Chapter 6

12 0 0
                                        

Magkakasunod na katok ang bumungad sa pintuan ng kwarto ko, kinaumagahan. "Lian! Gising ka na ba?" narinig kong sabi ni mama.

Hindi ako bumangon at tumitig lang sa kisame. "Opo."

Pumasok siya at itinaas ang kurtina. "Bakit hindi ka pa nakagayak? 6:30 na. Hindi mo ba gigisingin si Keith ngayon? Male-late kayo niyan."

Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kisame. Sa hindi malamang dahilan, nakkamangha siyang tingnan ngayon. "Hindi na mama. Siguradong gising na 'yon. Mula ngayon, hindi na po kami sabay papasok."

Napasinghap si mama at umupo sa gilid ng kama ko. "Ha? Bakit? Nag away ba kayo?"

Hindi ako sumagot. Nakahiga lang ako magdamag, pero pakiramdam ko, pagod na pagod ako. Hindi rin kasi ako dinalaw ng antok.

"Hindi ba okay ang date 'nyo kahapon? Nag away kayo?"

Bumaling ako sa kabilang side, para hindi makita ni mama ang mukha ko. "Ma, hindi po iyon date. At hindi kami nag away. Hindi na kaming pwedeng magsabay pumasok simula ngayon dahil magkaka girlfriend na po siya. Hindi magandang tingnan kung katulad pa rin kami ng dati."

Natahimik sandali si mama. Tapos, humiga din siya at niyakap ako. "Don't worry baby, it's his loss," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Gusto ko na namang maiyak dahil doon. "Ma, bitaw na. Male late na po ako," sa halip sabi ko.

Sinipat niya ang mukha ko habang nakakunot. "Aba, maputla ka ah. Huwag ka na lang muna kaya pumasok?"

Bumangon ako. "Hindi po pwede. Malapit na ang exams. Ayaw ko pong maka- miss ng lesson." At ayaw ko ring tumunganga lang dito. Panigurado, iisipin ko lang siya.

"Sigurado ka?

Humarap ako sa kanya. "Ma, okay lang po ako. Uuwi na lang po ako kapag hindi ko kaya."

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Sa bandang huli, pinabayaan din ako ni mama pumasok. Alam kong nag aalala siya, pero hindi ko kayang mag isa ngayon. Kailangan ko ng distraction.

Mabuti na lang at hindi ko nakita si Keith pagdating ko sa school. Wala naman akong balak talagang iwasan siya. Syempre magdududa 'yon. Ayaw ko lang siyang masyadong makasalamuha sa ngayon.

Nang makita ako ni Iroha, niyakap niya lang ako nang mahigpit at hindi na nagtanong. Ang bagay na kailangan ko talaga ngayon.

"Maputla ka ah," sabi niya habang nagpaplit kaming ng PE uniform.

Ngumiti ako sa kanya. "Kulang lang ako sa tulog. Pero okay lang ako."

Tumango siya at hindi na masyadong pinansin.

Pagkadating namin sa gym, napahinto ako nang makitako si Keith at Kirsten.

Oo nga pala. Pareho nga pala ng schedule ang PE namin at ng section nila.

Naramdaman ko ang kamay ni Iroha sa balikat ko. "Ano? Cutting na lang tayo?"

Umiling ako. "Hindi. Okay lang," sabi ko at hinila siya papunta sa mga kaklase ko.

Kailangan ko nang masanay dito. Para maka move on ako, dapat masanay muna akong nakikita silang magkasama.

"Lilian!" narinig kong tawag sa akin.

It's Charles.

Patakbo siyang lumapit sa akin. "Ngayon pala ang PE 'nyo?"

Ngumiti ako sa kanya. "Yup. Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

Next to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon