The moment in between

298 21 22
                                    




Dale's POV:

3 buwan ang nakalipas mula ng huli kaming magkausap ni Donny. Marami ang nangyari matapos ang araw na iyon. Muli ko ng nakuha ang bahay ng mga lolo at lola ko, nakalipat kaming muli dito. Naging busy ako sa restaurant. Matapos din ang araw na maghiwalay kami ni Eric, ay nagpasya itong asikasuhin muna yung mga bagay na naiwan niya sa Cebu. Nakakapagusap kami sa phone pag minsan, pero hindi pa ulit kami nagkikita. Pareho rin naming napag pasyahan yun, siguro para mas pareho kaming maging handa na muling harapin ang isat isa. Hindi ko naman maitatago na labis rin akong nasaktan sa paghihiwalay namin. Ngayong araw na ito ang balik niya, kaya naisipan namin siyang I surpresa nila Reese, mag se-set up kami sa bahay niya ng maliit na reuinion party naming apat. Maaga pa kaming nasa mall para bilhin yung mga kailangan, pagkatapos ay dumeretso na kami sa bahay niya. Tagiisa parin kami ng susi sa bahay nito, hindi naman namin ito isinauli matapos kaming umalis sa pagtira dito doon.

Minadali naming tapusin ang pag se-set up dahil mga 4 or 5pm lang ay siguradong nandito na siya.

Habang inaayos ko yung mesa sa garden, nagulat ako ng biglang may magbato ng sampaguita mula sa labas ng bakod, pag tingin ko sa parte kung saan ito bumagsak, sobrang dami ng sampaguita roon, marami dito ay natuyo na.

Agad akong tumakbo sa may gate para silipin kung kanino ito galing. May nakita akong babae na pasakay na sana muli sa kanyang biskleta, pero napansin niyang may nagbukas ng gate.

Paige: "Ay, hello, nandiyan naba si Eric?"

Napailing lang ako, naguguluhan kung sino ang kausap ko. Maya maya pa ay lumabas din sila Reese, marahil ay napansing meron akong kausap.

Reese: "Sino siya?"

Nakangiting tanong nito.

Dale: "Hindi ko alam, nakita ko lang na nagbato siya ng sampaguita sa loob-"

Paige: "Ay pasensya na kayo ha, ano kasi, uhm, manliligaw ako ni Eric-"

Trina: "Manliligaw?"

Paige: "Uhm, oo parang ganun, manliligaw."

Reese: "Nililigawan mo si Eric?"

Paige: "Mga ilang beses ko kayang dapat ulitin?"

Nakangiting tanong nito.

Reese: "Sorry, nagulat lang kami. Uhm bestfriends niya kami, i'm Reese."

Nagkipag kamay naman ito kay Reese.

Trina: "I'm Trina-"

Dale: "Uhm, Dale."

Iniabot ko rin ang kamay ko para kamayan siya, pero tinitignan lang ako nito.

Paige: "Dale? Ikaw pala si Dale."

Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko nung pakiramdam kong hindi niya ako kakamayan.

Dale: "Kilala mo ako?"

Paige: "Oo naman, kilalang kilala."

Reese: "Teka paano mo ba nakilala si Eric?"

Paige: "Regular customer siya sa coffee shop na pinag ta-trabahuhan ko. Basta medyo mahabang kwento. Nandyan na ba siya?"

Reese: "Wala pa, pero today ang dating niya-"

Trina: "Ay speaking! Ayan na yung sasakyan niya."

Pag baba nito sa sasakyan niya, halatang medyo nagulat siya na nandun kami.

Biglang tumakbo palapit sakanya yung babae, at yumakap.

Paige: "oh my goddd, bumalik kana! Thank you Lord!"

How To Love A Superstar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon