Chapter 3

7 1 0
                                    

Tinitigan ko ang kisame ng kwarto ko. Kahit masakit ang mata at ulo ko, nakayanan kong hindi kumurap ng halos isang minuto.

Why can't you see?
You belong with me.

Pinatay ko ang music ng cellphone ko at isinibaob ang mukha ko sa unan.

Dalawang oras lang ang tulog ko. Unang una, dahil hindi ko makalimutan si Keith at Kirsten. Kaya para i-distract ang sarili ko, nagbasa ako ng libro.

Pero hindi ko alam kung na-distract nga ba ako o lalo lang naalala ang sitwasyon ko. Binasa ko kasi 'yung Windfall ni Jennifer Smith. Inabot ako ng halos alas-4 sa pagbabasa.

Ang heroine doon ay isang taong hindi naniniwala sa swerte, pero naniniwala sa pag ibig. At ang pag ibig na iyon ay ang, syempre, best friend niya.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang ganito. Pero mas gusto kong nagbabasa 'nung mga librong tungkol sa best friends na naging lovers. Parang iyang Windfall, Always You, Love Rosie, at iba pang ganon ang theme. Sa music ganon din. You Belong With Me, Complicated, 1000 times, at iba pa.

I kept imagining myself in their shoes. Ganon din kaya kami? Kapag hinalikan ko siya, ganon din ba siya magrereact? Lahat ng story na na 'yon, mayroon lang na manipis na sinulid. At naglakas loob ang isa sa kanila na putulin iyon.

Yung sa amin ni Keith? Isa ba iyong manipis na sinulid? O isang napakalaki at napakakapal na pader?

Pakiramdam ko tuloy minsan, ang pathetic ko. Gusto kong makita niya ako as potential partner. Pero hindi ko naman kayang maglakas loob umamin.

Ano ba ang dapat kong gawin? Makuntento na lang sa ganito? Tanggapin na lang?

Bumangon ako at gumayak na.

Wala akong mapapala kung mag iisip lang ako nang ganito.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Napahinto ako sa harapan ng bahay nina Keith.

Paano ko siya haharapin? Paano ko siya kakausapin? Nag-practice na'ko ng ilang bese sa harap ng salamin kanina, pero iba pala kapag actual na.

Huminga muna ako nang malalim bago kumatok.

Si tita Elisa, mama ni Keith, ang nagbukas ng pinto.

Halata ang gulat sa mukha niya. "Oh Lilian! Bakit nandito ka pa? Akala ko sabay kayong pumasok ni Keith kanina?"

"Pumasok na po siya?" tanong ko.

Tumango si tita. "Nagulat nga ako kasi nagising siya nang maaga mag isa at unalis nang maaga eh."

"Hindi niya po ako sinabihan."

"Nakakapagtaka ah," sabi pa niya. "O siya, naka maabutan mo pa siya."

Nagpasalamat ako kay tita Elisa bago dali daling umalis.

Nakakapagtaka nga ah. Ano kayang nangyari sa lalaking 'yon?

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Pagkadating ko sa school, napahiyaw ako nang may biglang tumusok sa tagiliran ko.

"Hi Lil!" nakangising bati sa akin ni Keith.

"Buwisit ka! Muntik na'kong atakihin sa puso sa'yo," inis na sabi ko sa kanya.

Patalon siyang pumunta sa harapan ko habang nakangisi pa rin. Pagkatapos, pinisil niya ang mga psingi ko. "Wah~ ang ganda talaga ng best friend ko!" masayang sabi niya.

Next to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon