Chapter 9

11 0 0
                                        

Kinabukasan, sinalubong ako ng ngisi ni Iroha.

"Kumusta?" sabi niya habang tumataas taas pa ang kilay.

Inismiran ko siya. "Wag mo akong kausapin."

"Hala!" Kumapit siya sa braso ko. "Huy wag ka nang magalit."

"Kaya ko naman kasing umuwi mag isa 'no! Bakit ba dinamay mo pa si Charles?"

Ngumiti si Iroha. "Concerned lang naman ako sa'yo eh. Baka sumumpong na naman 'yung anemia mo, edi gg ka!" Tapos iniharap niya ako sa kanya. "Bakit?! Ano bang nangyari?! Kwento na dali!"

Bumuntong hininga ako. "Ayun, nalaman niya na ang ganap sa'min ni Keith."

"Tapos?"

Tiningnan ko siya sa gilid ng mata. As expected, ang lawak ng ngiti niya. "Wala. 'Yun na 'yon."

Sumimangot siya dahil doon. "Ay ano ba yan."

Humarap ako sa kanya. "Iroha, alam ko ang binabalak mo. At alam kong para sa kapakanan ko kaya mo ginagawa 'yon. Pero sana maintindihan mo rin na hindi pa ako handa. Fresh pa eh. Please wag mo munang i-push. Okay?"

Natahimik si Iroha na parang iniisip ang sinabi ko. Tapos maya maya, hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry. Ang insensitive ko doon."

Ngumiti ako doon at hinawakan din ang kamay niya.

Hindi naman sa ayaw ko kay Charles. Pero sa totoo lang, pakiramdam ko kasi hanggang ngayon, pinagtitripan lang talaga niya ako, o kaya naman naaawa siya sa kalagayan ko kaya palagi siyang lumalapit sa akin. Isa pa, totoong hindi pa talaga ako handa.

"Nga pala, kumusta rehearsals? Nagpaalam na'ko kay Ms Sha noong isang araw, pero hinanap niya ba ako?" pag iiba niya ng usapan.

Sumimangot ako nang maalala ko ang usapan namin kahapon ni Ms Sha.

Kumapit ako sa braso ni Iroha. "Iroha, help me! Ikaw na lang please!"

"Ha? Ako saan?"

Ikunwento ko sa kanya yung about sa opening ng Musical Drama Competetion. At 'nang matapos ako, tawa siya nang tawa.

"Omg! Excited na'kong makita 'yon!" tuwang tuwa na sabi niya.

Napamaang ako. "Mapapahiya lang ako doon! Kaya please, ikaw na lang!"

Pinaningkitan niya ako. "Sige, ikaw pumalit sa role ko sa play natin! Ako pa naman ang villainess. Ano, payag ka?"

Napatikom ang bibig ko doon. Mas mahirap yata 'yon.

Inakbayan ako ni Iroha. "Kayang kaya mo 'yon! Hindi ba sabi mo, noong elem ka, kasama ka sa cast ng plays 'nyo? Parang ganon lang din yan."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo kasama ako. Kung hindi puno, ulap, o kaya naman napadaan lang."

"Eh yung ngayon ba? Anong role mo?"

"Hindi ko pa alam. Wala pang ibinibigay si Ms Sha. Pero musical din daw. So it's either sasayaw ako, kakanta, or both." Dumukdok ako sa arm chair. "Script writer lang naman kasi ako eh."

Tumawa si Iroha. "Well girl, ikaw na ang star ngayon. I believe in you."

Napasabunot na lang ako sa sarili ko doon. Na lalo naman ikinatawa ni Iroha.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Can I Have This Dance ng High School Musical 3.

Oo, yung sayaw na may paikot ikot ni Troy at Gabriella sa rooftop at doon sa nilipatang school ni Gabriella. Iyon ang ipeperform namin.

Next to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon