(June 16, 2019)
Ang pagmahahal ay hindi basta basta
Hindi yan ibinibigay sa sino ang una mong nakita
O kung sino ang pakiramdam mo ay mas makata
Kaya kang pakiligin sa mabubulaklak niyang salita
Kaya teka naman muna, papayuhan kitaIsa kang babae, dapat respetuhin ng bawat lalake
Hindi dapat iyon nakabase sa iyong imahe
Mataba, payat o kahit mukha ka pang di makatae
Maputi, maitim o kahit pa kulay tsokolate
Respeto ay dapat taglay ng isang tunay na lalakeIsa kang lalake, kampon ni Adan
Wag mong hayaang sa salita lang idaan
Dahil kung talagang tunay ang nararamdaman
Gumawa ka dapat ng paraan
Huwag hahayaang babae ay masaktanIkaw babae, sarili'y iyo munang yakapin
Ang bawat kapintasan mo'y iyo munang tanggapin
Ang bawat kahinaan mo'y iyo munang kilalanin
Ang mga takot mo'y iyong alamin
Gawin mo yan para sa sarili, bago ang iba ay mahalinIkaw lalake, damdamin mo'y iyo munang siguraduhin
Garantiyahin na ikaw ay dapat na ngang mahalin
Hindi naman kailangan ng regalong mamahalin
Hindi rin kailangan ng mukhang artistahin
Katapatan at pagpapahalaga - yan ang dapat taglayinWala namang mali kung gusto mo talaga siya
Kaya lamang ay dapat maigting ang iyong pagpapasya
Kapag sinabi mong mahal mo, mahal mo dapat talaga
Hindi pwedeng siya ngayon tapos bukas iba na
Hindi naman iyon tama at hindi iyon dapat ginagawaBabae man o lalake, wag kayong magpapakatanga
Alam na ngang niloloko na, gustong-gusto pa
Gustong-gusto masaktan, eh kung hambalusin kaya kita?
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang halaga
Hindi ka ginawa ng Diyos para saktan lang ng ibaWala naman talagang taong perpekto,
Pero may taong may respeto
Huwag gawing bisyo ang pananakit ng ibang tao
Huwag paasahin ang isang tao kahit pa iyon ang uso
Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo ng diretsoTunay ngang kapag nagmahal ka ay hindi mo mapipili
Hindi mo alam kung sino ang makakahuli ng iyong kiliti
Pero kaya ko naman uuliting muli,
Maging mapanuri
Huwag magpapadala sa pagkukunwariAng pagmamahal ay isang bagay na napakaganda
Huwag sanang bahiran ng anumang masama
Ito ay isang positibong bagay na dapat ibahagi sa iba
Magmahalan tayong lahat upang buhay ay sumagana
Pasensya na, dito ko na tatapusin itong tulaHindi ako perpekto pero sana may napulot ka
BINABASA MO ANG
Thoughts turned into Poetries
PoesíaWelcome to my poetry world! These are random thoughts, and sometimes memories that makes me just wanna write. -- 5.31.2020