A/n: for better experience, please play the music above when I said so :)
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Today is the annual ball. At katulad ng napagkasunduan namin ni Iroha, sa bahay nila ako mag-aayos.
"Alam mo dude, may napansin ako," sabi ni Iroha habang inaayos ang buhok ko.
Tumingin ako sa kanya sa may salamin.
"Kapag hindi ka nakatingin, sumusulyap sa'yo si Keith," sabi niya. "Tapos parang ang lungkot lagi ng ekspresyon niya. Alam kong hindi mo napapansin dahil ayaw mong tumitingin sa kanya, pero nakikita ko 'yon. May nangyari ba?"
Napayuko ako.
Isang linggo na ang nakalipas simula nung insidente sa kwarto ko. Pero kahit minsan, hindi ko pa siya ulit nakakausap. Kahit maraming katanungan sa isip ko, wala din naman akong lakas ng loob kausapin siya. Kasi alam kong lasing lang siya 'non. Sigurado hindi na niya naaalala yung mga sinabi niya eh.
Pinilit kong ngumiti. "Wala naman. Baka namamalikmata ka lang."
Tiningnan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa akin. "You know you can tell me everything, right? Hindi man kasing tagal ng pinagsamahan 'nyo ni Keith ang pinagsamahan natin, you know you can still count on me."
I sighed defeatedly, pagkatapos tumawa ako. "Wala talaga akong maitatago sa'yo ano? Ang lakas ng radar mo."
Hamalakhak si Iroha doon. "Buti alam mo! Kaya sige na, spill it."
Umiling ako. "Wag ngayon. Ayokong ma-spoil ang gabi natin. After ng Annual Ball, promise, sasabihin ko."
Ngumiti siya nang matamis. "Okay! Ayoko ring magmukha kang abandoned bride sa harapan ni Charles no," sabi niya bago gawin ang 'finishing touches' sa akin.
Pagkatapos, hinila niya ako sa full body mirror. Halos mapanganga ako sa repleksyon ko.
"Hehe! I really am brilliant! Mukha ka nang Greek goddess!" sabi niya sabay pahid pa ng kunwaring pawis niya.
I'm wearing an emerald ballgown. Kaya bumagay dito ang gold leaves hair ornament na nakapalibot sa nakataas kong buhok. Ginawa ring natural ni Iroha ang make up ko na medyo smokey moss green ang eye shadow.
Ngumiti ako sa repleksyon ko, pagkatapos tumingin ako kay Iroha. "Fairy godmother talaga kita."
Tumawa siya. "Tagal na no! O siya, ako naman ang gagayak. Tatalbugan ko yang looks mo, makikita mo," sabi niya sabay kindat sa'kin.
Saktong pagkatapos mag ayos ni Iroha, dumating na ang mga date namin.
Napahinto si Charles at ngumiti sa akin. "Wow. You're beautiful," may paghanga sa mga mata na sabi niya.
Nahihiya naman ang ngumiti din. "Thank you. You look dashing as well."
Sumulpot sa likuran ko si Iroha. "Diba?! Ako mag ayos diyan! Basically, I'm her fairy goddess best friend!" buong pagmamalaki na sabi niya.
"And you look like a goddess as well," tumatawang sabi ni Charles.
Nag-bow naman doon si Iroha na parang prinsesa. Nagtawanan kami dahil doon.
That lifted my spirit. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, kailangan kong enjoy-in ang gabing ito. Kahit may kulang, susubukan ko pa ring maging masaya.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Halos malula ako sa pagiging classy ng venue. Mula sa lamesa, waiters, lalo na ang dance floor, para akong nag step in sa isang English historical romance movie. Yung mga tao sa dance floor, parang mga noble na nagwa-waltz.
![](https://img.wattpad.com/cover/227335997-288-k443484.jpg)
BINABASA MO ANG
Next to Your Heart
Teen Fiction"Even if my heart won't ever be next to you, I still want to stay by your side." Ang pinakamahirap na uri ng love ay yung uri na alam mong kailan man hindi magkakaroon ng katugon, pero mahirap pigilan. Keith is my best friend. Simula noong anim na...