What is the worst way possible to torture an already wounded heart?
Iyan. Iyang nasa harapan ko. Si Keith at Kirsten na sobrang lapit sa isa't isa habang pinapanuod at ginagaya ang clip ng sasayawin namin.
Hinawakan ni Kirsten ang kamay ni Keith, pagkatapos 'yung isang kamay niya nasa likod naman ni Kirsten. "So, after ng waltz, iikot tayo habang ako ay nasa ere. Nasa kamay ko 'yung pwersa para mabuhat mo ako."
Nagawa na nila yung waltz part, kaya nandoon na sila sa paikot ikot na part.
Siniko ako ni Nate. "Ang galing nila no. Ilang araw nating sinusubukang gayahin, pero hindi natin makuha. Pero sila, ilang minuto pa lang, nakukuha na nila."
"Mm..." lang ang isinagot ko.
Sa totoo lang, kahit gano ka-torture sa akin ito, hindi ko magawang alisin sa kanila ang paningin ko.
Bagay sila.
Habang pinapanuod ko sila, parang nakikita ko talaga si Troy at Gabriella sa kanila. They're in sync.
Napapitlag ako nang may maramdaman akong humawak sa kamay ko.
"Sundan daw natin sila sabi ni Ms Sha," nakangiting sabi ni Nate.
Tumango ako, pero bago tumayo dumukot muna ako sa bulsa ng pang-ipit ng buhok. Itinaas ko ang buhok ko para hindi ito tumama sa mukha ko mamaya.
Pero na-conscious ako bigla dahil bumaling ang tingin nila sa akin. Binilisan ko dahil doon.
Tumawa si Nate. "Ang gulo. May mga hindi ka naisama."
Nag init ang pisngi ko at dali daling sinubukan ayusin 'yon.
Nagulat ako nang lumipat sa may likuran ko si Nate at kunin sa kamay ko ang panali. "Ako na. Hindi ako nilagay sa costumes and make up para sa wala," sabi niya bago suklayin ng daliri niya ang buhok ko at ipunin 'yon.
Napayuko lang ako sa hiya. Hindi ako sanay na may ibang humahawak sa buhok ko. Lalo na, lalaki pa.
"Ay wow naman, ang sweet," tumatawang komento ni Kirsten. "Mukhang may karibal si Charles ah."
"Bawal ang relationship sa pagitan ng drama club members! Kaya team Charles ako. Sorry Nate," pabirong sabi ni Ms Sha sabay kindat sa akin.
"Don't worry Ms Sha, wala akong balak makiagaw doon. Sa height pa lang 'non, tiklop na'ko," tumatawang sabi ni Nate.
Ako naman, hindi alam kung saan titingin. Akala ko, hindi na mauungkat dito 'yon. Oo nga pala, pag kay Charles na involve tiyak magiging usapan.
Mabuti na lang at natapos na agad si Nate. Kaya umakyat na rin kami ng stage.
"Tch, anong team team? Ano palagay nila, prize ka na pwedeng mapanalunan?" narinig kong bulong ni Keith nang mapadaan ako sa harap niya.
Bago pa ako makapag react, nandoon na siya kay Kirsten.
Napakagat ako ng ibabang labi para pigilan ang sarili kong habulin siya. Keith is still concerned to me. Napatunayan ko iyon noong ihatid niya ako minsan sa bahay. Pero kapag hinayaan ko siya, babalik na naman kami sa dati.
Humarap ako kay Nate at hinawakn siya sa kamay. At doon, nagsimula na kaming sundan ang ginagawa nila.
Hindi ako pwedeng madistract. Kaialngang mai-perform namin 'to nang maayos.
"Maglapit pa kayo ng kaunti. Tapos huwag sa bewang ang hawak Nate, sa may likod dapat ng balikat. Lilian, katulad ng ginawa ni Gabriella, iga-guide mo sa may likod mo ang kamay niya," sabi ni Keith.
BINABASA MO ANG
Next to Your Heart
Teen Fiction"Even if my heart won't ever be next to you, I still want to stay by your side." Ang pinakamahirap na uri ng love ay yung uri na alam mong kailan man hindi magkakaroon ng katugon, pero mahirap pigilan. Keith is my best friend. Simula noong anim na...
