My Superhero!

1.2K 50 63
                                    




BACK STORY ..

Hay naku, andito nanaman ako nagtatago sa likod ng mga puno, sinisiguradong wala na sa harap ng school si James at ang grupo niya. Parati nalang nila akong inaasar, kinukuha pa lahat ng baon ko. Halos araw araw akong gutom dahil sakanila. Nung mapansin kong parang wala na sila, dahan dahan na akong lumakad palapit sa entrance.

Nagulat nalang ako ng biglang may humatak sa bag ko, sumama halos ang buong katawan ko pabalik.

James: " Kala mo makakatakas ka no? Sa tingin mo matataguan mo kami? Sobrang bilis mo kayang mahanap, ikaw lang naman ang naglalakad na stick sa buong iskwelahan natin e."

Dale: "Ano nanaman bang gusto mo ha!"

James: "Ano pa nga ba, edi gawin mo yung math assignment ko, eto notebook ko oh, at akin na yung baon mo!"

Dale: "Gagawin ko yang assignment mo pero hindi ko na ibibigay sayo ang baon ko."

James: "Bakit? Tinatanong ko ba ang opinion mo? Hindi ko hinihingi baon mo, kinukuha ko, kaya akin na!"

Dale: "Ano ba, akin na nga tong bag ko! Pinaghihirapan ng lola ko ihanda ang baon ko araw araw, pero hindi ko naman nakakain dahil sa mga timawang katulad mo!"

James: "Anong sabi mo! Akala mo ba porket babae ka hindi kita papatulan ha!"

Umamba ito na para bang sasaktan ako.

Donny: "Hoy! Bitawan mo nga siya!"

James: "Oh boy baboy, ano naman ginagawa mo dito? Pagtatanggol mo to?"

Donny: "Wala ka naba talagang magawa sa buhay mo? Hindi kaba binibigyan ng baon ng nanay mo?"

James: "E ano bang pakialam mo ha?"

Donny: "Kung gusto mo baon ko nalang ang kunin mo-"

James: "Hahaha sabagay, mukhang busog na busog ka naman lagi, alam mo bagay kayo, para kayong number 10, isang stick at isang botchog!"

Dale: "Ito na ang baon ko, pwede bang tigilan ninyo nalang kami?"

James: "Hindi, parang papalag yata tong si boy baboy e."

Donny: "Akala ninyo ba matatakot ako sainyo?"

Unti unting lumapit ang grupo nila sa batang sumagip saakin. Isang malakas na kalabog nalang ang narinig ko, tapos naka higa na sa lapag ang batang tumulong saakin, buti nalang at bigla ng nag bell, nagsitakbuhan ang grupo nila James. Nakita ko ng lumabas si Mrs. Fajardo sa room kasama si Sir Mangahas, Nakita nito ang nangyari at sinubukang habulin sila James para kausapin. Tinulungan naman kami ni Mrs. Fajardo na maitayo uli ang batang tumulong saakin.

Dale: "Okay ka lang ba? Naku, dumudugo yung labi mo, grabe talaga sila James."

Mrs Fajardo: "Hindi na talaga napipigilan ang kalokohan ni James, kailangan ko na talagang ipatawag ang mga magulang niya."

Donny: "Huwag na po ma'am, sa tingin ko ay wala rin naman pong dadating na magulang niya kahit gawin ninyo yun. Kapit bahay ko po sila, parati pong wala ang mga magulang niya, madalas nga po ay mag isa lang siya sa bahay nila. Siguro kaya po siya ganun, kulang sa pansin."

Napatingin nalang ako sakanya, kahit na nasaktan na siya ni James, mas pinili niya paring subukang intindihin ang dahilan nito.

Pagkatapos kaming kausapin ni Mrs Fajardo, naisipan kong hatian siya ng baon na hinanda para saakin ng lola ko. Ginataang langka at puso ng saging, sa mainit na kanin!

Donny: "Huwaw! Mukhang masarap!"

Dale: "Masarap talaga yan no! Niluto yan ng lola ko, hindi kapa ba nakakatikim niyan?"

How To Love A Superstar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon