2015
Back to School after ng Christmas Break. JS Prom naman ang pinaghahandaan namin. Eksakto na February 14 namin gaganapin ang Prom kaya naman one week after mag-resume ang klase ay nagppractice na kami para sa cotillion. Ang mga fourth year ay ipapartner sa third year.
Ngayon ay narito kaming mga fourth year at third year sa hall dahil ipapartner na kami ni Sir Henz. Ang tatangkad ng mga third year.
"Roan at Loi" tawag ni Sir Henz. "Ang tatawagin ko punta rito sa harapan ha" dagdag pa ni Sir.
Pumunta na ako sa harapan kasama ang partner ko na si Loi. Agad na dumami rin kami rito sa harapan, natawag na rin si Marcus, partner nya si Farrah, sanaol kakilala yong partner. Sinabi na rin sa amin ni Sir ang tugtog para sa cotillion. Tinuruan na rin kami ng mga paunang steps sa sayaw. Pagkatapos ay nagsalita si Sir, andon sya sa stage.
"Announcement, Fourth year and Third year, stick to that partner ha pati sa entrance sa mismong Prom ayan na rin ang partner nyo. Kaya hindi na kayo maghahanap ng ka-date kasi ayan na yon. Ayaw ko naman kayo mahirapan na maghahanap pa kayo tapos hindi naman papayag kaya ayan na. Kung may mga crush kayo na year level nyo o ka-section nyo isayaw nyo na lang sa socialization part ng event" sabi ni Sir.
May point din naman nga si Sir kaysa naman mahirapan pa. After ng araw na ito ay araw-araw na kaming nagppractice. Last Sunday ng January ay naka-schedule kami nina Marcus at Tita Carmi na mamili ng gagamitin namin ni Marcus sa Prom Night. Ampon na naman ako sa pamilya nila. Buti na lang din kasama si Tita Carmi, kaya may katulong ako sa pagpili ng gown ko. Isang old rose off-shoulder na semi ball gown na may slit sa kanang bahagi ng hita ang napili kong gown na bilihin. Matapos makabili ng damit ay namili naman kami ng susuotin kong sandals at sapatos ni Marcus.
Two weeks na lang before the Prom Night, two weeks na lang din ang practice para sa cotillion, kaya naman ay dapat ma-polish na namin ang steps. Tulad ng mga nakaraang linggo ay araw-araw na kami ay nagpa-practice sa hall tuwing matatapos ang klase namin. Isang gabi bago ang Prom ay kina Marcus na ako pinatulog ni Tita Carmi dahil sya na raw ang bahala mag-ayos sa akin. Ng maayusan ako ni Tita Carmi ay isinuot ko ang kwintas na iniregalo sa akin noong Christmas party, di ko alam pero feel ko syang isuot today. Naglagay din ako ng bracelet. Dahil na kina Marcus ako ay sabay na kaming pumunta sa hotel na pagdarausan ng event.
Prom Night
Pagkarating namin sa hotel ay kanya-kanyang picture-an ang bawat estudyante sa lobby ng hotel. Hindi pa kami pinapapasok sa mismong event hall. Ng magsisimula na ay pumila na kaming lahat para sa entrance walk. Katabi ko na ngayon ang partner ko na si Loi, infainess ang gwapo niya sa suot nyang tuxedo na old rose rin ang kulay, like how did he know na old rose ang gown ko today. Para talaga kaming nag-usap sa kulay ng isusuot namin dahil magkaparehas talaga kami. Sa lahat ng estudyante ay kami lamang ang partner na pareho ang kulay ng suot, ang cute lang. Kumapit na ako sa kanya dahil malapit na kami sa pinto ng hall, napatingin naman sya sa akin at ngumiti, nginitian ko rin sya. Pagkapasok sa hall ay may photographer kaya naman tumigil muna kami upang magpakuha ng shot bago nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso kami sa gitna ng event hall dahil mauuna ang cotillion sa program. Nasa gitna kami ni Loi dahil dito kami inilagay ni Sir Henz. Nagsimula na ang tugtog, nagsimula na rin ang sayaw. Pinakamahalaga sa lahat ang eye contact sa pagsasayaw upang mas madama ang bawat paggalaw.
Matapos ang sayaw ay pumunta na ang bawat isa sa mesang nakalaan para sa amin. Sa table ay magkaka-section na ang magkakasama dahil hiniling ng mga fourth year na maging magkakasama sapagkat ilang buwan na lang kaming mananatili sa paaralan.
Matapos na kumain ng dinner ay nag-anunsyo na para sa mga award. Una munang tinawag ang mga minor award. Face of the Night pa nga si Marcus haha gwapo yarn.
BINABASA MO ANG
The Two Idols
RomanceIDOL SERIES #1 Beauty with Brains, dito nakilala si Roan noong siya ay high school pa lamang kaya naman ay maraming humahanga sa kanya isa na ang isang misteryosong lalaki mula sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng kolehiyo ay nagsimula siyang maging...