Desperate Measures

485 32 75
                                    




Dale's POV:

Imposibleng hindi niya ako nakita, nagkabangga pa kami, pero hindi niya ako kinausap, or tinawag. Ibig sabihin hindi niya na ako nakikilala.


Nakaupo kami sa labas ng isang convenience store, paglabas ni Eric may dala dala na itong kape at cold drinks din. Inabutan niya ako ng kape. Oo baliktad ako, kung para sa iba mas lalo silang na tetension pagka uminom sila ng kape, ako naman e kabaliktaran, na rerelax ako pag umiinom nito.

Reese: "I mean, pwedeng hindi ka niya naalala? Kasi kung siya nga ang laki ng pinagbago e, ang babata niyo pa nun diba."

Dale: "Pero kung siya nga na ang laki ng pinagbago naalala ko e, ako pa kaya na ganun parin naman."

Eric: "Eh bakit sa tingin mo hindi ka niya pinansin?"

Trina: "Baka naman kasi nag move on na yung tao sa friendship niyo? Baka sayo lang pala ganun kalalim yung pagkakaibigan ninyo nung mga bata kayo? Kaya baka siya nakalimot na talaga?"

Eric: "Alam mo Trina ang harsh mo, pero true, may point ka naman diyan, Dale, baka nga wala naman kayo sa parehong level ng friendship niyo noon?"

Dale: "Siguro nga, mga bata pa naman kasi kami noon, ako lang siguro yung masyadong attached sa friendship namin, Siya lang kasi talaga yung naging kaibigan kong totoo nuon, siya lang yung kaisa isahang nagtanggol saakin sa buong taon ko na bully sa skwelahan na yun."

Trina: "Eh ano ng plano mo? Cancel na ang pag fafaney natin sakanya?"

Umiling ako agad.

Dale: "Hindi no! Ako parin ang magiging number one fan niya, proud na proud parin ako sakanya. Marahil ay ako lang ang hindi pa nakaka move on sa biglang pagkawala ng kaibigan ko noon, pero hindi naman nagbago, siya parin yung batang nagligtas saakin. Mahalaga parin siya saakin. At susuportahan ko siya kahit ano pang mangyari. Siguro hindi ko nalang ipipilit na magkita kaming muli-"

Eric: "AYY, susuko agad? Kung sinasabi mo na ganun parin siya kahalaga para sayo, aba, you have to let him know that. Kung kasing buti nga siya ng kinukwento mo saamin noon, edi deserve niyang malaman na tumatak sayo iyon diba?"

Dale: "Siguro pag nagka chance, one day. Pero sa ngayon ayoko na munang mabuang sa kakaasa na makausap siya."

Mga isang linggo din yun lumipas, araw araw ko siyang pinanonood sa *CEOK live* Pag minsan naman sa youtube bina browse ko yung mga music video niya. Masaya na akong suportahan siya ng ganito. Pagkatapos kong mag extra sa bakeshop, dumeretso ako sa bahay ni Eric, nagplano kasi kaming mag weekend dun sa bago niyang bahay. Pag dating ko dun, napa nganga nalang ako sa ganda nito. Meron pa siyang pool sa back yard niya. Iba na talaga tong kaibigan ko, mas yumaman pa kesa nung nagaaral palang kami. May sariling business si Eric, meron siyang car shop, dahil kahit na malambot siya from the inside e, hilig niya parin ang mga typical na hilig ng mga lalaki. Napaka hilig niya sa sasakyan kaya nag buy and sell siya hanggang sa ayan may sarili na siyang car shop and dealership. Plus yung coffee shop na itinayo niya rin malapit sa campus.

Dale: "Grabe ka, ang ganda ng bahay mo, iba na talaga level mo lalo."

Eric: "Kaya mo rin makuha lahat ng yan no. Naku trust me, sa sipag mong yan? Talo mo kaming tatlo girl."

Sabay dumating si Trina at Reese. Nagdala sila ng wine at mula ng umupo kami sa may pool side, hindi na natapos ang kwentuhan. Habang tumatagal yung kwentuhan dumadami rin ang naiinom ko. Pakiramdam ko ay nalalasing na ako. Nagpaalam ako sakanila na magbabanyo muna para umihi, pero pakiramdam ko suka na ang lalabas.

Eric's POV:

Hay naku nalasing yata ang gagang to.

Eric: "Sandali, sa palagay ko nalasing yung bruha nating friend. Brokenhearted siguro sa super D niya. Silipin ko lang at baka sukahan yung bago kong bathroom carpet!"

How To Love A Superstar?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon