"Hala! Magang maga ang mata mo!" bulalas ni Iroha pagkakita niya sa akin. Hinila niya ako sa may cr para hindi kami masyadong agaw pansin sa may hallway.
Tumawa ako ng pagak. "Nasobrahan yata...ako." Napahinto ako nang makita ko ang pag aalala sa mukha niya.
"Lilian..." sabi niya habang hinahaplos ang balikat ko.
Hindi ko na napigilan doon. Yumakap ako sa kanya at umiyak. "Uuuuh... Iroha! Wala na talaga! Hindi na niya ako kakausapin kahit kailan! Uuuuh! Anong gagawin ko? Ang sakit. Sobrang sakit. Namimiss ko na siya!"
Hinaplos niya ang ulo ko. "Shhh. Magiging okay din ang lahat," pag aalo niya. "Ano bang nangyari?"
Humihikbi kong ikinuwento sa kanya ang lahat. At siya, nakinig lang sa akin habang pinapatahan ako. Wala siyang konento o ano mang sinabi. Basta nakinig lang siya sa akin, na ipinagpapasalamat ko. Ito ang kailangan ko ngayon. Ang makikinig lang sa akin.
Gusto kong paniwalaan na tama ang ginawa ko. Huli na ang lahat para magsisi.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
"Ano? Cutting na lang tayo?" tanong ni Iroha habang nagpapalit kami ng PE uniform.
Natawa ako. "Bakit palagi mo na lang itinatanong 'yan?"
"Alam mo na 'yon. Gusto mo ba banggitin ko pa?"
Bumuntong hininga ako. "Alam ko. Thank you for being considerate. Pero okay na ako. Wag ka nang mag alala."
"Tch. Akala ko pa naman makakapag cutting na'ko," bulong niya maya maya.
Bahagya ko siyang sinagi. "Hoy!"
Tumawa kaming dahil doon. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko simula noong sinabi ko kay Iroha noong nakaraang araw.
Oo palagi ko pa ring nakikita si Keith. Kadalasan, kasama si Kirsten o kaya yung iba niyang katropa. Pero palagi kong sinasabi sa sarili ko na dapat, masanay na ako. Kaya hangga't kaya ko, hindi ko siya iniiwasan. Isa pa, siya na rin ang kusang umiiwas. Well, hindi rin naman na nakakagulat. Kahit tingnan ako, hindi niya ginagawa.
Nami miss ko siya nang sobra. Hindi biro 'yung 12 years. We only have each other back then. Wala kami parehong kapatid kaya kami lang palagi ang magkasama. Halos kasama ko siya sa araw araw ng buhay ko. At simula noong hindi na kami nagpapansinan, I feel empty. Parang kalahati ng kaluluwa ko, nawala sa akin.
Pero kahit 'yon, nagawa kong tikisin. Hanggang ngayon, nagi-struggle ako, hinihiling na sana masanay ako na wala siya.
Pagkadating namin sa gym, as expected, nandito rin siya. Ginawa ko ang best ko para hindi magmukhang depress. Kahit sulyapan siya, iniwasan ko rin.
Nag vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko, message glaing kay Charles.
'Mukhang mas ok ka na ngayon ah. Tingin ka sa kaliwa.'
Sumunod ako at tumingin sa may kaliwa ko. At nandoon nga si Charles, nakangiti nang maluwang sa akin. Kumaway siya at ganon din ako.
Sa sulok ng mata ko, nakita ko si Keith. Dali dali akong nag iwas ng tingin dahil doon.
May brasong pumalupot sa leeg ko. "Nakita ko 'yoooon~" pang aasar ni Iroha.
"Nakita ang alin?"
Ginulo niya ang buhok ko. "Si Charles at ikaw! Hindi ko akalain na ganon pala kayo!"
Dali dali kong tinakpan ang bibig niya. "Wag ka ngang maingay! Baka ma-misunderstand ng mga kaklase natin. At hindi kami gaya ng iniisip mo no! Binati ko lang siya."

BINABASA MO ANG
Next to Your Heart
Novela Juvenil"Even if my heart won't ever be next to you, I still want to stay by your side." Ang pinakamahirap na uri ng love ay yung uri na alam mong kailan man hindi magkakaroon ng katugon, pero mahirap pigilan. Keith is my best friend. Simula noong anim na...