulit naman daw sa dami ng nalaman nya tungkol sa mga war memorials na nahintuan na namin.
Dahil nga wala kaming kasamang ibang tao, sulit din ni Rose ang pagpapapicture sa kung ano-ano. Tuwang-tuwa syang nagpakuha ng litrato gamit ang dala nyang digicam sa may mile-long barracks. Sa postcards lang daw nya kasi madalas makita yon kaya dinamihan na nya ang picture kasama sya. Ganun din ang ginawa nya sa mga lumang armas sa Battery Way, daig pa ang sundalo sa dami ng mga litrato kasama ang mga malalaking mortar na huling pumutok nuong World War II.

BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Lolo Ben
RomanceThis is an ordinary love story, with an extra ordinary twist that will keep you wanting to read the next chapter. :)