Marcus EnriquezAndito kami ngayon ni Shanon sa sasakyan ko dahil pinasama nya si Roan don sa idol nya na si James matapos maglaro ng basketball.
"Marcus, pwede bang bumalik na tayo ng Laguna emergency kasi e" natatarantang sabi ni Shanon.
"Ha? E paano si Roan, patay ako kay tita kapag di ko kasama yon pag-uwi. Mag-commute ka na lang kaya" nag-aalalang sabi ko.
"Marcus it's urgent ang hustle kapag commute punuan pa ang bus, kaya sige na bumalik na tayo sa Laguna" nagmamakaawang sabi nya.
"Hay naku naman o, ano iiwan na lang natin si Roan" naiinis na sabi ko.
"Alam mo Marcus, okay lang si Roan hindi yon mapapahamak atsaka pwede ba hayaan mo naman sya sumaya" sabi nya.
"Hindi sanay mag-isa yon e" nag-aalalang sabi ko pa.
"Hindi naman sya mag-isa ah, may kasama sya, kasama nya si James, kaya tara na" sabi nya.
"Kapag minamalas ka nga naman talaga oh" bulong ko.
Nakakainis talaga ang ideya ni Shanon na pasabayin si Roan kay James e tapos may ganitong mangyayari na hindi namin kasama si Roan. Patay talaga ako kay tita nito e.
"Tinext ko na si Roan na pabalik na tayo sa Laguna" sabi ni Shanon.
Nakabalik na kami ng Laguna ng makatanggap ako ng text mula kay Roan.
From: Best Roan
Uy best, nasa Laguna na ba kayo? Don't worry about me uuwi raw si James ng Laguna ngayon kaya isasabay na nya ako.To: Best Roan
Ah oo best nasa bahay na ako, ingat ka. Enjoy. Text mo na lang ako kapag nakauwi ka naButi naman at isasabay ni James si Roan. Nag-aalala talaga ako kasi hindi ako sanay ng ganito, na may kasamang lumabas si Roan na ibang lalaki, paano kung gago pala yon.
Kung ano-ano na ang iniisip ko.
Mga bandang 6pm ay nagtext si Roan.
From: Best Roan
Hey, I'm already home. Wanna come. Sleep over?To: Best Roan
Sure, wait for me.Agad akong naghanda ng damit at inilagay sa bag ko.
"Kuya, sa bahay po ni Roan" sabi ko sa driver ko "pero daan po muna tayo ng McDo para may pagkain kami ni Roan"
"Sige po sir" sabi naman ni kuya.
Nag-drive thru na lang kami para mas mabilis at hindi na bababa pa ng sasakyan. Mabilis lang naman ang byahe kaya nakarating agad ako sa bahay nila Roan.
"Best andito na ko" sabi ko ng makarating sa bahay nila.
"Best ang saya saya ko today" kinikilig na sabi nya.
"Halata ko nga, abot langit ang ngiti mo e" sabi ko.
"Friends na kami ni James" masayang sabi nya.
"Aww ipinagpalit na ko" nagtatampong sabi ko at humawak pa ko sa dibdib ko.
"Uyyy hindi kaya, ikaw pa rin naman ang bestfriend ko noh, kaya wag kang magtampo dyan na parang bata" sabi nya.
"Take out oh" sabay lapag ko sa lamesa ng McDo
"Tara kain na tayo, peyborit natin to e" masiglang sabi nya.
"Ang takaw mo e no" sabi ko.
"Takaw agad, di ba pwedeng ayaw ko lang magutom" sabi nya.
BINABASA MO ANG
The Two Idols
RomanceIDOL SERIES #1 Beauty with Brains, dito nakilala si Roan noong siya ay high school pa lamang kaya naman ay maraming humahanga sa kanya isa na ang isang misteryosong lalaki mula sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng kolehiyo ay nagsimula siyang maging...