10. Ako'y Iyong Palayain

84 5 0
                                    

(yr 2017)

Sa simpleng mga galaw, minahal kita
Simpleng mga ngiti, nahulog ako
Simpleng mga salita, napa-oo ako
Oo, tayo na.

Bagay na hindi pala madaling panindigan
Puno ng magulong usapan
Masasakit na pagsasagutan
Hindi alam kung may patutunguhan

Mahal kita, oo, mahal kita
Pero hindi alam kung papaano pa ba
Gulong-gulo na, susuko na ba?
O itutuloy ko pa ba?

Kayo pero parang hindi
Mahal ka pero hindi ka mahalaga
Mahal ka pero bahala ka na
Mahal ka pero mamaya ka na

Teka... tayo pa ba?
Kasi kung oo, bat di subukang iparamdam
Bat di subukang pahalagahan
Bat di punan ang mga kakulangan

Mahal mo pero iyong natitiis
Puso'y parang nililitis
Ano pa bang kailangan?
Mahirap ba talagang panindigan?

Ang mga salitang iyong binitawan
"Mahal kita, hindi kita iiwan."
"Hindi kita sasaktan, hindi kita pababayaan."
Nasaan na ang pagmamahal na ipinangakong magpakailanman?

Hindi ka nga nang iwan
Ngunit puso'y tila pinaglalaruan
Hawak sa iyong mga kamay at paulit ulit ulit ulit na dinudurog
Hanggang sa di ko na makayanan

Ganoon ba ang iyong nais kong maramdaman?
Na sa pagmamahal sa'yo'y kailangan kong masaktan
Pag ibig na puno ng kapangahasan
Tunay na kaligayahan, kalian ko ba makakamtan?

Hindi ko nais ang mawalay sa'yo
Ngunit mahal, palayain mo ako
Sa lahat ng sakit at hinanakit
Kalayaa'y nais ko nang makamit

Palayain mo ako hindi sa paraang iiwan mo ako
Palayain mo ako sa paraang ipapakita mong mahal mo ako
At mahalaga ako, di karapat dapat saktan
Di karapat dapat iwan

Palayain mo ako sa sakit na idinudulot mo
Bigyan ng sapat na pagmamahal at kalinga
Na di man lang sinubukang ibigay noong umpisa
At kung di mapagbibigyan,

Ako'y iyong palayain nang tunay

Thoughts turned into PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon