Chapter 2

12 2 0
                                        

Sa ikalimang beses, bumuntong hininga ulit ako.

Pakiramdam ko simula na ito. Simula na ng bangungot ko. Sa mga sinabi ni Keith kanina, parang ready na siya. Ready na siyang i-pursue si Kirsten. At syempre ako bilang best friend niya, kailangang suportahan siya sa front line. At paano ko gagawin 'yon nang hindi nasasaktan?

Pumalatak si Iroha, ang pinaka-close ko na kaibigang babae at kaklase. "Sabi ko naman kasi sa'yo tigilan mo na 'yan eh. Tingnan mo nga 'yang sarili mo, para ka na namang namatayan."

Kinuha ko ang kamay niya at ibinaon doon ang mukha ko. "Hindi ko talaga mapigilan eh. Hindi ko naman kayang lumayo sa kanya lalo na kapag kailangan niya ako. Nakita mo sana ang mga mata niya tuwing humihingi siya ng tulong."

Bumuntong hininga si Iroha. "Alam mo namang ang ma-in love sa best friend mo ay isang taboo. Dapat itinigil mo na yan noong maaga pa."

Nanlulumo akong napaupo. "Alam ko naman 'yon eh. Pero ano bang malay nung batang ako? Ang alam ko lang noon, basta gusto ko siyang kasama. Hindi ko alam, iyon na pala 'yon."

Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. "O siya, magpe-prepare na ako ng eulogy. Pakiramdam ko, you'll die because of a broken heart," biro niya.

"Hoy! Ang seryoso kong nag-eemote dito oh," angal ko na ikinatawa niya.

Dahil doon, natawa na rin ako.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Natapos ang maghapon. At habang nag aayos ako ng gamit, umupo sa may harapan ko si Iroha.

"Tara gala," sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. "Saan?"

Nagkibit balikat siya. "Kahit saan. Basta makalimutan mo kahit sandali ang lalaking 'yon."

Bago pa ako makasagot, may biglang humila sa akin.

"Sinong lalaki?"

Namutla si Iroha dahil doon.

"Keith!" bulalas ko.

"Anong ibig sabihin ni Iroha? Anong lalaki? Sino?" tanong niya pa.

'Ikaw! Ikaw na isang manhid! I'm in love with you!' sagot ko sa utak ko.

Pero syempre, hindi ko saaabihin sa kanya 'yon. "Inaasar niya lang ako. Tara na. Baka maiwan tayo ng bus," sa halip sagot ko.

'Please wag ka 'nang magtanong. Please wag ka 'nang magtanong.'

"Sinong may sabi sa'yong magba-bus tayo?"

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

Kaso, 'nang ma-realize ko ang sinabi niya, parang na-drain ang dugo ko sa mukha.  "Oh no you don't. Hindi mo ako mapapasakay doon!"

Ngumisi siya. "Sorry Iroha. Pero nag-promise siya na sabay kami ngayon." Bumaling siya sa akin. "Tara Lil!" sabi niya bago ako hilahin.

'Help me... ' sabi ko kay Iroha.

Nagkibit balikat lang siya at nginitian ako.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"So kelan mo ako bibitawan?" inis na tanong ko lay Keith.

Habang naglalakad kasi kami sa may school grounds, nakaakbay siya sa akin. At syempre, marami tuloy nakatingin. Idagdag pa yung bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kanya.

"Huwag kang malikot! May kanina pang babaeng sunod nang sumod sa akin eh. Para lang lubayan ako," sabi niya.

Napairap ako.

Next to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon