Chapter 7

15 0 0
                                        

"Here. Inumin mo daw kasama ng tablet," sabi ni Charles at iniabot sa akin ang isang baso ng tubig na may gamot.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat."

Tumango siya at umupo sa may gilid ng bintana ng infirmary.

Ako naman, nakaupo sa may kama. 'Nang malaglag sa akin yung mga plywood, nawalan ako ng malay at nung nagising ako si Charles at Iroha na ang nadatnan ko sa tabi ko. Umalis sandali si Iroha para kunin ang mga gamit ko sa locker at classroom. Halos maghapon pala akong tulog. At ngayon nga, mag uuwian na.

Ang sabi ng school nurse, wala naman daw akong serious injury. Mayroon lang akong maliit na sugat at bukol sa noo. Nag collapse daw ako hindi dahil sa pagkakabagsak ng plywood, kundi dahil sa anemia. Pahinga lang daw ang kailangan ko.

Medyo nahihilo pa ako at masakit ang sugat ko. Pero wala iyon kumpara dito sa nararamdaman kong sakit ng damdamin. Hanggang ngayon malinaw na malinaw pa rin sa akin ang pangyayari kanina. Kung paano niyakap ni Keith si Kirsten para sanggahin ang mga kahoy.

"Lilian?" maya maya sabi ni Charles. "Kanina pa nasa labas si Keith. Papapasukin ko na ba?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango.

Tumayo si Charles at lumabas ng infirmary.

Actually, aware ako na kanina pa si Keith nadoon. Alam ko dahil may mga pagkakataon na nalilingat ako at nakikita ko siya na sumisilip para i check ako.

Pagkabalik ni Charles, kasama na niya si Keith.

Bumalik si Charles sa may bintana, si Keith naman, umupo sa upuan sa gilid ng kama ko.

Hindi maipinta ang mukha niya. He looks guilty at the same time, sad. Laylay din ang balikat niya at gulo gulo ang buhok. May benda siya sa kaliwang braso at may sugat din siya sa ibabang parte ng labi niya. Nakuha niya rin siguro kanina sa pagsangga kay Kirsten.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Nagpilit akong ngumiti. "Ayos lang ako. Wala lang 'to."

Kinuha niya ang kamay ko. "Sorry. I'm so sorry Lil," basag ang boses na sabi niya.

Kumurap ako para pigilan ang luha ko. Kasabay non, marahan kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Wag kang mag sorry. Hindi mo kasalanan 'yon."

The pain in his face did not disappear. "Lil..."

"Okay lang talaga ako Keith. Huwag kang mag alala." Nag iwas ako ng tingin. As I thought. Masakit kahit tingnan lang siya. I can't do this.

Hinawakan niya ang dalawa kong braso. "Uwi na tayo. Bubuhatin kita."

Tahasan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "No." Pagkatapos tumingin ako sa kamay ko para iwasan ang tingin niya. "Ang sabi ni Charles, ihahatid niya ako ngayon."

"Huh?" may pagtataka na sabi niya. "Pero mas madali kung ako ang maghahatid sa'yo."

Hindi ako sumagot sa kanya. Tumingin lang ako kay Charles para humingi ng tulong.

Naintidihan niya naman iyon kaya tumayo siya at ipinalupot ang bisig ko sa may leeg niya at pinasan ako.

Ipinatong ko ang pisngi ko sa may likod niya para iwasan ang tingin ni Keith.

Hindi ko alam kung anong ekspresyon niya ngayon. Pero kahit ano pa yon, wala na dapat akong pakialam.

"Don't worry. I'll take her home safely," sabi ni Charles.

Hindi ko na narinig sumagot si Keith hanggang sa makalabas kami ng infirmary.

Nang nasa labas na kami, "Sigurado kang okay lang 'yon?" tanong ni Charles.

Next to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon