Chapter 10

23 0 0
                                        


There were two small silhouette facing each other under a mango tree.

Lumapit pa ako nang mas mabuti para makita ko sila nang maayos.

Napatigil ako nang makita ko kung sino sila.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ng sampung taon na si Keith.

Umiling ang sampung taong ako habang pilit na pinipigilan ang mga luha niya. "Hindi ako umiiyak."

Hinawakan siya ni Keith sa magkabilang pisngi. "Anong hindi? Basa ang cheeks mo oh."

Nang magtagpo ang mga mata nila, lumakas ang iyak ng batang Lilian.

"Sabi na eh! Sinong umaway sa'yo?! Sabihin mo, susuntukin ko!" galit na sabi ni Keith.

Hinawakan siya sa may manggas ni Lilian habang umiiling. "Walang umaway sa'kin Keith. Wag kang makikipag suntukan, please."

Bumuntong hininga si Keith, pagkatapos pinunasan ang pisngi niya. "Eh bakit ka umiiyak?"

Napayuko ang batang ako. "K-kasi...kasi hindi ako marunong sumayaw," bulong niya. "Nagpractice kami kanina. Yung sasayaw na si Cinderella at yung prince. Ang sabi nila...hindi daw ako pwedeng sumali. Kasi...kasi hindi daw ako marunong sumayaw. Pero gusto kong sumali kasi ang ganda ng gown," humihikbi na ngayong kwento niya.

Hinawakan siya ni Keith sa magkabilang balikat. "Yun lang pala eh!"

"Ha? Pe-pero—"

Tinakpan ni Keith ang bibig ng batang ako. "Nasa harap mo kaya ang pinaka magaling na dancer sa buong mundo! At dahil friends tayo, tuturuan kitang sumayaw, yung mas magaling pa kay Cinderella!" nakangising sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ng batang ako. "Talaga? Kaya mo 'yon?"

Tumango si Keith. Pagkatapos, inilahad niya ang kamay niya. "Princess?"

Napangiti rin ako kasabay ng batang ako. Pagkatapos, ipinatong niya ang kamay niya sa palad ni Keith.

Ipinatong ni Keith ang kamay ni Lilian sa balikat niya, ang isang kamay naman, hinawakan niya. "Diba ganito 'yung sumasayaw sa Cinderella?"

Tumango ang batang ako.

They danced slowly along with the imaginary music. Nang humakbang sila, bahagya pang natapilok ang batang ako kaya napakapit siya nang mahigpit kay Keith.

"Wag kang matakot mag step. Kapag natumba ka, sasapuhin kita," confident na sabi ni Keith.

Ngumit ang batang ako dahil doon at mas relax na siyang gumalaw. Pagkatapos, pinaikot siya Keith na ikinatuwa niya naman.

Habang tumatagal, nakakasabay na ang batang ako sa sayaw ni Keith.

Kumislap ang mga mata ni Keith at ngumiti kay Lilian. "Do you want to fly?" tanong niya.

"Fly? Pero si Peter Pan 'yon, hindi si Cinderella," tumatawang sabi ng batang ako.

"Diba sabi ko, mas magaling pa kay Cinderella? Kaya bang mag fly ni Cinderella?"

Umiling ang batang ako.

"Do you want to fly?" pag uulit ni Keith.

Ngumiti na ang batang ako. "Yes," she answered with a twinkle in her eyes.

Ngumisi si Keith. "Let's fly!"

Bumilis ang pagsayaw nila doon. He swayed with her and twirled her like a leaf dancing in the wind. Umikot sila nang umikot sa ilalaim ng puno.

Next to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon