Dale's POV:Nagising akong wala si Donny sa tabi ko. Hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko. Dahan dahan akong bumangon para hanapin si Donny. Pababa palang ako naamoy ko na ang masarap na amoy ng hinahandang almusal nito. Pero nagulat ako ng bumungad sakin ang napakaraming bulaklak, at mga puting lobo sa kusina.
Donny: "Oh! You're up early!"
Dale: "Ano ito?!"
Donny: "Well, Happy first month of being my wife!"
Masayang masaya akong niyakap nito.
Dale: "Salamat-"
Donny: "Are you okay?"
Tumango ako, ayokong sirain ang inihanda niya.
Dale: "Gutom na ako, ano bang niluto mo?"
Donny: "Ay, wait I'll serve it now, dito ka lang, akong bahala sayo-"
Lumakad ito palapit sa kanyang niluto para ilipat ito sa plato.
Sinusubukan kong hindi pansinin ang nararamdaman ko, pinanonood ko lang siya habang nakatalikod siya at kumukuha ng pagkain. Pero tila palabo na siya ng palabo sa aking mga mata- Diyos ko po, kukunin mo na ba ako? Hawak hawak ko na ng mahigpit ang dibdib ko- pero ang nasa isip ko lang ng oras na iyon ay lapitan ang asawa ko, kung ngayon man ako kukuhanin, mukha niya ang huling gusto kong makita- pero isang hakbang lang ang nagawa ko- hindi ko kaya-
Dale: "Mahal-"
Nakita ko siyang lumingon, at tumakbo palapit sakin, naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa mga braso niya.
Donny: "Baby! Baby no!-"
Donny's POV:
I couldn't wait for any ambulance so I took her to my car after alerting the hospital about what happened. Tinawagan ko narin ang mga magulang niya.
Nung makarating kami sa hospital, agad siyang kinuha sakin at dinala sa emergency room.
Wala akong ibang maisip nun, wala akong ibang tinatawag sa isip ko kung hindi ang panginoon.
Donny: "Diyos ko, parang awa mo na, huwag muna, pakiusap. Pakiusap. Ayoko pa, ayoko –"
Kinain ng mga luha at hikbi ang lahat ng mga gusto kong sabihin. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Eric. Hindi na nito kinailangang marinig pa kung anong nangyari, sinabi ko lang kung saang hospital ko dinala si Dale.
Sa bawat minuto na itinatagal niya sa loob, para rin akong palubog ng palubog sa posibilidad na baka hindi ko man lang siya makausap pang muli, baka hindi ko man lang masabi na mahal na mahal ko siya-
Tumatakbong dumating ang mga magulang niya. Agad akong tumayo at yumakap sa mga ito. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.
Donny: "Hindi ko po kaya, hindi ko kayang maghintay, hindi ko kayang wala ako dun sa tabi niya. Ma- Pa- Hindi ko kaya-"
Lisa: "Anak, huminahon ka-"
Pero nalulunod rin ang mga salita niya sa sarili niyang luha.
Rick: "Magdasal tayo na, na magiging okay siya- kailangan natin maging matapang ngayon-"
Eric: "Donny! What happened?"
Donny: "Eric, she's in there-"
I couldn't stand on my feet anymore, naupo nalang ako sa may sahig-
Donny: "I'm trying to be brave, be okay- but I don't know what could happen, I don't know what's happening in there.- what are they doing to my wife, are they doing enough? Sana pala nag doctor ako, heart surgeon, kahit ano- para ako yung nandun, para ako yung gagawa ng paraan-"

BINABASA MO ANG
How To Love A Superstar?
Romance(3rd book) Dale Pangilinan works multiple jobs to support her school and family. There's no day and night for her as she is the sole breadwinner to her family. She has a simple dream, to save enough money and buy back her grandparent's house, and to...