Dale's POV:Nalagpasan namin yung isang buwan na okay kami. Eric had always been there. Kahit may mga time na sumasablay ako, naiisip at umiiyak parin dahil kay Donny, hindi siya nagpa tinag, he was just beside me all along. We decided to partner on the restaurant na pinagdalan niya sa akin on our first date. We are expanding it, ngayon si nanay narin ang pastry chef namin. Pinag-sama namin nila nanay yung mga ipon namin para mailagay sa expansion nung restaurant. Eric was almost just giving it to me, pero mas gusto ko na galing mismo sa akin yung paghihirapan ko at palalaguin. But as for Eric, He's always moving mountains for me, kaya alam ko na tama ang desisyon ko na subukang mahalin siya.
Reese: "Kamusta yung restaurant?"
Dale: "Okay naman, nakakasanayan ko na rin- Naeenjoy ko talaga siya."
Reese: "Grabe can you imagine, drawing lang yung Restaurant nayun nung nagaaral pa tayo, literal na drawing! Fairygod mother talaga si Eric kasi sa isang wave niya ng magic wand niya nagkakatotoo lahat."
Trina: "Alam mo, ang swerte swerte mo talaga sakanya, unlike kay Do-"
Reese: "Oh Trina, huwag na magbanggit ng pangalan na wala naman kinalaman-"
Dale: "Okay nayun, okay na ako. Actually, alam niyo ba, gusto ko ng sagutin si Eric ngayong gabi."
Reese: "talaga!"
Trina: "Sigurado ka na ba talaga?"
Dale: "Oo naman, tsaka ilang beses na bang pinatunayan sakin ni Eric yung pagmamahal niya, sobra sobra na nga eh,"
Reese: "But do you love him the same way?"
Dale: "Mahal ko si Eric, mahalaga siya saakin. Marahil ay hindi pa sa parehong lebel ng pagmamahal niya pero, darating ang panahon na matututunan ko yun, kung sa maling tao nga naibigay ko yung ganung pagmamahal, sa karapat dapat pa kaya?"
Trina: "Well I hope na sigurado ka na talaga diyan, and if you are, I'll be very happy for you and him!"
Dumating na si Eric at dumiretso ito sa kung saan kami nakaupo nila Reese.
Eric: "I brought you the plan for the expansion, may mga changes na ginawa yung architect based dun sa design na pinasa natin."
Dale: "Ah, nakita naba nila nanay?"
Eric: "They are looking at it now. Kayong dalawa? Ang aga niyo ha!"
Reese: "Naki almusal-"
Eric: "Magbago na kayo huy-"
Reese: "Alam niyo, I could get really used to this, you guys together?"
Trina: "Ang cute nila no?"
Eric: "Fine, bukas sakin naman kayo mag almusal, ang galing ninyo mang bola, alam niyo mga kahinaan ko e- but anyway, I have to go on a meeting today, it might take the whole day pero I'll pick you up for our dinner tonight okay?"
Dale: "Okay, pupunta rin ako sa Restaurant today, gusto ko makita if dumating na yung mga inorder kong dessert plates."
Eric: "Okay, then I'll see you tonight."
Tumayo ito para yumakap saakin, at humalik din ito sa noo ko.
Reese: "Ay iba, asawa goals."
Ngumiti lang ito pagkatapos ay bumaba na para magpaalam kila nanay.
Dale: "I told you, he deserves this more than anyone else-"
Parang may biglang kumirot sa may dibdib ko, napahawak ako agad dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/227459584-288-k485662.jpg)
BINABASA MO ANG
How To Love A Superstar?
Romance(3rd book) Dale Pangilinan works multiple jobs to support her school and family. There's no day and night for her as she is the sole breadwinner to her family. She has a simple dream, to save enough money and buy back her grandparent's house, and to...