Namamalik mata ba ako? Kulang ba ako sa tulog?
Ganyan ang mga tumatakbo sa isip ko habang nakatitig sa nakangiting si Keith.
"Good evening Lil!"
"Keith?!" bulalas ko. Tapos napatakip ako ng bibig nang maalala kong nandito ngayon si daddy.
Kahit nag aalangan ako, binuksan ko ng malaki ang bintana para makapasok siya. At nang makapasok siya, gumewang siya at muntik nang matumba. Ngumiti ulit siya sa akin habang pinipilit ayusin ang tayo niya.
Napakunot ang noo ko nang marealize ko ang nangyayari. "Lasing ka ba?"
Ngumisi naman siya ngayon. "Hindi no...ayos la—" Sinapo ko siya bago siya tuluyang natumba.
Kahit mabigat siya, nagawa ko siyang ihiga sa kama. At doon ko napatunayan na naginom nga siya. He reeks alcohol.
"Lasing ka nga! Ano bang pumasok diyan sa kukote mo at naglasing ka nang ganyan?! Nababaliw ka na ba?! At bakit umakyat ka pa dito sa ganitong kalagayan?! Gusto mo bang mabalian?!" panenermon ko.
Hindi pa siya nalasing nag ganito sa buong time na kilala ko siya. We both just turned 18. At hindi siya ang tipo na gagawa nito.
"Ah, na miss ko 'yan," tumatawang sabi niya pa.
I paced nervously. "Kapag nalaman ng parents natin 'to, pareho tayong malilintikang dalawa."
"Nah. Ang alam nila..." Tumawa siya. "...nasa bahay ako nina Shane," sagot niya.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "You...you unbelievable ugh!" maktol ko. "Mababaliw yata ako dahil sa'yo. Ngayon magpaliwanag ka bakit ka umakyat dito?!"
Hindi ko alam kung may matinong sagot akong makukuha sa kanya, pero kapag hindi ako nagtanong nang ganito, kung anu ano lang ang papasok sa utak ko.
Bumangon siya bigla at seryoso akong tiningnan. Pagkatapos, inabot niya ang kamay ko at hinila paupo sa harapan niya. "Bakit hindi pwede?"
Napakunot ang noo ko. Kapag ngayon mo siya tiningnan, hindi siya mukhang lasing. His eyes are so focused and intense.
"Palagi kong itinatanong 'yon sa sarili ko. Bakit hindi ako pwedeng mag stay sa tabi mo? I think something is wrong with me." His eyes soften. "Mas gusto kong malapit sa'yo ngayon. Kahit magalit ka sa'kin, gusto kong nasa tabi lang kita."
Nanlaki ang mga mata ko doon at parang may nagbara sa lalamunan ko.
"I miss you."
Napasinghap ako. "A-ano?"
Hinapit niya ako at niyakap nang mahigpit. "Sobrang miss na kita, Lil. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa na ganito," bulong niya.
Nag init ang sulok ng mga mata ko.
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Si Keith ba talaga 'to? Does he really feel this way?
"Alam mo yung birthday ni sir Mark, yung nag flash mob kami sa cafeteria? Yung gabi bago 'yon, may napanaginipan ako."
Halos mapanganga ako doon.
Teka, parang may napanaginipan din ako ng gabing 'yon.
"Iyon yung time na tinuruan kita ng waltz sa ilalim ng puno ng mangga. Kaya nag-suggest ako kay Ms Sha na turuan kayo ng waltz ng araw na 'yon. Gusto kong maulit 'yon. Makasayaw kita ulit kahit sandali lang."
We had the same dream that night.
"Nakakatawa nga eh. We were only ten back then. Pero nung umiyak ka, sinabi ko sa sarili ko na kailangan kitang mapatahan kahit anong mangyari. Na lahat gagawin ko para lang hindi ka na umiyak. Pero alam mo kung ano ang mas nakakatawa?"

BINABASA MO ANG
Next to Your Heart
Fiksi Remaja"Even if my heart won't ever be next to you, I still want to stay by your side." Ang pinakamahirap na uri ng love ay yung uri na alam mong kailan man hindi magkakaroon ng katugon, pero mahirap pigilan. Keith is my best friend. Simula noong anim na...