Bohol

140 5 0
                                        

Sabado ng hapon ng makarating ako sa apartment nila Jam. Bihira akong pumunta dito ng weekends, pero kailangan ngayon kasi may sakit sya. Malayo ang bahay nila sa amin, kaya pahirapan ang byahe. Pero OK lang, Sabado naman ngayon, kahit papano e hindi masyadong matrapik.

Mga isang block lang naman ang layo ng apartment nila mula sa main road. Sa kanto ay may police station, kaya OK lang sa akin na gabihin ako kasi mukhang wala namang gagawa ng kalokohan malapit sa mga pulis. May gate na bakal ang entrance ng apartment, malapad para makapasok ang mga sasakyan. May maliit na pinto naman para sa mga katulad kong commuter. Pag pasok ng gate, may bantay na sasalubong sayo. Sa halos eight months namin ni Jam, kabiruan ko na si Gary, yung bantay.

Oo, eight months na kami. Away-bati, madalas, pero OK lang. Kasama daw yon sa lovelife ng mga kabataang katulad namin. Pero minsan nakaka-stress na din. Pero mas nakaka-stress ata kung maghihiwalay kami.

"O, Gary, sino nanalo sa PBA kagabi?", pambungad kong tanong, para di na ko magsulat sa logbook nya.

"San Miguel, sir. Ang ganda ng laro ni Tugade saka ni Calaguio. Pero maglog ka muna, lulusot ka na naman e.", napansin pala nyang derederecho lang ako papasok.

Huli. Di ako nakalusot.

"Haha. Sayang kala ko lusot na."

"Di pwede sir, mahigpit yung admin namin kaya lahat ng bisita pinapa-log", sabi ni Gary habang nagkakamot ng ulo.

"Talaga ba? Baka ako lang inaabala mo ha?", biro ko.

"Di naman sir! Nga pala sir, di ba engineering course mo?", biglang tanong ni Gary.

"Oo, computer engineering, fifth year na ako sa June, bakit?"

"Kasi yung anak ko, engineering din ang kinuhang course, electrical ba yon o electronics?", kamot ulit sya sa ulo.

"Aba malay ko, ikaw ang tatay non di ba? Bakit mo sa akin tinatanong?", pabiro kong sagot sa kanya.

Natawa sya.

"Baka may libro ka na mapapahiram sir, second year na yon sa pasukan, kung makakapasa sa mga subjects nya ngayong semester."

"Ah, sige, meron ako sa bahay. Dadalin ko sa susunod.".

Nagpaalam na ako kay Gary at pumanik ako sa apartment nila Jam.

Multi-level ang apartment, at nasa second floor ang unit nila Jam. Pumanik ako sa batong hagdan at dinig ko ang tunog mula sa telebisyon ng mga kapitbahay. Masarap sanang manood lang ng TV ngayong weekend, pero eto may sakit si Jam, hindi naman ata magandang hindi ko dalawin.

Kumatok ako sa pinto ng unit at pinagbuksan naman ako ni Jam. Maluwag na tshirt ang kanyang suot, at maikling shorts. Nanonood sya ng TV, cable channel kaya hindi ako pamilyar sa palabas.

"Hi, kamusta ka na?", bati ko kay Jam, na halatang bagong gising.

Maliit lang ang apartment nila. Pagpasok ng pinto nasa kaliwa ang maliit na living room kung saan may sofa, personal computer at television. Sa kanan naman ay ang dining area at ang kusina. May mesa na pang-apatan at refrigirator.

Nahahati ang living at dining area ng isang mataas na bookshelf kung saan nandon ang mga librong collection ni Jam. Mga librong binili lang nya para idisplay at hindi para basahin, dahil alam kong napanood na nya ang karamihan dito gaya ng Harry Potter at mga drama ni Nicholas Sparks.

Nasa kanan ng couch ang pinto ng kwarto, kung saan magkasalo si Jam at ang ate nya. Sa kabilang dulo naman ng couch ay ang pinto ng maliit na CR.

"Oh, sabi ko wag ka nang pumunta e.", bati nya sa akin.

Ang Kwento ni Lolo BenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon