9. Hindi ka pa Sapat

78 4 0
                                    

(yr 2018)

Sabi nila, "kapag mahal mo, ipaglaban mo"
Sabi nila, "kapag mahal mo, aalagaan mo"
Sabi nila, "kapag mahal mo, ipakita mo"
Sabi nila, "kapag mahal mo, wag mong sukuan"

Kapag mahal mo, ipaglaban mo
Hindi mo dapat siya ikahiya sa iba
Hindi mo dapat siya itago na parang siya ay kakaiba
Kapag nasasaktan siya, higit na nasasaktan ka

Kapag mahal mo, alagaan mo
Mahalaga pa ba sa'yo ang nararamdaman niya?
Iniintindi mo pa ba ang mga hinanakit niya?
Napapasaya mo pa ba siya?

Kapag mahal mo, ipakita mo
Kung may mga bagay siyang hindi maintindihan, ipaintindi mo
Kung may mga bagay na hindi mo maintindihan, intindihin mo
Kung mayroon nang mga pagkukulang, takpan mo

Kapag mahal mo, wag mong sukuan
Wag na wag mo siyang hahayaang lumayo at magpaalam
Sabihin mong mahal mo siya at kailangan mo
Yakapin mo siya ng napakahigpit at sambitin ang mga katagang nais niyang marinig

At kapag nagawa mo na ang lahat
Kapag naibigay mo na ang karapat dapat
Siguro tama nang sabihing tama na
Ikaw ma'y naging tapat
Ngunit kaibigan, bitaw na
Sa kanya'y hindi ka pa naging sapat

Thoughts turned into PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon