CHAPTER SIXTEEN

13 3 6
                                    

2019

Mukhang nagsisimula na akong magkaroon ng haters dahil lang kay Nigel, ito ang iniiwasan kong mangyari noon ng mapalapit ako kay James. Akala ko hindi magiging ganito kapag kay Nigel pero mukhang expect the unexpected.

Nasa klase ako ngayon, katabi ko ang mga kaibigan ko na noong nakaraan ay si Yohann. Di ko alam pero simula noong nakita niya kami ni Nigel sa ampunan ay hindi ko pa siya nakausap, hindi niya rin kasi ako pinapansin. Nakakahalata na nga rin mga kaibigan ko dahil hindi na nangungulit sa akin si Yohann.

"Class, I will group you for your Group Dynamics" sabi ng Propesor "Listen very carefully to your names, Group 1 Bautista, Coronel, Fabella, Sanchez, Villadores, Group 2 Santos, Manalo, Marcos, Ty, Perez, Group 3 Galvez, Belga, Beltran, Cruz, Sy, Group 4 Locsin, Velasquez, Trinidad, So, Avila, Group 5 ........." anunsyo niya "Come to your group and discuss your next activity" dagdag niya.

Nagsitayuan kaming lahat at pumunta sa kanya-kanya naming grupo. Inayos namin ang upuan paikot. Umupo si Yohann sa katapat ko. I want to talk to him but I don't know how to start. Nasanay kasi ako na siya ang unang kumakausap sa akin.

"Since, I am also your teacher in Current Issues, you will stick to that group until finals" Anunsiyo ng professor namin.

Kay lupit naman talaga ng tadhana. Sana okay kami ni Yohann ngayon para hindi ganito na awkward. Nang matapos ang oras ng klase ay nagsilabasan na ang mga tao sa room. Gusto ko talaga na kausapin si Yohann dahil limang buwan din kaming magkasama sa grupong ito. Palabas na sana siya ng pinto ng tawagin ko siya.

"Yohann" agad naman siyang napatigil at lumingon sa akin. "Can we talk?" lumabas na siya ng room kaya sumunod naman ako sa kanya.

"What do you want?" seryosong tanong niya.

"Hmm, are we okay?" tanong ko.

"Ano sa tingin mo Roan?" tanong niya pabalik.

"Napansin ko kasi na hindi mo na ako kinakausap, so I assumed na hindi nga tayo ayos"

"Gusto mo naman yon diba? Mukhang masaya ka naman sa Nigel na yon e. Okay lang sa akin kung sa kapatid ko kaya ko magparaya Roan, pero ibang tao yon. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?" seryosong sabi nya.

"Sorry, sinamahan ko lang naman si Nigel noon e dahil gusto niya mag-charity. Di ko rin alam na pupunta ka roon" paliwanag ko.

"I tried to call you but you didn't answer, so I decided to go there alone because I really want to see Kiko but you came with him" seryosong sabi nya pa rin.

"I'm sorry if you couldn't reach me that time, we are busy with our research. Please, understand me. I don't want us like this, we're friends" paghingi ko ng pasensya sa kanya.

"Tang-inang friends yan" tumalikod na siya sa akin.

"Yohann" hinawakan ko siya sa palapulsuhan niya.

"Go, home. I'm tired" at tuluyan na siyang umalis.

Ganoon ko ba siya nasaktan para ganito rin kasakit ang iparamdam niya sa akin. Siguro deserved ko itong sakit na pinaparamdam niya. Umuwi ako sa bahay ng may sakit na nadarama. Nadatnan ko ang pinsan ko na si Cyrene sa salas.

"Bat ganyan itsura mo?" tanong niya sa akin pagkapasok ko.

What the fudge di nga pala ako makakapagtago rito dahil Psych graduate siya kaya kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

"Nasaktan lang iyon, hayaan mo muna siya magkakaayos din kayo" aniya.

"Sana nga Cyrene, ayaw ko na ganito kami ni Yohann"

The Two IdolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon