After the finals ay clearance naman.
Paikot-ikot kami ng campus ganoon dahil nga clearance signing.
I have my scholarship sa university kaya kailangan ko maging Dean's Lister para di mawala ang scholarship na iyon. Yong pang tuition ko na pinapadala nila mama ay iniipon ko na lang para magamit sa ilang mahalagang bagay at sa mga bagay na gusto ko mabili.
Sa enrolment ko pa malalaman kung pasok ulit ako sa Dean's List para sa academic excellence award for the previous school year.
Bakasyon na, ayaw ko naman pumunta sa ibang bansa dahil andito ang mga kaibigan ko sa Pilipinas.
SHOKISTA
Gracie: Beach tayoooo
Cherina: ay bet ko yan
Angie: G ako dyan
Roan: Game ako dyan taong bahay naman ako e
Ali: Kailan? G na ko
Michelia: now na ba yan?
Simonette: impake na ko girls
Gracie: mag-ayos na kayo now na
Michelia: legit?
Gracie: oo nga punta na kayo rito sa bahay
Shanon: on the way na
Angie: bilis mo naman ShanonButi nag-aya si Gracie mag-beach, langoy na langoy na ako.
Nasa bahay kami ngayon nila Gracie, ready to go na.
Napag-alaman namin na kaya pala nag-aaya sa beach si Gracie dahil may pag-aari silang beach resort sa probinsya nila.Handa na kaming lahat. Excited na rin. Sa byahe pa lang ay madarama mo na ang sariwang hangin at magandang tanawin.
Ang ganda talaga ng kalikasan.
Pagkarating namin sa resort ay agad kaming tinulungan ng mga tauhan nila Gracie para sa aming tutuluyan.
Sa resort house kaming walo mamamalagi.
Pagkababa ng gamit ay wala ng ayos-ayos. Lumabas kami sa bahay at nagtungo na sa beach. Takip-silim na kaya hindi na kami nangangamba na masunog ang aming mga balat.
"Picture daliiiiii" umiirit na sabi ni Michelia.
"Vlog tayo" suggestion naman ni Shanon.
"Good idea Shan dahil first time natin ito na magkaroon ng girl's bond sa ibang lugar" sabi ko.
"Commercial niyo na beach resort namin" masayang sabi ni Gracie.
"Uyy maganda yan atleast nakatulong kami rito Gracie if pumatok ang gagawin nating vlog" si Ali.
"Papatok yan tayo pa ba" si Simonette.
"Sa ganda natin wala silang masasabi" si Angie.
"Edi umpisahan na natin diba" si Cherina.
"Ito ang camera" si Ali.
"Ako na mag-eedit pagkatapos" si Gracie.
Sa aming magkakaibigan sina Gracie at Ali ang magaling sa pagkuha ng litrato at mag-edit. Baka nga maging sikat na vlogger pa si Gracie soon.
"Okay ready mga sis" si Ali.
Inumpisahan namin ang pagkuha sa entrance then nagtakbuhan kami papunta sa dagat. Isa-isang pose sa pag-ahon dito. Pinahiga namin si Angie at nilagyan siya ng buhangin sa buong katawan hanggang sa ulo na lang ang matira sa kanya. Tawa kami ng tawa habang ginagawa namin iyon. Matapos sa buhangin ay si Simonette naman ang model namin sa beach bed may hawak pa siyang juice.
Sa pagod naming lahat ay napagpasyahan namin na magpahinga na sa kubong para sa amin. Tumawag na rin Gracie para mahatiran na kami ng pagkain.
Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain. Tinuloy namin ang pagkuha ng video habang kumakain. Sarap na sarap kami sa mga inihanda para sa amin.
BINABASA MO ANG
The Two Idols
RomanceIDOL SERIES #1 Beauty with Brains, dito nakilala si Roan noong siya ay high school pa lamang kaya naman ay maraming humahanga sa kanya isa na ang isang misteryosong lalaki mula sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng kolehiyo ay nagsimula siyang maging...