Nang makababa kami sa eroplano ay may naghihintay na sa aming sasakyan na magdadala sa amin sa pagtutuluyan namin na hotel. Nararamdaman kong malaya ako rito dahil wala kami sa Pilipinas. Makakakilos ako ng gusto ko. Heto na naman ang feels ko na gusto ko puntahan ang historical na mga lugar. Kapag may free time talaga ay aayain ko si Cyrene.
Nang makarating kami sa hotel ay magkasama kami ni Cyrene sa room. Sinabi ko sa kanya ang plano kong pagpunta sa mga historical places at museum, pumayag naman siya sa free time namin. Nagpahinga na muna kami at kumain.
Kinabukasan, ay sinimulan na ang taping namin. Araw-araw kaming may taping upang mabilis daw namin matapos ang script at para ma-edit na ang mga eksena.
April, nang payagan kami na mamasyal dito sa America. Kasama ko sina Cyrene at Nigel, una naming pinuntahan ay museum. Tumitingin kami sa painting ng may makabangga ako.
"Sorry" sabay naming sabi nang lalaki. Parang familiar ang mukha niya hindi ko lang alam kung saan ko nakita.
"Are you guys, Filipino?" tanong niya sa amin.
"Yeah" sagot ko.
"I'm Drake Anthony Javier, Pinoy din"
"Oh, vacation?" tanong ko.
"Work, what's your names?"
"Roan Gel, nice meeting you Drake" nakipagkamay pa ako. Nakakatulala ang gwapo ng isang ito.
"Nigel"
"Cyrene"
"Turista kayo?" tanong niya.
"Work din, actually were an artist ni Nigel and manager namin si Cyrene na pinsan ko rin hehe"
"Bakit naman kayo napadpad dito sa museum?"
"Ah kasi yang pinsan ko mahilig sa history, inatake na naman ng pagkahilig sa history kaya yong free time namin ay sinamahan namin siya rito" sagot ni Cyrene.
"Really, that's nice, mukhang magkakasundo tayo Gel I'm working as a Historian and a Painter at the same time"
Nagning-ning ang mga mata ko ng marinig ko iyon "Wow, amazing of you"
"You can come with me if you want to visit historical places. I can tour you wherever you want. Here's my card" at inabot niya sa akin ang calling card niya.
"Thank you"
"Nice meeting you Gel" nakangiting sabi niya at umalis na.
Nakatitig lang ako sa calling card na binigay niya.
"Hoy, akala ko statue ka na rin" bulong sa akin ni Cyrene. "Masyado kang obvious"
"Girl, ang gwapo tapos matalino pa"
"CONGRATULATIONS, naka-move on ka na" pumalakpak pa siya.
"Alam mo ba familiar siya"
"Baka future asawa mo sa panaginip mo nakita hahaha" pabirong sabi ni Cyrene.
"Baliw, yong apelyido niya Javier"
"Ay oo nga no familiar"
"Tara na nga kumain na lang tayo, baka gutom na ako"
"Oo, tama mukhang gutom ka na nga"
Lumabas na kami ng museum at naghanap ng makakainan. Pagkatapos ay bumalik na kami sa hotel room namin.
May, tapos na ang taping namin dito sa America kaya pwede ng kaming mamasyal sa loob ng isang linggo bago bumalik sa Pilipinas.
Dahil ako ang nasunod dati na pumunta ng museum ay nag-aya naman si Cyrene na manood baseball game, nabalitaan nya raw kasi na may maglalarong mga Pilipino kaya gusto nyang manood. Kaya naman ay nag-ayos na kami upang makapunta na sa field.
BINABASA MO ANG
The Two Idols
RomanceIDOL SERIES #1 Beauty with Brains, dito nakilala si Roan noong siya ay high school pa lamang kaya naman ay maraming humahanga sa kanya isa na ang isang misteryosong lalaki mula sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng kolehiyo ay nagsimula siyang maging...