Dale's POV:Sobrang excited ko para sa weekend trip namin ni Donny, nagbook kami ng accommodation sa Laiya Batangas, Lilipas na kasi ang summer na hindi man lang kami nakapag bakasyon dahil sa sobrang dami ng commitments niya. Meron akong mga interviews for next week, kaya sakto narin tong weekend na makapag spend kami ng oras ng magkasama. Actually sa sobrang excited ko nga nakapag impake na ako agad. Kahit may 3 araw ba bago kami umalis.
Reese: "Hi girl!"
Dale: "Oh, akala ko ba may racket ka today, bakit ka nandito? Makikikain kang tanghalian no?"
Reese: "Eh kasi naman nabasa ko sa gc na nagluto si tita ng ginataang alimasag!"
Dale: "Sabi ko na e."
Reese: "Wow ready na ready ka na sa outing ninyo ha!"
Dale: "Paano ba naman kasing hindi, halos hindi na kami nagkikita sa sobrang busy niya. Hindi na kami nakakalabas, hindi rin siya makapunta dito agad agad dahil dikit dikit yung schedules niya. Para na nga kaming LDR e, kahit na nasa loob lang naman kami pareho ng Metro Manila."
Reese: "Eh kasi naman lagi nalang siya ang nagpupunta, bakit hindi mo subukang ikaw naman ang sumipot sa taping niya, bumisita ka!"
Dale: "Alam mo, hindi pa talaga ako nakaka panood ng taping niya. Sa tingin mo, matutuwa siyang mapanood ko siya?"
Reese: "Oo naman no! Yung maramdaman na sobrang support ka sa ginagawa niya, syempre sinong hindi matutuwa nun."
Dale: "Kaso nasa Laguna yung taping niya ngayon e-"
Reese: "Ay, edi ipag da-drive kita! Maraming artista dun diba? Teka diba kasali sa movie niya si Aljur"
Dale: "Yung totoo, para ba talaga to saakin, or sayo?"
Reese: "Pwedeng para satin pareho, sige na, tara na! Matutuwa na si Donny na makita ka, sasaya pa akong makapanood ng mga artista!"
Dale: "Itetext ko na siya- Actually alam mo mabuti pang surpresahin ko nalang siya, dadalan ko siya nung ginataang alimasag ni nanay. Ay lulutuan ko siya ng ginataang langka! Nung mga bata kami parati yun niluluto ni lola, at parati rin niyang nauubos-"
Nagkatawanan nalang kami sa mga naikuwento kong alaala namin ni Donny bilang mga bata. Nagluto narin ako ng dadalin ko sa pagpunta sa taping nito, pagkatapos ay kumain na muna kami ni Reese kasabay ng pamilya ko.
Donny's POV:
Direk: "Donny, may 4 na sequence pa tayo ha, sagarin na natin yung araw na to, kasi blocked nanaman pala weekend schedule mo, pahihirapan mo lahat mag adjust niyan-"
Donny: "Sorry Direk, this weekend is just really important, after that we can maximize our time-"
Shantelle: "Maximize your time, you mean? Kasi sayo naman lagi nag a-adjust yung casts."
Donny: "Shantelle I'm sorry, I know I have been a pain in the ass recently, but I'll get better. Direk, I'm sorry-"
Direk: "Fine Donny, just know your priorities."
Nasa tent na si Jess and Kits pag pasok ko.
Donny: "Kararating niyo lang?"
Jess: "Yes, naka meeting na namin yung Bench, next week may mga isiningit kaming schedule mo for pictorial, finalize narin yung signing for this endorsement. Sobrang packed mo na next week, please focus."
Donny: "I will, thank you Jess-"
I went to get some coffee outside, and Shantelle was there.
Donny: "Do you want one?"
BINABASA MO ANG
How To Love A Superstar?
Romance(3rd book) Dale Pangilinan works multiple jobs to support her school and family. There's no day and night for her as she is the sole breadwinner to her family. She has a simple dream, to save enough money and buy back her grandparent's house, and to...