(yr 2018)
Simulan natin sa wakas
Damhin natin sa bawat balangkas
Ang sakit at pait ng mga salitang:
"Ayoko na, ""Tapos na tayo,","Wala na tayong patutunguhan pa"
Simulan natin sa kung saan muling naging ikaw na lang at akoSimulan natin sa masasakit na salita
Mga luhang di nagtigil sa pagagos
Mga pagsusumamo kahit halos mapaos
Mga palad kong paulit ulit na humahaplos
Simulan natin kung saan tayo nagtaposPuyat pa ang mga mata
Mula sa maghapong pag iyak at pagdalamhati
Ngunit pinilit paring pumunta
Dahil wika mo'y may sasabihing mahalaga
Ngunit mahal, bakit ang tanging salitang tinanggap ko ay paalamNanigas ang katawan at tila tumigil ang paghinga
Mahal, mahal, huwag ka namang ganyan
Alam kong gamit ng iyong mga palad ay kaya mo akong paglaruan
Ngunit mahal hindi mo ba ako kayang mapagbigyan?
Mahal, huwag ka namang ganyanTumawa ako at ngumiti ng pilit
Akala ko'y babawiin mo ang iyo lamang isinambit
Ngunit hindi pala,
Isa na naman palang maling akala
Pagkatapos non ay bigla ka na lamang nawalaNawala na parang pagdaan ng isang bulalakaw sa himpapawid
Saan mang dako ng kalangitan ay hindi na maapuhap
Ni anino ay di na muling nasilayan pa
Nawala na para bang ito ang itinadhana
Nawala na hindi man lang nakapag paalam paHanggang dito na nga lang ba kaya?
Ilang oras, araw, linggo at taon
Naguguluhan man ay umaasa na mayroon pang pagkakataon
Nasasaktan man ay naghihintay ng tamang panahon
Nagbabakasakaling... ikaw ay magbabalikNgunit hindi na pala ako dapat nag abala
Sinayang ang oras sa wala
Kaya ngayon, ikaw ay huwag nang mag alala
Pagkat ako'y tuluyan nang mawawalawa
Tuluyan nang mawawalaMarahil ito nga ang wakas sa ating dalawa
Sa atin na minsan ding nangakong hindi magsasawa
Sa atin na minsan ding napuno ng sobrang saya at tuwa
Ngunit ngayon ay paalam na sa ating dalawa
Pagkat ito na ang simula ko para sa sarili kong nawala
Nawala... nang mahalin kita
BINABASA MO ANG
Thoughts turned into Poetries
PuisiWelcome to my poetry world! These are random thoughts, and sometimes memories that makes me just wanna write. -- 5.31.2020