Dumating ang araw ng date namin ni Keith. At heto ako, kabado habang papunta kung saan kami magkikita. Hindi niya ako pinuntahan sa amin kahit malapit lang ang bahay namin sa isa't isa. Ang sabi niya, dapat daw magkita kami sa labas. Ganon daw talaga ang mga date. Hindi ko nga rin ma gets dahil sa pagkakaalam ko, most ng dates ay sinusundo ng lalaki ang babae. Pero hindi na ako nagreklamo. Siya naman ang boss, kaya susunod na lang ako.
Pinagsuot ako ni Iroha ng damit na hindi ko naman normal na isinusuot. 3/4s off shoulder light blue blouse at high waist na lampas tuhod na puting palda. Buti na lang, naawa pa siya sa akin at hindi ako pinag suot ng high heels. Sa halip, pinag suot niya ako ng doll shoes. Baka raw mahabng lakaran ang gagawin namin. Isa pa, pinag suot niya rin ako ng contact lenses sa halip na yung salamin ko. Medyo naiirita nga lang ang mata ko kapg natutuyo siya. Kailangan ko pang magdala ng solution paranlang dito.
Si Iroha din ang nag ayos sa akin. Ang sabi niya, bagay daw sa akin ang light make up lang dahil sa "innocent look" ko daw. Hindi na rin ako nakialam sa ginawa niya sa mukha ko. Tutal sa aming dalawa, siya naman ang expert dito. Yung buhok ko naman, pinabayaan niya lang na nakalugay.
Sa kabuuan, nagustuhan ko naman ang ginawa niya sa akin. Kahit papaano, nagkaroon ako ng confidence sa sarili kong itsura. Hindi ko lang alam kung gnaon din ang iisipin ni Keith.
Habang papalapit ako kung saan kami magkikita, tumitindi ang kaba na nararamdaman ko. At nang makita ko na siya, bigla akong napahinto.
Alam kong gwapo talaga ang best friend ko. At kahit anong isuot mo sa kanya, kayang kaya niyang dalhin. Pero bakit parang mas gumwapo siya ngayon? Sa suot niyang white longs sleeves na naka bukas pa ang unang dalawang butones, at tinernuhan ng khaki pants, lalong na emphasize ang model figure niya. At teka? Nagpakulay ba siya ng buhok? Ang dating itim na itim na buhok niya, brownish na ngayon.
Hindi ko napansin na nasa harapan ko na siya dahil na-distract ako sa porma niya.
May ngiti sa gwapo niyang mukha at hinagod ako ng tingin. "Ano 'to? Ganito ka ba talaga kaganda?" may pagbibiro na sabi niya.
Sumimangot ako. "Alam mo, hindi matutuwa ang ka date mo ng ganyan." Pero sa loob loob ko, naglulumuhod na ako kay Iroha.
"Ah," sabi niya nang ma realize niya. Pagkatapos tumikhim siya. "I mean, you look really beautiful."
Luminok ako para pigilan ang sarili kong ngumiti. Kaunting salita lang talaga ng lalaking 'to, pakiramdam ko hihimatayin na ako.
"Ano sa palagay mo? Mas okay ba na ganon ko sasabihin? Matutuwa ba siya doon?" tanong niya.
'Oo, pero ako hindi ako natutuwa.'
Pero syempre, hindi ko sinabi sa kanya iyon.
"Natutuwa yung iba kapag sinasabi ko nang ganon. Pero iba kasi siya eh. Gusto kong maiba pag dating sa kanya," dagdag niya pa. Mababakas sa mukha niya na concerned talaga siya sa iisipin ni Kirsten.
Kahit halos pumait ang panlasa ko doon, pinilit ko pa ring ngumiti. "Hindi ko alam kung makakatulong ba 'to, pero gumana siya sa akin. I felt beautiful when you said it."
Parang lumiwanag ang mata niya doon at ngumit siya nang matamis.
Inilahad ko sa kanya ang kamay ko. "Come on, my trial boyfriend! Huwag mo akong bibiguin!"
Kesa sa ma depress ako, kailangan kong tandaan ang misyon ko ngayong araw. At iyon ay ang gawin ang makakaya ko para mabaling sa akin ang pagtingin niya. Alam kong hindi magiging madali, pero kailangan kong subukan.
Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. "Okay, my trial girlfriend! Sisiguraduhin kong magiging masaya ka ngayong araw!"
Maraming beses na kami nag holding hands ni Keith. At tuwing hinahawakan niya ang kamay ko, pakiramdam ko lagi, safe ako. At walang kaibahan ngayon. Pero yung fact na hawak niya ang kamay ko as a lover, nadagdag sa feelings na 'yon kakaibang kilig at excitement.
![](https://img.wattpad.com/cover/227335997-288-k443484.jpg)
BINABASA MO ANG
Next to Your Heart
Ficção Adolescente"Even if my heart won't ever be next to you, I still want to stay by your side." Ang pinakamahirap na uri ng love ay yung uri na alam mong kailan man hindi magkakaroon ng katugon, pero mahirap pigilan. Keith is my best friend. Simula noong anim na...