CHAPTER EIGHT

19 5 1
                                    

Roan Gel Villadores

Sinabi sa akin ni Yohann na si James ang artista na may taping dito sa beach resort nila Gracie.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Yohann matapos niya akong dalahin dito ay iniwan niya ako.

Nanood na lang ako ng television habang naghihintay na bumalik si Yohann dito. Maya-maya ay may nagbukas ng pintuan.

"Yohann, binuksan ko na tv mo ha" di ko siya tiningnan ng pumasok siya dahil abala ako sa panonood.

Lumapit siya sa akin at tinakpan ang mga mata ko.

"Yohann, gaya-gaya ka ha" sabi ko pero hindi pa rin siya nagsasalita. Tinanggal niya ang kamay niya sa mata ko.

"Yohann pala ha" sabi ni James pagkatanggal niya ng kamay niya.

"Omg, James" nagulat ako ng makita ko siya. Akala ko talaga si Yohann kaya pala hindi siya nagsasalita kasi hindi naman siya si Yohann.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Pagkalapit ko sa kanya ay niyakap ko siya.

"I miss you" sabi ko sa kanya habang nakatago ako sa dibdib niya. Naramdaman kong yumakap din siya sa akin.

"I miss you so much" bulong niya sabay halik sa ulo ko.

Di ko mapigilan ang sarili ko kaya napaluha na ako. Ang tagal na rin kasi na hindi ko siya nakita. Lumalago na ang career niya kaya hindi na tulad ng noon.

"Don't cry baby" pagkasabi niya nito ay mas lalo pa kong naiyak.

"I'm sorry I just can't help it" sabi ko at umalis na sa pagkakayakap sa kanya.

"Ang cute mo naman kapag umiiyak" sabi niya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang daliri niya.

"Ikaw kasi e" nag-pout pa ko.

"Sorry kung ngayon lang tayo nagkita ha alam mo naman schedule ko atsaka di ako makalabas mag-isa. Pinagbawalan ako ng manager dahil may love team na ko"

"It's okay I understand naman. It's your dream, so who am I para pigilan ka diba" pinipigilan ko na lumabas na naman ang mga luha ko.

"You're special to me, babawi ako kapag pwede na"

"Okay lang James di mo kailangan bumawi naiintindihan kita para sa pangarap diba"

"Gusto ko bumawi Roan, hayaan mo na lang ako" may lungkot sa mga mata niya.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, mahal ko na ba siya? Hindi pwede artista siya, makakasira lang ako sa mga pangarap niya. Hangga't maaari pipigilan ko itong nararamdaman ko dahil hindi ito tama.

Tumango na lang ako ayaw ko ng makipagtalo pa.

"How's taping?" pag-iiba ko ng topic.

"Tapos na ipapalabas na lang"

"Okay, na saan pala si Yohann?" nagtataka kasi ako bakit hindi pa siya bumabalik dito.

"Nasa room ko sabi ko roon muna siya, palit muna kami"

"ah, so anong balak mong gawin?" tanong ko.

"wala naman gusto lang naman talaga kitang makita"

"Dinner?"

"Room service na lang natin ayaw kong lumabas ka na ganyan ang mata mo baka sabihin pinaiyak kita e" sabi naman niya "Text ko na lang si Yohann para magpadala na siya rito"

The Two IdolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon