(June 2022) dedicated to someone whose name starts with letter C
Sa paborito kong takbuhan,
Sa paborito kong tahanan,
Sa paborito kong ikaw,
Mahal kitaHindi ko man laging masabi,
Hindi ko man laging maipadama
Hindi ko man laging maipakita
Pero sa akin, ikaw ay mahalagaWala ako rito kung wala ka,
Ang lahat ay utang ko lamang sa iyo,
Kaya't asahan mong,
Malaki ang ibabayad kong pag-ibigMalayo pa ang lalakbayin natin,
Ngunit panatag pagkat ikaw ang kaakbay namin
Tila anghel na bumaba sa langit,
Upang tulungan kaming pangarap ay makamitTanging hiling ay makita nakikita ng aking mata,
Na sa akin ay halos perpekto ka na,
Ikaw ang lagi kong tinitingala,
At pinapangarap na maging katulad sanaKaya sa mga pagkakataong nakakaisip ng di maganda,
Maalala mo sanang narito kaming minamahal ka,
Ngayon, bukas at sa mga susunod pa,
Sobrang laking pasasalamat na dumating ka
![](https://img.wattpad.com/cover/227354678-288-k209697.jpg)
BINABASA MO ANG
Thoughts turned into Poetries
PuisiWelcome to my poetry world! These are random thoughts, and sometimes memories that makes me just wanna write. -- 5.31.2020