Chapter 12

12 0 0
                                        

(AN: for better experience, please play the video above when I said so :))
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Ayos ka lang?"

Napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko. At pagtalikod nandoon ang nagaalalang mukha ni Iroha.

Yumakap ako sa kanya. "Shemay Iroha, sabi ko na nga ba bad idea 'to eh! Sobrang kinakabahan ako."

"Yakang yaka mo 'to dude! Halos dalawang linggo 'nyo 'to pinagpaguran. Hindi mauuwi sa wala 'yon."

Malapit na kaming tawagin sa stage. Hindi ko alam kung matatandaan ko lahat ng pinractice namin. Mabuti na lng at hindi maglilip-sync na lang kami ni Nate. Sayaw na lang ang pinagtuunan namin ng pansin. Pagkatapos na ituro sa akin ni Keith yung mga mali ko, naging smooth na ang practice namin. Nakakasabay at nakakasunod na'ko kay Nate.

Naalala ko na naman ang araw na'yon. Gabi gabi bumabalik sa isip ko ang mukha ni Keith noong araw na 'yon. He looked so betrayed and hurt. And I put that look on his face. Kahit sa school, ramdam na ramdam ko kung gaano niya pinipilit na hindi kami magkasalubong o magkita.

Kaya simula ng insidenteng 'yon, hindi na sumama sa practice namin sina Keith at Kirsten. Ang sabi ni Ms Sha, nirerequire na raw sila sa dance club kaya hindi na sila pwedeng sumama sa rehersal namin. Pero alam ko na ang dahilan talaga ay dahil ayaw na niya akong makita.

"It's time," sabi ni Ms Sha sa amin ni Nate.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumunta sa gitna ng stage kasama si Nate. Pumwesto kami sa illim ng puno sa gitna na napaliligiran ng mga halaman.

Bigla akong nakaramdam ng nostalgia . This setting under the tree when the 10-year old boy and girl are facing each other, as the imaginary song accompanied them.

Awtomatikong lumibot ang mga mata ko sa audience para hanapin ang lalaking nakasama noon sa ilalim ng punong iyon. Kahit ano pa ang nangyari sa amin, sa sulok ng puso ko, siya ang gusto kong makita sa pagkakataong ito.

Nang magtagpo ang mata naming dalawa, napuno ng pagmamahal ang puso ko. Nag init ang sulok ng mga mata ko. At bago pa ako tuluyang maiyak, nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Nate sa akin.

Tumingin ako kay Nate at naalala ko ang sinabi ni Ms Sha.

"You have to show that you're in love with your partner to convey the dance properly."

Ngumit ako sa kanya. "Yep. Break a leg."

I'm sorry Nate. Pero hayaan mong ibang tao muna ang isipin ko sa place mo para makapagsayaw tayo nang maayos.

As if on cue, nagsimula ang kanta.
(A/N: please play the video above)

I smiled at him lovingly while imagining the man I love.

Take my hand, take a breath
Pull me close and take one step
Keep your eyes locked to mine
And let the music be our guide
Won't you promise me?
(Now won't you promise me?)
That you'll never forget
(We'll keep dancing)
To keep dancing wherever we go next

Naalala ko ang itinuro niya. Ang step na dapat kong gawin para hindi magkamali.

It's like catching lightning
The chances of finding someone like you
It's one in a million, the chances to feeling
The way we do
And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance?
(Can I have this dance?)
Can I have this dance?

Next to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon