Chapter 4

8 0 0
                                    

Hindi ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako papalit palit ng pwesto, pero hindi pa rin ako inaantok. Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina sa school. Iyong sinabi ko kay Keith.

Napuno ako. Simula palang noong umaga na hindi kami sabay pumasok dahil sinundo niya si Kirsten, hanggang doon sa narinig kong pag uusap nila ni Shane. Kaya noong nabanggit niya si Kirsten, nagdilim ang paningin ko.

Pero hindi niya kasalanan 'yon. Lahat ng ginagawa at sinasabi niya, makatwiran at valid. Nasa akin ang problema.

Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit nasabi ko iyon sa best friend ko? Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya bukas.

Gumulong ako sa kabilang side ng kama ko.

Bumabalik balik sa isip ko ang mukha niya pagkatapos ng sinabi ko. Nasaktan siya. Hindi lang 'yon, binigyan ko rin siya ng clue tungkol sa nararamdaman ko.

Paano na 'yan? Ano nang gagawin ko?

Paano kay kung sabihin kong biro lang 'yon?

Pero halata namang hindi biro 'yon eh.

Sabihin ko kayang hindi ako 'yon at doppelgänger ko lang?

That sounds absurd.

Ano kaya kumbinsihin ko na lang siyang nananaginip lang siya nung pagkakataong 'yon?

Psh. Hindi niya paniniwalaan 'yon. Manhid lang siya pero di siya tanga.

Napasapo ako ng ulo at nagpagulong gulong sa kama. Ang sakit nito sa ulo.

Nahulog ako sa kama nang may kumatok sa may bintana ko.

Napalunok ako. Isang tao lang ang gumagawa niyan.

At katulad ng inaasahan ko, bumungad sa akin si Keith pagkabukas ko ng bintana.

Bahagya siyang nakayuko at laylay ang balikat niya. Para siyang nawawalang tuta sa itsura niya. Itinaas niya ang plastic na hawak niya.

Pinapasok ko siya.

Pagkatapos, pareho lang kaming walang imik na umupo. Siya sa sahig, ako naman sa kama.

"Lil," pagsisimula niya.

Tumingin ako sa kanya at doon ko nakita kung gaano siya naapektuhan sa sinabi ko kanina.

Umupo siya sa may harapan ko at tiningnan ako ng diretso sa mata. "Nagiging masyado na ba akong makulit at pabigat sa'yo? Kung ganon nga, I'm so sorry," malungkot na sabi niya. "Please wag ka nang magalit sa akin."

Na-guilty ako nang sobra to the point na gusto ko nang umiyak. His sad face is breaking my heart.

Tingnan mo kung anong ginawa mo sa kanya!

Bumaba ako ng kama at umupo sa may harapan niya. Pagkatapos, ipinatong ko sa ulo niya ang kamay ko. "Hindi ganon Keith. Wala kang ginawang mali. Kasalanan ko lahat. Pangit ang gising ko kaya bad mood ako at nasakto lang na nandoon ka kaya napagbuntunan kita." Hinimas ko siya sa ulo. "Sorry dahil nasigawan kita."

"Talaga? Hindi ako nagiging pabigat sa'yo?"

Ngumiti ako. "Hindi. Kahit kailan hindi ka naging pabigat sa'kin."

"Hindi ka na galit?" dagdag niya pa.

Natawa ako doon. "Nagpapa-cute ka na lang yata eh."

Ngumisi siya. "Bakit? Hindi ba effective?"

Hinampas ko siya sa balikat. "Baliw ka!"

Nagulat ako nang sa halip na tumawa, niyakap niya ako. "Seryoso ako. Natakot ako kanina na baka tuluyan ka nang nagalit sa'kin."

Next to Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon