CHAPTER TWENTY ONE

21 3 1
                                    

It's Christmas Time, papanoorin namin nina Marcus at Cyrene ang pelikula namin, syempre pampadagdag views din haha kahit napanood ko na ito noong premiere night. Gusto ko lang panoorin ulit kasi kasama si Marcus. Manonood din daw ang mga kaibigan at kaklase ko noong college, ganoon sila ka-supportive sa akin. Ngayon ang Pasko na wala akong trabaho dahil sa nakagawa kami ng pelikula na panlaban sa Film Festival. Matapos namin manood ay pumunta kami ng Enchanted Kingdom. Sumama naman sila Nigel at James kaya ang ending kapag nakilala kami ay may nagpapa-picture sa amin. That's the feeling when you are with the two idol. Puro babae naman kasi ang lumalapit sa amin, walang makalapit na lalaki paano ba naman ay paggitnaan ba naman ako ng dalawa. Minsan nga tinatakasan ko na e pero nahahanap pa rin nila ako. Bago kami umuwi ay pinanood muna namin ang fireworks display. Kumuha rin kami ng litrato na kaming lima para ipost sa private IG namin. Kaming tatlo naman nila Nigel at James para naman sa IG na maraming followers na fans. Pagka-post pa lang namin ay umani na agad ito ng hundred likes at maraming magandang komento tulad ng 'ang cute ninyong tatlo', 'love triangle sa on-screen pero friendship goals off-cam', 'sweet naman ni Nigel at James', 'whaaah, ang swerte naman ni queen roan, may dalawang hari', 'stan this friendship', at marami pang iba.

Dahil nasa Laguna kami ay sa Laguna rin kami muna uuwi ngayon. Maging si James ay uuwi rin muna sa mansyon nila. Si Nigel naman ay kina Marcus muna, pangalawang beses na niya yan kaya sa sasakyan ay kami na lang ni Cyrene. Nakauwi rin sa bahay namin.

"Inom tayo sis" sabi ni Cyrene.

"Porket pahinga hanggang new year ha" sabi ko sa kanya

"Dali na papuntahin mo girl friends mo" sabi naman nya

"Gusto nila yan, sige chat ko na sa group chat namin"sabi ko naman.

SHOKISTA

Roan: Nasa bahay ako sa Laguna, punta kayo rito. Gusto mag-inom ni Cyrene.
Ali: Go ako
Gracie: Present
Michelia: Present din ako
Angie: Gusto ko rin
Shanon: malapit lang ako kaya G talaga ako
Cherina: Arat na
Simonette: Arat
Roan: Ingat kayoooo

Naunang dumating si Shanon dahil siya ang pinakamalapit sa amin. Kaya ayon nagkwentuhan sila ng malupit ni Cyrene dahil pareho sila ng hilig. Sabay naman na dumating sina Ali, Michelia at Gracie. Ganoon din sina Simonette, Angie at Cherina. So this night is exclusive for girls. Sinimulan na nila ang pag-inom, ako ay wine lang.

"May balita ka ba kay Yohann, Roan?" tanong ni Angie.

"Ako meron" sagot ni Ali, kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. "Nakakainuman ko kasi mga tropa niya syempre napag-uusapan"

"So anong balita?" tanong ulit ni Angie.

"Noong naghiwalay kayo Roan, mukha raw mababaliw na si Yohann. Nag-resign siya roon sa network ninyo kasi hindi na raw siya healthy at baka madamay pa ang iba kaya ayon nag-voluntary exit-" kwento ni Ali.

"Legit ba? Grabe naman pala" sabi ni Cherina.

"Tapos hindi siya naglalabas sa kwarto niya hanggang sa pumunta itong si Valerie sa bahay nila at yong mommy pa nila Yohann ang nakaharap nagulat nga yong mommy nila kasi alam na si Roan ang girlfriend pero bakit may ibang babae na naghahanap. Sinabi ni Valerie na buntis siya at si Yohann ang ama kaya binuksan na ng mommy nila yong kwarto ni Yohann dahil nga hindi niya ito binubuksan. Alam ng mommy niya na malakas si Yohann kaya hindi siya masyadong nag-alala rito. Kaya pala hindi lumalabas si Yohann ng kwarto ay balak niyang gumawa ng libro siguro lesson sa mga nangyari sa kanya. Kinausap naman daw ni Yohann si Valerie" kwento pa ni Ali

The Two IdolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon