Dale's POV:Buong araw akong nagbawi ng tulog pagka uwi nila Eric nung umaga. Nagising ako na halos mag aalasais na.
Bigla agad pumasok sa isip ko ang usapan namin ni Eric kahapon, hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko na pumayag sa inaalok nito sakin, ang alam ko lang, karapat dapat siya para sa pagkakataong hinihingi niya.
Lisa: "Anak, gising ka na ba? Nakita ko yung sasakyan ni Eric sa labas, kapaparada lang-"
Dale: "Gising na po ako nay, bababa na po ako."
Sa totoo lang kinakabahan din ako, kahit na mahal ko si Eric, hindi pa ito yung klase ng pagmamahal na ibinibigay niya. Gustohin ko man pero, hindi ko pwedeng lokohin ang puso ko, dahil alam kong iisang tao parin ang laman nito.
May dala-dala itong bulaklak para saakin, pagkaabot niya ay inilapit ko agad ang mga ito para amuyin. Napansin kong may hawak ring bulaklak si nanay.
Lisa: "Pati ako damay, hehe salamat Eric ha-"
Napatingin ako dito, nakangiti lang siya kay nanay, nang ibaling niya ang tingin niya sakin, meron siyang konting ilang, pero ngumiti lang ito at lumapit saakin. Inabot niya ang kamay ko na walang hawak na bulaklak.
Eric: "I'd like to take you out for dinner, if that's okay?"
Dale: "Oo naman, magbibihis lang ako, ay bago tayo mag dinner okay lang ba kung samahan mo ako sa mall? Gusto ko kasi kumuha ng bagong number e-"
Eric: "I'll go anywhere you want to go"
Nakakahawa ang mga ngiti nito. Umakyat muna ako sandali para mag ayos ng sarili ko. Sa totoo lang kinakabahan ako, hindi ko kasi alam kung papaano kikilos. Ito ang magiging unang pagkakataon na lalabas kami sa isang totoong date ni Eric, kahit pa parati namin ito ginagawa noon, iba na ngayon. Bago ako bumaba, tinignan ko muna sa salamin ang sarili ko-
Dale: "Kaya mo yan Dale, maging masaya ka lang ngayong gabi, kasama yung taong mamahalin ka lang, hindi ka sasaktan."
Pag baba ko, nakita kong nakikipag laro siya sa pamilya ko ng sungka, paboritong libangan ito noon nila nanay at tatay nung nabubuhay pa sila lolo at lola. Habang pinagmamasdan ko siyang masayang nakikisama sa pamilya ko, hindi ko maiwasang hindi mapangiti, bakit nga ba hindi natuturuan ang puso.
Dale: "oh, busy kana yata e-"
Pag lingon nito saakin, napatitig lang ito sakin at hindi agad nakapagsalita.
Dale: "Pangit ba?"
Eric: "Are you kidding me? I have never seen anything so beautiful, ngayon lang-"
Dale: "Hindi naman ako aatras sa date na to, huwag mo na akong bolahin-"
Eric: "Wow, ang sarap sa tenga, finally- I'll be on a date with you. And hindi kita binobola, diba tita? Sobrang ganda niya pag nag de-dress?"
Dale: "Pag naka dress lang?"
Eric: "Lagi, but it shows even more when you dress up-"
Dale: "Bakit ganyan ang ngiti mo?"
Eric: "Wala, cause it seems like you took time to fix yourself, for me- It makes me happy."
Sobrang liit na bagay, kumpara mo sa lahat lahat ng naitulong at naibigay niya saakin. Pero sinisigurado niya paring iparamdam saakin that he appreciates me.
Dale: "Lika na?"
Pagka park namin ay dumeretso muna kami sa taas ng mall, kung saan ako pwedeng bumili ng sim card. Malayo palang ako nakikita ko na yung napaka laking banner ng mall show ni Donny- Bigla akong hindi makagalaw, sa lahat ng mall na pupuntahan namin, dito pa-
![](https://img.wattpad.com/cover/227459584-288-k485662.jpg)
BINABASA MO ANG
How To Love A Superstar?
Romance(3rd book) Dale Pangilinan works multiple jobs to support her school and family. There's no day and night for her as she is the sole breadwinner to her family. She has a simple dream, to save enough money and buy back her grandparent's house, and to...