Loi Dren Cuarez
Ang saya ko ng malaman ko kay Kobe na masquerade ang theme ng acquiantance party namin. Ayon sa kanya ay sya ang nag-suggest nito at sumang-ayon naman ang buong student council. Buti na lang talaga ay may kaibigan akong officer, nalalaman ko agad kung anong mga ganap dito sa school.
Inaya naman ako ng bestfriend kong si Noah na bumili ng susuotin namin para sa party sa boutique na pagmamay-ari ng family ng girlfriend niyang si Misha. Isinama na rin namin si Kobe. Nang makarating kami sa boutique ay sinalubong naman kami ni Misha.
Noah: Hi bal, miss you
Misha: Miss you too bal
Noah: Bat kasi di ka na lang sa school namin nag-aral e para lagi tayo magkasama
Misha: Ayaw ko nga baka bigla kang magsawa sakin
Noah: Not gonna happen
Loi: May langgam pala rito sa shop nyo Misha no
Misha: Ay sorry naman Dren
Noah: Naiinggit ka na naman, ayaw mo pa kasi ligawan yong crush mo
Misha: Ay may crush naman pala
Noah: Oo bal, yong president ng student council namin ang crush nyan first year pa lang kami crush nya na yon tapos ano na kami ngayon third year na, e yong president ggraduate na
Misha: Di kita kinaya Dren haha, simula first year, mahal mo na ata yan
Loi: Magpaparamdam na ko no
Noah: Paparamdam ano ka multo
Kobe: Ako bahala sayo Dren, tulungan kita kay Ate Roan
Noah: Ayon naman pala e
Namili na kami ng susuotin namin, tinulungan naman kami ni Misha upang madali kami makapili. Pagkatapos namin magbayad ay nagkayayaan naman na kumain, sumama na rin sa amin si Misha, may employee naman sila sa store kaya pwede itong iwan ni Misha, pumunta lang talaga sya roon dahil alam nyang pupunta kami. Nagkwentuhan at asaran lang kami habang kumakain. Nang matapos ay umuwi na rin ako, nagsabay na kami ni Kobe dahil naiwan pa sila Noah at Misha, may date pa ata sila.
Sumapit na ang araw ng acquiantance party, sabay sabay kaming dumating nina Kobe at Noah. Agad din namang nagsimula ang programa ng dumagsa na ang mga estudyante. Emcee naman si Roan kaya target locked agad. Nakatingin lang ako sa kanya mula rito sa crowd, bakit ang ganda?
Nang matapos ang ritwal para sa mga freshmen ay socialization na. Nilapitan naman ako ni Kobe.
Kobe: Tol, it's your chance, after that lively music ay slow music naman ang patutugtugin. Lapitan mo na si Ate Roan para maisayaw mo. Bilisan mo kasi baka maunahan ka
Loi: E kasama nya pa si Kuya Marcus e
Kobe: Okay lang yan
After ng pag-uusap namin ni Kobe ay naglakad na ko patungo sa harapan, malapit na matapos ang music, konti na lang ito na ko Roan. Biglang napalitan na ang music, sakto nasa harap ko na sya. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat ng magtanong ako kung pwede ko syang maisayaw pero pumayag naman sya. Dinala ko na sya gitna upang makasayaw na kami. Di ako makapagsalita, di ako makapaniwala na hawak ko ang kamay nya, na malapit sya sa akin. Nang matapos ang tugtog ay ibinalik ko naman sya kay kuya Marcus. Bumalik ako sa pwesto ko at agad na nagsulat ng tula, dinaan ko na lamang dito ang nararamdaman ko. I put my initials on the last part of the poem, LD, short for Loi Dren. Hinanap ko si Kobe upang pakisuyuan na ilagay sa locker ni Roan sa may student council room, allowed naman sya roon dahil officer sya.
BINABASA MO ANG
The Two Idols
RomanceIDOL SERIES #1 Beauty with Brains, dito nakilala si Roan noong siya ay high school pa lamang kaya naman ay maraming humahanga sa kanya isa na ang isang misteryosong lalaki mula sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng kolehiyo ay nagsimula siyang maging...