Walang pusong praktikal, walang pusong hindi nababasag

306 25 25
                                    




Dale's POV:

Akala ko pag gising ko, medyo mababawasan na yung sakit. Pero mas masakit pala yung gigising ka pagka-tapos ma rerealize mong totoo pala ang lahat, hindi pala panaginip lang. Yung pakiramdam na, natulog akong may lamat, pero nagising akong tuluyan ng basag. Ayaw kong kumilos, kasi pakiramdam ko malalagas lang ako lalo, mauubos. Hinila ko ang kumot para ibalot sa sarili ko. Kung i kukumpara ko yung sakit na pisikal sa nararamdaman ko ngayon, mas sobra pa pala ang sakit nito, kasi hindi tulad ng sugat o pasa, tantsado mo kung kelan gagaling, kung kelan huhupa, pero ito? Itong sakit na nanggagaling sa loob, sa puso- parang walang katapusan, kailangan mo lang hintayin, hindi mo alam kung gaano katagal.

Ilang beses akong kinatok ni nanay, tatay pati narin ni kuya sa buong araw. Pero hindi ko talaga magawang kumilos.

Wala akong ibang gustong gawin kung hindi takbuhan nalang itong nararamdaman ko.

Lisa: "Anak, tinawagan ko sila Reese, nandito sila, anak nagaalala na ako, hindi ka na nakakain buong araw, please naman anak, sana kahit sila kausapin mo."

Narinig ko nalang na bumukas yung pinto, at naramdaman kong niyakap ako ni Reese at Trina.

Reese: "Nagdala kami ng food. Kung ayaw mo naman, kahit inumin lang. Dale, hindi mawawala yan sa hindi mo pag kain, or pag inom, or pag tayo. Kailangan mong ituloy yung araw mo-"

Trina: "Dale, please?"

Hindi nila ako na contact maghapon kaya alam kong nag aalala na sila. Ilang beses akong tinatawagan ni Donny kaya pinatay ko ang phone ko.

Reese: "Nasa social media na yung break up ninyo. I mean wala naman akong nababasang dahilan, pero may mga nakakita nung away niyo sa taping niya, tapos walang update from you guys kaya ayun, nag assume yung mga tao."

Dale: "Wala na akong paki-alam"

Reese: "Hindi yan totoo, kasi kung talagang wala kang paki-alam dapat tumatayo ka na diyan, dapat hindi ka na nagmu-mukmok."

Pumayag na rin akong tumayo, lumipat kami sa may balcony para daw mahanginan naman ako. Hindi rin naman sila aalis at susuko kung hindi ko sila pagbibigyan. Naglabas ng maiinom si nanay, pagkatapos ay nagpaalam itong papasok dahil nag ba'bake siya ng banana cake.

Reese: "Oh, ngayon mo iiyak, na hindi ka mag isa, ngayon mo ilabas-"

Dale: "Nakakapagod lang magalit, ayoko ng magalit-"

Reese: "Hindi yun ganun, gusto mo lang taguan, gusto mo lang iwasan. Kung gusto mo talagang matapos yan, daanan mo na, magalit kana, ilabas mo na lahat ng galit mo. Kasi kung talagang wala nayan, hindi mo na kailangan desisyunan, kusa nalang yan, hindi mo na kailangang i convice pa yung sarili mo."

Dale: "Basta ngayon, gusto ko nalang munang huwag isipin ang lahat. Hindi ko kaya."

Trina: "For as long as alam mong hindi ka mag isa Dale okay? We are all here for you."

Kinabukasan sinubukan kong tumayo at bumaba, pakiramdam ko lalo akong masisiraan ng bait sa kwarto ko. Nasa palengke si nanay at si tatay naman ay nag deliver nung mga banana cakes na order, naging maliit na negosyo na kasi nila yung mga bake goods ni nanay.

Si kuya Jim ay napansin kong nakatutok sa laptop niya, napansin nitong nasa baba ako.

Jim: "Ay bunso, teka, gusto mo ba ng kape? Ipagtimpla muna kita bago ko tapusin itong module ko-"

Dale: "Module?"

Jim: "Oo bunso, kumuha kasi ako ng ilang online courses e, kasi medyo nagiging okay naman yung kita ko sa trabaho, kaya naisip ko na bumalik uli sa pag aaral, ikaw inspirasyon ko tol e, kasi naalala ko kung papaano mo iginapang yung pag aaral mo para makapag tapos ka lang, sabi ko kaya ko rin yun, balang araw magiging proud din sakin yung kapatid ko. Pasensya kana tol ha, itong kuya mo kasi e, walang direksyon noon, nasayang ko yung mga pagkakataong ibinigay mo saakin, pero huwag kang mag alala, ako naman ngayon tol, si kuya naman."

How To Love A Superstar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon