My heart felt a little lighter pagka-gising ko ng umaga. Actually, hindi pagkagising. Wala akong tulog dahil sa kakaisip. Pero ngayon, nag-come up na ako sa bagong desisyon.
Makikipagbati na ako kay Keith. Siguro hindi na kami makakabalik sa dati, pero willing akong makipag-kaibigan ulit sa kanya. At least doon, hindi ako malayo sa kanya. Hindi rin ako ganon kalapit para masaksihan ang love life niya sa iba.
Yep, I'll play safe, for now.
Palabas na sana ako ng kwarto, nang biglang pumasok si mama na namumutla. "Lian! Si Keith!"
Pakiramdam ko nahulog ang puso ko sa takot na itsura ni mama.
"Nasa ospital!"
Nanlaki ang mga mata ko doon. "Ha?! Ano pong nangyari sa kanya?!"
"Kakatawag lang ng mama niya . Ang sabi naaksidente raw!"
Parang nagshut down ang utak ko doon. Nanginginig na dinampot ko ang bag ko at dali daling lumabas.
"Sandali anak! Sasama ako," narinig kong habol ni mama.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Pagkadating namin sa ospital, nadatnan namin sa labas ng kwarto ang mama ni Keith.
Tila pagod na pagod siyang ngumiti sa amin.
"Ano pong nangyari sa kanya?!" nag aalalang tanong ko.
Ipinatong ni tita ang mga kamay niya sa balikat ko. "Okay na ang lahat. Meron lang syang fracture sa binti niya at kaunting sugat. Tulog siya sa ngayon dahil sa mga pinainom na gamot sa kanya."
Pinagpawisan ako ng malamig. "Is it..." lumunok ako "...really bad?"
Kapag kasi malala ang naging fracture niya, baka hindi na siya makasayaw pa.
Para namang nabasa ni tita ang iniisip ko. She squeezed my shoulder. "Huwag kang mag alala, hindi naman siya permanent. Kailangan niya lang ng pahinga."
I sighed out of relief. "Pwede ko po ba siyang makita?"
Ngumiti siya. "Tulog pa siya, but go ahead."
"Anong nangyari?" narinig kong tanong ni mama bago kao pumasok.
Bumuntong hininga si tita. "Ang sabi ng kaklase 'nya, bigla na lang daw syang umalis kagabi sakay ang motor 'nya. Ayun, he crashed with a car. Tumilapon 'sya..."
Hindi ko na narinig ang mga susunod dahil isinarado ko na ang pinto.
At hayun nga siya sa hospital bed, may swero, at bandages sa katawan. Kahit sinabi ni tita na ayos na 'sya, he still looks awful. Kahit sa braso at mukha niya, may mga sugat siya.
Hindi nawala yung bigat sa pakiramdam ko ngayong nakita ko siya. Para magkaganito ang kalagayan niya, hindi simpleng banggaan lang ang nangyari.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan ang kamay niya.
Naaksidente siya kagabi. Maaring ilang minuto lang 'yon pagkatapos ng sayaw namin.
"You're so stupid. Nakakainis ka," bulong ko. "Pinag alala mo ako nang sobra, alam mo ba?"
Lumapit ako nang kaunti para abutin ang pisngi niyang may benda. "Tingnan mo kung anong nangyari sa'yo. Bakit ba kasi hindi ka nag iingat? Paano kung mas malala pa dito ang inabot mo?" tanong ko at nagsimulang mag init ang sulok ng mga mata ko.
I knew it was so close. Hindi ko ma-imagine kung anong mangyayari kung mas malala pa dito ang nangyari. Kung ganon, maaaring yung sayaw namin ang huli na naming pag uusap. And to think I chose to walk away from him, I'm the worst.
"I walked away from you. Ngayong naisip ko 'yon, ako yata ang stupid sa ating dalawa." Umiling ako. "No. I really am the stupid one. Muntik ka nang mawala sa akin. Muntik ka nang mawala sa akin nang ganito tayo. Ni hindi ko pa nga sinasabi ang nararamdaman ko eh." I'm sobbing now. Nagsisikip ang dibdib ko dahil sa pagsisisi. "Wala kang ginawang mali, Keith. You're the most wonderful person I know. Lahat ng nangyari sa atin, wala kang kasalanan doon. Lahat nang ''yon ay dahil sa pagiging makasarili ko. You suffered because of my selfishness."
Nagsimulang maglandas sa pisngi ko ang mga luha. "Noong gabing umakyat ka sa kwarto ko, at kagabi na sumayaw tayong dalawa, na-realize ko kung gaano kita pinahirapan. Sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ko man lang isinaalang alang and nararamdaman mo. Pero kahit na ganon, gusto mo pa rin akong maging best friend m0. Gusto mo pa rin ako sa buhay mo."
"Please come back to me."
I ignored those words. Ilang beses ko siyang nireject dahil lang hindi niya mabigyan ng katugon ang nararamdaman ko.
Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Kagabi itinanong mo sa'kin kung na mimiss kita kahit kaunti lang." Ngumiti ako. "I miss you everyday, ever hour, and every minute. Palagi kong itinatanong sa sarili ko kung tama ba ang ginawa ko. Na mimiss ko lahat lahat ng tungkol sa atin. Those playful banters, those MJ night with ice creams, kahit yung pamimilit mo mag sleepover," I chuckled. "And to think I made you doubt that. I'm so sorry Keith. Patawarin mo ako sa pagiging selfish ko."
Huminga ako nang malalim para tanggalin ang bigat sa dibdib ko. "Hindi na ako magiging makasarili. I will be by your side as you asked. And I will support you and your love with all of my heart. Just let me stay by you again and I won't ask for more."
Tumingkayad ako parang ilapit ang mukha ko sa kanya. "Pero sana, hayaan mo muna akong sabihin 'to kahit ngayon lang," bulong ko. Pagkatapos huminga ako nang malalim. "Keith I....I have always..." Lumunok ako at napapikit.
As I thought. Hindi ko 'to kayang sabihin nang harapan sa kanya. Lalo na ngayong natutulog siya at hindi niya naririnig. It's disrespectful to him and his feelings. At alam kong mas mahihirapan akong pakawalan siya once na lumabas 'yon sa bibig ko.
Ngumiti ako. "Gusto kong malaman mo kung gaano ako kaswerte na nakilala kita. Your little beautiful heart saved me back then. At ang lumaki sa tabi mo, napatunayan ko kung anong klaseng tao ka. You're wonderful in every meaning of it. Alam kong hindi ko maabot ang lugar na 'yon sa puso mo, pero yung hayan mo akong manatili sa tabi mo, sobra sobra na para sa akin," sa halip sabi ko bago kinintalan siya ng halik sa noo.
Alam kong hindi ko agad 'to matatanggal sa puso ko. Just looking at him makes my heart flutter. Pero masasapatan na ako doon. Magiging masaya na ako doon.
Love wasn't supposed to be greedy. It was supposed to be given without waiting for something in return. And I'll do just that.
Tumayo ako at pinahid ang luha sa mga mata ko. "Simula ngayon, gagawin ko lahat ng makakaya ko para suportahan ka. I will cheer you on, and be the best friend you need. Hindi na kita bibiguin, Keith. I promise," nakangiting sabi ko.
Pagkatapos 'non, lumabas ako ng kwarto niya na may bagong desisyon. That's right. I'll be his best friend and won't ask for more. Susuportahan ko siya at wala na akong pakialam kahit ano man ang consequences non sa puso ko. Sapat na sa akin na makita siyang masaya. Because he deserves it. He deserves everything good in this world.
•••••••
A/n: I know the song is in chinese, pero feeling ko kasi fit sya sa scene na 'to. It's so heartwarming at the same time, heartbreaking. I wrote this scene listening to that haha. You can skip it kung hindi ka comfortable tho ;). I just love the movie Our Times <3. Share lang :D
BINABASA MO ANG
Next to Your Heart
Teen Fiction"Even if my heart won't ever be next to you, I still want to stay by your side." Ang pinakamahirap na uri ng love ay yung uri na alam mong kailan man hindi magkakaroon ng katugon, pero mahirap pigilan. Keith is my best friend. Simula noong anim na...