CHAPTER FOUR

17 5 2
                                    

Friday na at wala kaming class schedule every Friday lahat ng first year.

Kaya heto si Marcus nakatambay bahay baka raw maboring ako kung mag-isa lang ako kaya sasamahan nya raw ako.

Ang sweet naman talaga ng bestfriend ko e.

Ireto ko kaya to sa isa sa girls ko, kaya lang akala nilang lahat jowa ko to e.

"Pst, best may babae sa course nyo diba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman pero di marami puro lalaki kami, bat mo natanong?" nagtatakang tanong nya.

"Curious lang ako na baka mahanap mo na ang the one mo roon sa engineering" sabi ko.

"Alam mo di uso lovelife sa engineering ang lovelife namin ay ang tools at blue print" sabi nya.

"Grabe naman yon, bakit wala ka bang type sa kanila?" tanong ko.

"Whaaaat? Wala pa kong balak mag-jowa noh sabi nga ni mama diba mag-aral muna ako wag muna manligaw" nakangiting sabi nya.

"E paano kung dumating na lang sya bigla anong gagawin mo?" tanong ko pa.

"Interview ba to? Kailan ka pa naging HR?" natatawang tanong nya.

"Wala akong balak maging HR, di ko gusto yon, di kailanman, tsk basta sagutin mo na lang kasi" inis na sabi ko.

"Wala akong gagawin" sagot nya.

"Bakit naman? Hahayaan mo na lang ba sya?" tanong ko pa.

"Alam mo dumating man sya ay wala akong gagawin dahil ang tunay na pag-ibig kaya maghintay, at ako kaya kong maghintay kahit gaano pa ito katagal basta mapatunayan lang na mahal ko sya" nakangiting paliwanag nya.

"Ang seryoso mo naman masyado" natatawang sabi ko.

"Don't play with love Roan dahil mahirap kalabanin ang pag-ibig" seryosong sabi pa nya.

"Hindi ko naman lalaruin ah" seryosong sabi ko rin.

"Basta ikaw kapag may nanligaw sabihin mo sa akin agad ng makilatis" sabi nya.

"Opo kuya, hahaha" 

"Anong kuya ka dyan" sabay kiliti nya sa akin.

"Ano pala, opo daddy" sabi ko naman.

"Hoy hindi kita anak ha" tuloy pa rin ang kiliti nya sa akin.

"Ano gusto mo, opo bebe ko" sabay irap ko.

"That sounds better" nakangising sabi nya.

"Kadiri ka talagaaa" inarteng sabi ko.

"Starstruck na uyy" sabi nya.

Oo nga pala tanggalan na ngayon. Sabay na kami pumasok ni Marcus sa loob at nanood ng tv.

Nakakakaba naman.

Nagsasalita ang mga final 10 kung sino sa mga dreamer ang dapat na matagal.

Hala nanganganib si James.

Kapit kamay na sila sa stage.

Starstruck survivor says good bye to James Mateo.

Awww tanggal na si James wala na kong susubaybayan kada hapon.

"Bat ka umiiyak?" asar sa akin ni Marcus.

"E natanggal na crush ko e alangan naman maging masaya ako" umiiyak na sabi ko.

The Two IdolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon