Matapos ang maghapong patimpalak ay niyaya kami ng mga guro na sumama sa kanilang kumain sa labas. Hindi raw kami pwedeng tumanggi kaya wala kaming magawa kundi ang sumama. Mga guro ko naman sila dati kaya go lang ako.
Na-hotseat nga lang ako nang nasa restaurant na kami. Kami kasi ni Yohann ang pinakabata kaya lang kilala kasi nila ako kaya ako lang ang hotseat. Tahimik lang si Yohann sa tabi kong kumakain.
Mabuti na lang wala kaming klase ngayong araw kaya nakasama namin sila. Akala ko ay ako lang ang tatanungin nila pero dahil nakasama rin nila si Yohann ay tinatanong na rin siya ng mga teacher ko dati.
"Alam mo ba Yohann, ang daming nagkakagusto riyan sa batang iyan bukod kasi sa pagiging active niya sa academics ay Presidente rin siya dati. Kung saan-saan kaya namin dinadala yan noong nag-aaral pa siya sa amin" sabi ni Sir Lim, adviser ko dati sa student council.
"Hanggang ngayon naman po Sir, pati nga po mga sikat nagkakagusto rin sa kanya e" sagot naman ni Yohann.
"Talaga, sinasabi na nga ba na malayo ang mararating niyan e" sabi naman ni Ma'am Molly, naging adviser ko rin dati at isa sa mga paborito kong guro.
"Ay naku po, huwag po kayong maniwala riyan kay Yohann mga ma'am, sir" sabi ko naman.
"Maniwala po kayo sa akin, kaya hindi po ako sinasagot niyan kasi maraming nagkakagusto sa kanya" sabi naman ni Yohann.
"Nanliligaw naman pala" ngiting pang-asar ni Sir Lim.
Kinurot ko nga sa hita niya si Yohann kung ano ano na naman kasi ang sinasabi. Ayan tuloy, sa aming dalawa na tuloy ang usapan nila.
"First year pa nga lang po kami gusto ko na siya e tapos umamin po ako noong second year kami" ani Yohann.
"Bakit hindi mo pa sagutin Gel? Ang tagal na pala" tanong ni Ma'am Molly.
"Naku, kilala niyo naman po ako wala pa po akong panahon sa pakikipagrelasyon" sabi ko.
"Sabagay, puro si Marcus nga ang kasama mo noon e. Akala ko pa nga dati ay mag-jowa kayo. Ang cute niyo kayang tingnan" naglabas pa ng phone si Sir Omi para ipakita ang litrato namin ni Marcus noon.
"Sir, stolen shot talaga ha" sabi ko.
"Nakuhaan ito noong may program, hindi ko lang binubura. Malay ko ba na balang-araw galing sa school natin ay may magkatuluyan" paliwanag ni Sir Omi.
"Sir, baka naman magselos si Yohann" pang-aasar ni Ma'am Bern.
"Oo nga, siya ang narito tapos iniinsert mo sa usapan si Marcus" natatawang sabi naman ni Ma'am Macy.
"Hindi yan, diba Yohann?" tanong ni Sir Omi kay Yohann.
"Okay lang po Sir, sanay na po ako atsaka sobra din po talaga ang bondness na nabuo nilang dalawa" sabi ni Yohann.
"Yan kasing dalawa na iyan ang namumuno sa mga estudyante noong batch nila. Sila nga ang pinakagusto kong nahawakan sa student council e" sabi ni Sir Lim.
"Ngayon ko lang nalaman yan Sir ah" pabirong sabi ko.
"Ngayon ko lang din napagtanto e" pabirong sabi rin ni Sir Lim.
"Gusto ninyo po ba makita si Marcus?" tanong ko.
"Aba, sige nga" sagot ni Sir Lim at sumang-ayon naman ang lahat.
To: Best Marcus
Tapos na klase mo? Punta ka rito gusto ka raw makita ni Sir LimFrom: Best Marcus
Sige sabihin mo papunta na ako
BINABASA MO ANG
The Two Idols
RomanceIDOL SERIES #1 Beauty with Brains, dito nakilala si Roan noong siya ay high school pa lamang kaya naman ay maraming humahanga sa kanya isa na ang isang misteryosong lalaki mula sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng kolehiyo ay nagsimula siyang maging...