Roan Gel Villadores
Sobrang napasarap pala talaga ang tulog ko. Pagkagising ko ay dumiresto ako sa kusina para uminom ng tubig nang may makita akong pagkain sa lamesa.
Eat this when you are awake, beautiful. I don't want to disturb your sleep so I decided to cook for you - Yohann
To: Yohann
Thank you sa paghatid at sa food:)11 pm na. Matapos kong kumain ng niluto ni Yohann at ligpitin ang kinainan ko ay umakyat na ako sa kwarto ko. Binuksan ko muna ang IG ko at nakitang may post si Yohann, picture namin iyon kanina kasama si Kiko. Bakas nga sa mukha ni Kiko ang kasiyahan habang karga siya ni Yohann. Ni-like ko na lang ang larawan na iyon.
nigelmendez: Why are you still awake?
roangel: actually kagigising ko nga lang e haha nakatulog kasi ako after namin pumunta sa bahay ampunan. Ikaw bat gising pa?
nigelmendez: wow, ano ginawa sa bahay ampunan? Nag-eedit kasi ako ng video.
roangel: Bumisita after ng duty sa OJT. Charity kasi yon ng bestfriend ko e kaya kapag may libre akong oras pumunta ako roon.
nigelmendez: Edi bestfriend mo rin kasama mo roon kanina?
roangel: hindi may summer class kasi ang Engineering sa school namin e. Kaklase ko yong kasama ko
nigelmendez: ah yong naka-tag ba sayo na picture yong may buhat na bata?
roangel: oo yon nga haha nakita mo pala
nigelmendez: Yeah, gusto ko rin mag-charity don. Samahan mo ko kung kailan ka ulit may free time.
roangel: sure, text na lang kita kung may libre ulit akong araw.
nigelmendez: sige, Good night
Natulog na akong muli.
15 days lang ang internship namin kaya ngayon ay last day na namin. Naghanda kami ng mini celebration para sa mga bata, mabuti na lang at pumayag ang mga guro at tagapangalaga sa center. Masayang-masaya ang mga bata sa inihanda namin sa kanila ni Yohann. Bago kami umalis ay nagpasalamat silang lahat sa amin. Gumawa pa sila ng thank you card para sa amin.
Dahil natapos na ang unang setting ay sa pangalawang setting na kami which is Industrial kaya sa company na ang susunod.
Me: Yohann, what if don tayo sa studio nila James mag-apply sa HR nila?
Yohann: Pwede rin naman kaya lang araw-araw tayong babyahe papuntang Manila?
Me: Edi mag-board 15 days lang naman e
Yohann: Magkasama tayong titira sa isang bahay sa loob ng 15 days?
Me:Pwede naman yon, magkaibigan naman tayo e, pero dalawang kwarto ang kukuhain nating bahay
Yohann: Sige, condo na lang tanungin ko si Kuya kung pwede pa roon
Me: Ay pabor
Nagtipa na si Yohann sa cellphone niya.
Yohann: Oh pwede raw
Me: Yon sakto, tanong mo na rin kung pwede mag-apply sa HR nila
Yohann: Pwede raw, bilisan daw natin baka kasi maunahan daw tayo
Me: Oh ano pang hinihintay natin, edi pumunta na tayo roon
Nagpunta na nga kami sa studio para magpasa ng resume, agad din naman kaming ininterview ng malaman na sa Laguna pa kami nakatira. Mabilis lang din ang pag-uusap, natanggap kami agad. Sa office lang kami ng studio naka-assign pero atleast araw-araw ay may makikita kaming artista. Makikita ko rin si James. Matapos ang interview ay tiningnan na namin ang condo sa building ni James. Malaki rin ito, para sa aming dalawa ni Yohann. Mabuti rin dahil may dalawa nga itong kwarto at may sariling banyo kada kwarto. Wala naman daw kaming babayaran dahil pag-aari nila ang building na ito. Makakatipid pa rin ako kahit paano.
BINABASA MO ANG
The Two Idols
RomanceIDOL SERIES #1 Beauty with Brains, dito nakilala si Roan noong siya ay high school pa lamang kaya naman ay maraming humahanga sa kanya isa na ang isang misteryosong lalaki mula sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng kolehiyo ay nagsimula siyang maging...