Valentine's Day ngayon pero heto kami kaharap ang reviewer dahil prelim exam namin ngayon.
"Sanaol na lang may date" sabi ni Angie.
"Exam muna bago harot" sabi ni Gracie.
"Inom na lang tayo mamaya last day naman na ng exam e tapos wala pang pasok bukas" sabi ni Ali.
"Oy, gusto ko yan. Bilisan na natin mag-exam excited na ko" sabi ni Cherina.
"Oh exam muna bago walwal" sabi ko naman.
"Palibhasa may date kaya paniguradong hindi sasama" sabi ni Simonette.
"Sa lahat ng madaya, ikaw ang pinakamadaya Roan" sabi ni Michelia.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.
"Syempre mababawasan na ang oras mo sa amin kasi si Yohann na lang lagi mo kasama. Nakakatampo girl" sagot ni Michelia.
"Edi sasama ako sa inyo mamaya"
"Huwag na Roan, we understand naman na first date nyo ni Yohann ito" sabi ni Shanon.
"Sure talaga kayo?" tanong ko.
"Yeah" sabay-sabay nilang sabi.
Biglang dumating si Yohann kasama ang mga tropa niya.
"Hi girls" bati nila ng makalapit sila sa amin.
"Hey babe Happy Valentine's Day, I love you" sabay halik ni Yohann sa akin sa pisngi.
"Nag-review ka na ba?" tanong ko kay Yohann.
"Yes, baby I'm inspired e" sagot niya.
"Pagkatamis naman" sabi ni Ivan.
"Maawa naman kayo sa mga single" sabi ni Angie.
"Ang sakit mangagat ng langgam dito sa school ha" sabi ni Cherina.
"Sama kayo mamaya Ivan, inom?" biglang singit ni Ali.
"Saan yan?" tanong naman ni Ivan.
"Sa amin" sagot naman ni Gracie.
"Tol, G ako rito" sabi ni Ivan kay Yohann.
"Pass, may date kami ni Roan"
"Alam na namin yon" sagot ng girls.
"Babe, can we drop by after our date?" tanong ko kay Yohann.
"Pwede naman, pero bawal ka uminom ha" sagot niya.
Nang matapos ang exam ay umalis na rin kami ni Yohann. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta nagmamaneho lang siya. Habang nasa byahe ay pinag-uusapan namin ang mga exam.
"Babe where are we going?" tanong ko sa kanya.
"Malalaman mo kapag naroon na tayo" sagot nya.
"Pa-surpresa ka pa ha" natatawang sabi ko.
"Ofcourse, first time ito babe kaya pinaghandaan ko talaga" masayang sabi nya.
"Okay, sabi mo e"
Huminto kami sa isang beach resort. Sila ang may-ari nito kasi dito niya ako dinala noong debut ko upang makita ko si James.
"Andito ba si James?" tanong ko.
"Wala, tayong dalawa lang dito" nakangising sagot niya.
Naglakad kami patungong dagat. Dinama ko ang hangin na tumatama sa mukha ko. Pinanood namin ang papalubog ng araw habang nakaupo kami sa sun lounger.
"I love you" bulong niya sa akin. "Babe, magpalit na tayo ng damit naka-uniform pa tayo e"
BINABASA MO ANG
The Two Idols
RomantikIDOL SERIES #1 Beauty with Brains, dito nakilala si Roan noong siya ay high school pa lamang kaya naman ay maraming humahanga sa kanya isa na ang isang misteryosong lalaki mula sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng kolehiyo ay nagsimula siyang maging...