Paige's POV:Bakit kaya hindi ako nasundo ni Eric ngayong araw? Sabi niya susunduin niya ako pagkagaling niya sa ospital, pero ang sabi naman ni Donny hindi pa siya nakakarating. Mabuti pa puntahan ko nalang sa bahay niya.
Pag-dating ko duon, nakita ko nga ang sasakyan niya na naka parada, pero sa labas, laking gulat ko nalang ng makita kong nasa loob siya nito, binuksan ko agad yung pinto, nung mga oras nayun, parang huminto sandali yung puso ko sa pag tibok- hindi ko alam kung bakit, pero sobrang kabog ng dibdib ko, ng hatakin ko ito at malakas kong isinigaw ang pangalan niya, nagising naman ito, at kung sa anong dahilan tuloy tuloy nalang bumuhos ang luha ko-
Eric: "Hey, what's wrong? Don't cry-"
Niyakap ako nito-
Paige: "akala ko, kung anong ginawa mo- akala ko- akala ko kung anong nangyari sayo-"
Eric: "I'm okay, don't worry, medyo sumama lang yung pakiramdam ko, I wasn't even able to go to the hospital, cause I couldn't really get up. But then I saw the time and I was really going to pick you up, sinandal ko lang sandali yung ulo ko, hindi ko namalayan na nakatulog na ako-"
Lalo akong naiyak, pipilitin niya parin akong sunduin- sinusubukan niya talagang unahin ako- kahit na masama pa ang pakiramdam nito. Bigla kong na-realize na sobrang init nga nito, bumitiw ako sa yakap niya at dahan dahang pinakiramdaman ang noo niya.
Paige: "Sobrang init mo nga- halika pumasok tayo sa loob-"
Inalalayan ko ito papasok, pagkatapos ay inihiga ko ito sa couch, kumuha ako ng malamig na tubig at maliit na towel, dahan dahan kong ipinunas ito sakanya, nakangiti lang ito sakin.
Paige: "Ngiting panalo? Bakit ngiting ngiti ka diyan."
Eric: "Kasi tignan mo yang itsura mo, umiiyak ka parin, singhut kapa ng singhot, pero inaasikaso mo parin ako-"
Paige: "Kasi naman, na touch ako- susunduin mo parin ako dapat, e ang sama sama na ng pakiramdam mo oh-"
Eric: "I told you, I'll be better, I'll try to put you first as much as I could."
Paige: "Salamat, pero kapag ganito, unahin mo yung sarili mo, maiintindihan ko naman e- Pero alam mo, buti nalang nandito na ako, meron ng mag aalaga-"
Naiyak nanaman ako- hindi ko natuloy sasabihin ko.
Eric: "Please don't cry, para namang ang lala nito, lagnat lang to, trankaso- ilang araw din kasi akong hindi nakapag pahinga diba?"
Tumango ako-
Paige: "Pwes ngayon magpapahinga ka, hindi ka pwedeng umalis, tapos ako dito lang ako, aalagaan lang kita."
Ngumiti lang ito, at nagpanggap na sobrang touch, may pahawak hawak pa sa dibdib niya-
Paige: "Alam mo nakakainis ka, seryoso ako dito oh- tapos I mock mo lang ako-"
Eric: "Alam mo napansin ko lang ha, hindi ka mahilig mag tampo nuon, tapos ngayon, gustong gusto mong nilalambing no?"
Paige: "huyy hindi ha-"
Eric: "E bakit ka namumula?"
Paige: "nagtatampo ako kasi, binigyan mo na ako ng karapatang magtampo- teka nga igagawa muna kita ng tea-"
Patayo na sana ako, ng bigla niyang hilahin ang kamay ko, kaya napaupo ulit ako sa tabi niya.
Eric: "I don't need tea, I just need my girlfriend beside me-"
Bigla akong natahimik- Minsan parang malulunod ang puso ko kapag tinitignan niya ako ng ganito, e kasi naman pinapangarap ko lang to dati- ngayon, nasa harap ko na-"
BINABASA MO ANG
How To Love A Superstar?
Romansa(3rd book) Dale Pangilinan works multiple jobs to support her school and family. There's no day and night for her as she is the sole breadwinner to her family. She has a simple dream, to save enough money and buy back her grandparent's house, and to...