'Heavenly Bodies, The Everything'
Ang sabi sa libro na binabasa ko, isang maliit na particle lamang tayo sa kalawakan. Lahat ng nangyayari sa sa atin at sa paligid natin, isang maliit na parte lamang ng time and space.
Hinawakan ko ang parte na 'yon ng libro.
Hindi pala tayo ganon ka-importante katulad ng iniisip natin. Kahit 'yung nararamdaman natin, hindi rin ganon kaimportante. Tuloy pa rin ang ikot ng mundo kahit ano pa 'yan, ika nga.
"Psst! 'Yan siya diba? Yung tinutukoy mong cutie sa Section Hertz," bulong ng babae na nakaupo sa may likuran ko.
Inayos ko ang salamin ko nang mapatingin ako sa itinuturo nila. At may isang lalaking parang isang model sa postura at lakad pa lang na papalapit. Nag-dilate ang pupils ko nang makita ko siya.
"Oh my gosh! Oh my gosh! Kinakawayan niya ako!" impit na tili ulit nung babae. Siguro kung wala kami sa library, mas matining pa dito ang tili nila.
Ngumiti ako at kumaway kay Keith. Oo, hindi ako nagppantasya. Ako ang kinakawayan nung lalaking halos tilian ng mga babae sa likod ko.
Umupo si Keith sa may harapan ko. "Yo, Lil!" nakangising bati niya sabay gulo sa buhok ko.
Oh hindi ba? Gusto ko sanang makita ang reaksyon nung mga babae sa likuran ko, kaso ayokong isipin nila na iniinggit ko sila. Hindi ko rin naman sila masisisi kung ganon ang reaksyon nila pag dating dito kay Keith.
Hindi siya kasing-sikat katulad nung mga heartthrob na napapanuod natin o nababasa natin. Oo gwapo nga siya. Pero marami din namang maituturing na ganon sa school na 'to. Pero sa malamang, nakita na ng mga babaeng ito kung paano siya sumayaw. Sa malamang at malamang din, nakita na nila siyang pumorma sa labas.
Tinanggal ko sa ulo ko ang kamay niya. "Shush!Hinaan mo ang boses mo. Malilintikan tayo kay Miss Debra," bulong ko sa kanya.
Hindi pa rin nawala ang ngisi niya. "Ang sungit mo na naman. Nagugutom ka na no? Tara kain na tayo," sabi niya bago kinuha ang bag ko.
Napabuntong hininga na lang ako at iniligpit ang mga libro sa mesa. Anong magagawa ko? Nginitian na naman niya ako nang ganon. That's cheating. Alam niyang hindi ako tumatanggi pag ganon.
Yes. I am just like those girls. I'm bewitched by his charms.
Pero ang nagpapa-komplikado lahat nang 'yon....
....I am his best friend. And I made the most horrible mistake:
I fell in love with him.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
"Mmm. Basharap to wa," sabi ni Keith habang maganang kumakain.
Ako naman, hindi mapakali sa kinauupuan ko.
Bakit?
Maraming mga matang nakatuon sa amin.
Hindi ko maintindihan kung bakit palaging binibigyan ng malisya kapag magkasama ang isang babae at isang lalaki. Hindi ba pwedeng maging magkaibigan lang? Ganon ang nararamdaman ko sa tingin ng mga estudyante dito sa cafeteria. Yung iba aiguro curious kung anong meron kami. Yung iba, alam kong naiinggit at hinihiling na sana sila yung nasa pwesto ko.
Pero wala naman eh. Walang malisya ito.
Napatinging ako kay Keith.
At least dito sa lalaking nasa harap ko.
"Nasaan yung mga tropa mo?" tanong ko.
Pinaningkitan niya ako ng mata na para bang sinasabi niya na, 'Bakit? Hindi ba kita tropa?'.
BINABASA MO ANG
Next to Your Heart
Fiksi Remaja"Even if my heart won't ever be next to you, I still want to stay by your side." Ang pinakamahirap na uri ng love ay yung uri na alam mong kailan man hindi magkakaroon ng katugon, pero mahirap pigilan. Keith is my best friend. Simula noong anim na...