(yr 2017)
Sa mga panahon na nasasaktan ka na
Sa mga panahon na naguguluhan ka na
Sa mga panahon na ayaw mo na
Sa mga panahon na gusto mo nang sumuko
Sa mga panahon na gusto mo nang magalit
Pero hindi pwede, kaya sige
Okay langOkay lang kapag nasasaktan mo ako
Kapag mas pinipili mong paniwalaan ang sarili mo
Kesa ang mga paliwanag at pagsusumamo ko
Kapag humihigit ang pride at ego mo
Kesa ang nararamdaman ko
Kapag ipinaparamdaman mong walang halaga ako
Sige, okay langOkay lang kahit naguguluhan na
Naguguluhan na kung ano na ba
Ano na ba ako sa'yo
Kung mahalaga pa ba ang manatiling tayo
Kung tama pa bang manatili pang tayo
Kasi gulong gulo na ako
Pero sige, okay langOkay lang kahit parang ayaw ko na
Kahit na gusto ko nang bumitaw
Kahit na gusto ko nang humiwalay
Gusto ko nang makaalis
Gusto ko nang sumuko, gusto na kitang isuko
Pero ang mahal ko ay ikaw
Kaya sige, laban pa, okay langOkay lang kahit gusto ko nang magalit
Kahit punong puno na ng sakit
Ang dibdib, ang pait
Kahit na namimilipit
Sa sakit, gusto ko nang sumabog sa galit
Pero ayokong manakit
Kaya sige na nga, okay langOkay lang, sige, oo okay lang
Sana nga okay lang
Kahit hindi, hahayaan ko na lang
Pagbibigyan na lang
Palilipasin na lang
Kasi ang sabi ko okay lang
Kaya dapat okay langPero hindi pala
Ang hirap pala
Itago ang nararamdaman sa pamamagitan ng mga tula
Nais ko na ring magsalita
Nais ko na ring ipahayag
Ihayag ang kinikimkim na sakit at hinanakit
Sa bawat pagbitaw ko ng mga salitang 'okay lang'Pero parang ayoko rin naman
Nais ko pang maramdaman ang lahat ng pagmamahal mo
Nais ko pang makitang maiukit sa dulo ng aking pangalan
Ang apelyido mo
Nais ko pang makita ang magiging itsura
Ng magmamana sa apelyidong tataglayin nating pareho
Kaya oo, okay lang, okay lang talagaSiguro hanggang dito na nga lang talaga
Ang mga sakit at hinanakit,
Sa tula ko na lamang iuukit
Sa mga bituin ko na lang isasambit
Sa mga tala ko na lamang ipapanhik
Pagkat mahal kita at aasa akong maayos pa
Ang kung ano mang meron tayo, dahilan kung bat tayo ipinagtagpoManiniwala ako sa salitang 'tayo'
Maniniwala ako sa'yo, sa pagmamahal na ipinaramdam mo
Maniniwala ako sating dalawa
Maniniwala akong kakayanin natin 'to
Pagkat mahal kita at mahal mo ako
Kaya sige, okay lang
Okay lang
![](https://img.wattpad.com/cover/227354678-288-k209697.jpg)
BINABASA MO ANG
Thoughts turned into Poetries
PoetryWelcome to my poetry world! These are random thoughts, and sometimes memories that makes me just wanna write. -- 5.31.2020